Chapter 53 (Final Chapter)

135K 2.9K 621
                                    

Jennifer

Naguguluhan ako sa mga pangyayari gayunman ay sumabay na lang din ako  sa agos.  Marami namang babaeng teacher dito, bakit kaya ako pa ang napili nilang pag-tripan?

Ngayon naman ay tinawag ni Zac ang limang nominado for Prom King at ang mga ito ay umakyat na rin dito sa stage.  Ilang saglit pa ay ready na siyang ihayag kung sino ang nanalong Prom Queen. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"Our this year's Prom Queen is... Miss Jennifer Asuncion!" Anunsyo ni Zac at nagpalakpakan naman ang mga tao nang marinig nila ang pangalan ko.

Teka!  Pangalan ko nga ba ang binaggit ni Zac?  Ibig sabihin ay ako ang itinanghal na Prom Queen sa gabing ito? Ang saya naman!

Lumakad ako papunta sa center stage kung saan isinuot sa akin ni Zac ang sash na may nakasulat na PROM QUEEN

"Congratulations, Miss Asuncion."  Bati ni Zac at humarap uli sa audience.  "Kung mayroong Prom Queen, siyempre dapat ay may Prom King. Ready na ba kayong malaman kung sino ang tatanghalin bilang Prom King?"  Malakas na hiyawan naman ang tugon ng audience.  "Okay, for this year's Prom King is..."

Naudlot ang announcement ni Zac nang biglang dumating si Mr. Salas na dati kong adviser no'ng high school pa ako.  May ibinulong ito kay Zac at umalis agad pagkatapos.

"Ladies and gentlemen, ang sabi ni Sir ay may humabol daw na nominee bilang Prom King. Hindi lang pala sila lima dahil may pang-anim pa."  Pagpapatuloy ni Zac.  Sino naman kaya ang pahabol na 'yon?  "The sixth nominee for Prom King is...  Mr. Dustin Villaverde!"

Dumagundong uli ang buong lugar dahil sa masigabo nilang palakpakan habang si Dustin naman ay bigla na lang lumitaw dito sa stage.

Ako naman ay literal na napanganga sa gulat.  Anong ginagawa dito ni Dustin?  Hindi ba dapat ay nandoon siya sa birthday party ng Daddy niya?

"Now, kompleto na ang anim na nominees for Prom King. Excited na ba kayo?!"  Tanong uli ni Zac na agad sinagot ng audience.

"YES!"

"For this year's Prom King is... Dustin Villaverde!"  Pagkasabi no'n ni Zac ay nagsigawan uli ang audience.  Tumabi naman sa akin si Dustin pagkatapos ito suotan ng PROM KING sash.

"There you have it East Pearl. Let's give a big round of applause for this year's Prom King and Queen!  Mr. Dustin Villaverde and Miss Jennifer Asuncion!"  Masiglang sinabi ni Zac habang ang ibang mga nominees naman ay bumaba na ng stage.  "Any word from our Prom King and Queen?  Ikaw muna Dustin."

"Good evening everyone, I hope I'm not ruining your prom night."  Panimula ni Dustin matapos kunin ang mic kay Zac.  "Anyway, my name is Dustin and I want to tell you a short story about the girl that changed my life.  When i was in high school here at East Pearl, there was this nerd girl na pinag-tripan kong ligawan.  Ang tawag sa kaniya sa buong campus ay Miss Genius gawa ng mga perfect nitong exams."

Napahawak ako sa aking dibdib kaya nadama ko ang malakas na kabog ng aking puso.  Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang nakatingin sa gorgeous kong boyfriend habang nagkukuwento.

"Sinagot naman niya ako, pero dahil hindi ako naging mabuting boyfriend sa kaniya ay nakipag-break siya sa'kin.  At no'ng wala na kami, doon ko pa lang siya unti-unting nakilala.  She's nice and sweet, pero kapag nagalit siya ay dapat magtago ka na dahil maghahanap siya ng bagay na puwede niyang ihampas sa'yo.  Favorite niyang pang-hampas ay ang arnis."

Nagtawanan ang lahat at kasama na ako roon. 

"Despite that, nahulog pa rin ako sa kaniya.  Kaya niligawan ko siya ulit and exactly six years today nang sagutin niya 'ko ng matamis niyang oo sa mismong Prom Night din namin noon.  I was the Prom King then, pero hindi siya ang Prom Queen. Until now ay kami pa ring dalawa. Gusto niyo ba malaman kung sino siya?"

Kulang na lang ay mabasag ang eardrums ko dahil sa malakas na sigawan.

"That girl I was talking about is none other than this beautiful lady here beside me. Ang Ma'am Asuncion ninyo."  Kinuha ni Dustin ang kamay ko at humarap kami sa isa't isa.  "Beh, happy sixth anniversary.  I love you so much."

Napatakip na lang ako ng bibig nang sa wakas ay marinig ko ang pagbati ni Dustin na kanina ko pa hinihintay.

"I love you."  Sabi ko pero for sure ay hindi niya iyon narinig dahil maingay.  Nang pansamantalang kumalma ang audience ay nagsalita uli si Dustin.

"Beh, may itatanong pala ako sa'yo." Ani Dustin at maya-maya pa ay bigla siyang lumuhod sa harap ko.  Hawak ang isang singsing na nakalagay sa maliit na kahon ay binitawan na niya ang tanong.  "Jennifer Asuncion, will you marry me?"

Hindi ko na malaman kung tatawa, iiyak, sasayaw o magwawala ba ako ngayong nagpo-propose na ng kasal sa akin si Dustin.  Kagabi lang ay ini-imagine ko ito, ngayon ay totoong-totoo na siya.

"Grabe, ang dali nang sagutin ng tanong mo at hindi ko na kailangang maging genius para lang masagot 'yan.  Sa totoo lang, matagal ko nang hinihintay na itanong mo 'yan. Six years ago no'ng sagutin kita ng matamis kong oo.  At ngayon, oo pa rin ang sagot ko.  I love you so much Dustin and yes, I will marry you."

Pagkasuot sa akin ng singsing ay tumayo na si Dustin at saka kami nagyakap.

"Ladies and gentlement it's official!  Dustin and Jen are now officially engaged!" Anunsyo ni James na nandito na rin sa stage ngayon kasama nina Exel, Kyle at Dustin M.  Nandito rin pala sila.  "Sorry East Pearl kung nanggulo kami dito sa JS Prom niyo at lulubus-lubusin na namin ang panggugulo." 

Lumapit sa akin si Zac para akayin ako pababa ng stage kung saan sinalubong ako nina  Ashley, Elisa, Eunice at Maureen.  Ilang sandali pa ay sinimulan na nga no'ng lima ang panggugulo dito sa Prom, este performance pala.  Kumanta silang lima ng One Thing na kanta ng One Direction:

So get out, get out, get out of my head
And fall into my arms instead
I don't, I don't, don't know what it is
But I need that one thing
And you've got that one thing

Isa ito sa mga gabing hindi ko makakalimutan kahit kailan.  Hindi lang dahil sa Prom Queen sash na suot ko, kundi dahil sa singsing na bigay sa akin ni Dustin.  Isang singsing na simbolo ng aming wagas na pagmamahalan.

Ako nga pala si Jennifer Asuncion, ang Miss Genius Teacher ng East Pearl Academy at fiancee ni Mr. Gorgeous Dustin Villaverde.

-THE END-

When Mr. Gorgeous is JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon