Chapter 9

75K 2.2K 164
                                    

Jennifer

"Huwag mo 'kong tingnan ng ganiyan.  Kasalanan mo rin kung bakit ko nagawa ito."  Sabi ni Zac pag-alis ni Dustin, habang ako nama'y tahimik lang na nakatingin sa kaniya ng masama.  "Hindi ba sinabi ko na, na popormahan ko ang sinomang babaeng magustuhan ako at wala akong pakialam kung single 'yon o may boyfriend na.  Ikaw ang dahilan kung bakit nilubayan ko na si Karen.  Maganda, matalino at mabait, hindi na ako nagtataka kung bakit gano'n na lang kabaliw sa'yo si Dustin and I think nahawa na 'ko sa kaniya, 'yon ang dahilan kung bakit ako nangalap ng impormasyon na na puwede kong magamit para masira ang relasyon niyo.  At nagtagumpay naman ako, ang galing ko 'no?"

Ilang segundo muna ang lumipas bago ako sumagot. 

"Tapos ka na ba?"  Sabi ko habang pinipigilan ang aking sarili na magwala sa galit.  "Tingin mo ba talaga, matatapos na ang relasyon namin ni Dustin nang dahil lang sa ginawa mo?  Akala mo ba tatalon ako sa tuwa dahil lang sinabi mong interesado ka sa'kin?  Let's say na tuluyan na nga kaming maghiwalay ni Dustin, sa tingin mo ba mapupunta na 'ko sa'yo?" 

Napansin kong naging masama na rin ang timpla ng mukha ni Zac. 

"Pinabilib mo 'ko do'n sa recording ah.  Ibig sabihin, talagang pinag-planuhan mo 'to?"  Pagpapatuloy ko pa.  "I'm sorry pero nagkakamali ka kung inaakala mong nagtagumpay ka na."

"Then, let's have a bet." Ani Zac na muling naging confident ang hitsura.  "Malapit na siyang umalis di ba?  Ganito na lang, kapag hindi kayo nagka-ayos hanggang sa umalis na lang siya, ibig sabihin no'n ay nagtagumpay ako.  At kapag nagtagumpay ako, magiging akin ka na.  Kailan nga ang alis niya?"

Ang alam ko ay next month na ang alis ni Dustin pero hindi ko iyon sinabi kay Zac.

"Ano na, kung malakas ang paniniwala mong magkaka-ayos kayo then, dapat malakas din ang loob mong patulan ang hamon ko."  Dagdag pa niya habang may ngiting mapang-asar  "I'll just take your silence as a yes then.  Pa'no, mauna na 'ko sa'yo."

"Sandali lang."  Sabi ko at huminto naman siya.  Dahan-dahan akong lumapit saka siya tinitigan sa mukha.  "Sasapakin sana kita eh, pero dahil puro pasa na 'yang mukha mo kaya ganito na lang..."  Bago umalis ay hinampas ko ng bag 'yong 'ano' niya dahilan upang mapa-aray siya at mamilipit sa sakit.  

---

Maraming beses kong tinawagan ang cellphone ni Dustin ngunit ni minsan ay hindi siya sumagot.  Kaya naman naisipan kong sa mismong bahay na lang nila tumawag.

[You are Dustin's girlfriend?  The one that he brought to my husband's birthday party?  'Yong anak ng katulong.]

Base sa mga sinabi no'ng nasa kabilang linya, ay lumalabas na siya ang step mother ni Dustin.  Ang sungit!

"Ako nga po."  Sagot ko sa kaniya.  "Itatanong ko lang po sana kung nakauwi na po si Dustin?"

[No, he's not home yet.]

"Gano'n po ba?" 

[Is there anything else you need?]

"Wala na po, sige po, salamat."

---

Kinabukasan ay hindi pa rin sumasagot si Dustin sa mga tawag ko kaya nag-decide na akong pumunta sa kanilang mansyon.  Sinalubong ako ni Ate Neri na kanilang kasambahay at sinabi nitong pumasok na lang ako sa bahay upang doon hintayin si Dustin na may nilakad daw.

Pagdating sa living room ay may naulinigan kaming mga taong papalapit habang nag-uusap.

"What will you do now?  Talagang lagot ka sa Daddy mo pag-uwi niya.  Sino ba kasing nagsabi sa'yo na pumasok ka sa office ng Dad mo, at pinagdiskitahan mo pa si Mona Lisa." 

"Hindi ko naman po sinasadya eh.  Akala ko, kaya kong mabuo uli 'yong puzzle, pero mahirap pala.  Ma, I think we should call someone to fix it, before Daddy finds out."

"At sino naman ang tatawagin natin para ayusin ang puzzle na 'yon?"

Isang ginang at isang batang babae na parang nasa edad siyam o sampu ang nag-uusap.  Mukha silang mag-ina at ang pinag-uusapan nila ay ang Mona Lisa Jigzaw puzzle na naka-display doon sa office.

"Ikaw?"  Sabi no'ng ginang nang mapansin niya ako.  Siya 'yong nakita ko sa party at siya na pala ang step mother ni Dustin. 

"Magandang tanghali po.  Ako nga po pala si Jennifer..."

"Madam, nasira po ba 'yong puzzle sa opisina?"  Sabat ni Ate Neri.  "Wala na po kayong dapat problemahin dahil kayang-kaya po ni Jen na ayusin 'yon at ibalik sa dati."

"Yes!  Talaga Ate, kaya mong ibalik sa dati si Mona Lisa?"  Tanong no'ng bata at agad siyang kumapit sa aking braso.  "Kung gano'n tara na, samahan kita sa office para maayos mo na 'yon.  Lagot kasi ako kay Daddy kapag 'di 'yon naayos eh."

Hindi ko na nagawang magpaalam sa step mother ni Dustin dahil hinila na agad ako ng anak niya papunta sa office.

"By the way ate, ano ulit ang name mo?" Tanong sa akin ng kapatid ni Dustin na siya lang kasama ko ngayon dito.

"Ako si Jen, boyfriend ko ang Kuya mo."

"Oh really.  By the way I'm Pristine, but you can call me Priss."

Matapos ng pagpapakilala ay sinimulan ko na ang pag-buong muli sa puzzle.  After fifteen minutes ay isang puzzle piece na lang ang kailangan kong ikabit upang tuluyan na itong mabuo.  Habang hawak ko ang natitirang piraso ng puzzle ay hindi ko napigilang alalahanin ang nakaraan.

"Eh, 'yong nawawalang jigsaw puzzle piece, naalala mo?"

"Alin, 'yong itinago mo para pag-tripan ako?"

"Itinago ko 'yon hindi para pagtripan ka.  Ginawa ko 'yon para magtagal ka pa sa bahay at para matagal pa kitang makasama."

"Ate, why are you crying?"  Nag-aalalang tanong ni Pris dahil bigla na lang akong umiyak.  Masayang tagpo ang naalala ko pero nalulungkot ako sapagkat hindi pa rin kami maayos ni Dustin.

"Kuya mo kasi eh."  Sagot ko saka ikinabit na ang isang puzzle piece na bubuo kay Mona Lisa.

"Bakit, anong ginawa sa'yo ni Kuya"

"Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko buhat pa kahapon."

"Ang bad niya talaga!"  Dismayadong sinabi ni Priss.  "Kung ayaw niyang sumagot ng tawag, sugurin na lang natin siya."

"Ha?  Alam mo ba kung nasaan siya?"

"Opo, kaya sugurin na natin siya ngayon Ate.  Lagot siya, hindi tamang pinapaiyak ka niya."

Tinawag ni Pris ang kaniyang driver at pagkatapos ay inihatid kami nito sa isang matayog na condominium building.

"Nandito ang Kuya mo?"  Tanong ko pagbaba namin ng kotse.

"Yes, he has his own unit.  Hindi mo ba alam?"

"Hindi eh."

"Anyway, let's go Ate."  Ani Pris at pumanhik na kami sa eleventh floor.  Pagdating sa harap ng isang unit ay pinindot na niya ang doorbell.

Niyakap ko agad ang taong iniluwa ng pinto at lubos na nagmakaawa sa kaniya.

"Beh, sa wakas nakita rin kita.  Please let me explain.  Mahal na mahal kita at hindi ako pumapayag na makipag-hiwalay ka sa'kin."  Sabi ko habang mahigpit ang yakap kay Dustin.  Tahimik lang siya no'ng una, ngunit nagsalita na rin kalaunan.

"I'm really sorry, but we're done."

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now