Chapter 10

75.3K 2.1K 156
                                    

Jennifer

Agad akong kumalas sa yakap dahil hindi naman boses ni Dustin ang narinig ko kundi boses ni...

"Philip?"  Nagulat ako nang husto nang malamang si Philip pala itong sinunggaban ko ng yakap.  Nakakahiya!

Pinapasok kami ni Philip sa loob ng unit niya para doon na mag-usap.

"Si Kuya Dustin ba 'yong boyfriend mo Ate?  Ang akala ko si Kuya Philip eh, sorry naman."  Sambit ni Pris.

Dito ko nalamang si Philip pala ay anak ng Mama ni Pris na si Tita Erlie sa una nitong asawa, meaning, magkapatid silang dalawa sa ina. 

Sina Dustin at Pris naman ay parehong anak ng Tatay nilang si Tito Junnie kaya silang dalawa, plus Kuya Derek ay magkakapatid sa ama.

Samakatuwid, itong si Philip ay step brother pala nina Kuya Derek at Dustin.  Nagulat ako do'n ah!

"Matanong nga kita Pris, bakit mo dinala dito si Jen at bakit mo inakalang ako ang boyfriend niya?"  Tanong ni Philip sa kaniyang kapatid.

"Because she cried at ang sabi niya, Kuya ko daw ang may kagagawan ng pag-iyak niya.  Ikaw agad ang pumasok sa isip ko dahil ikaw lang naman ang mahilig magpa-iyak ng babae eh."  Base sa sinabi ni Pris ay mukhang kabisado niya ang ugali ng kaniyang Kuya.

"Ah gano'n?  Porke nagpaiyak ng babae, ako agad ang may sala?"  Depensa naman ni Philip.

"Totoo naman ah, sabi ni Mommy playboy ka daw.  Alam mo Kuya Philip, kung sakaling magkaka-boyfriend ako, sana hindi 'yong katulad mo.  Sana 'yong tulad ni Kuya Dustin."

"'Yan ang hirap sa'yo bunso eh, may favoritism ka.  Sayang, may regalo pa naman sana 'ko sa'yo.  Pero dahil mas gusto mo si Dustin kaysa sa'kin, kay Jen ko na lang 'yon ibibigay."  Umalis saglit si Philip at pagbalik ay may dala na siyang hello kitty pillow.  "Jen oh, sa'yo na lang." 

Inabot sa akin ni Philip 'yong unan na agad ko namang tinanggap.  Kung ako ang masusunod ay iuuwi ko na itong unan dahil ang cute nito!

"Ikaw naman Kuya, hindi ka na mabiro.  Ikaw kaya ang favorite kong Kuya."  Bawi naman agad ni Pris.

"Pris sa kuwarto ka nga muna at kakausapin ko lang si Jen."  Utos ni Philip sa kapatid na agad naman nitong sinunod.  Iniwan na muna kami no'ng bata bitbit si Hello Kitty.  "Nag-away ba kayo?"  Tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni Philip.  "I see, nabanggit ba niya sa'yong aalis siya to study abroad?"

"Oo, nabanggit niya."

"At nag-away kayo kung kailan malapit na siyang umalis?"

"Oo nga eh, hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko.  Ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko.  Siyempre, ayokong umalis siya nang ganito kami."

"Gusto mo tulungan kitang hanapin siya?  Baka nagliliwaliw lang 'yon sa mga bar.  Puwede kitang samahan na mag-ikot ikot sa bawat bar.  Tiyak na makikita rin natin siya."

"Huwag na, salamat na lang."  Pagtanggi ko sa inaalok niyang tulong.  Maya-maya ay nag-ring ang phone ko dahil sa tawag ni Kyle.

[Hello Jen, 'di bahinahanap mo si Dustin?  Kasama namin siya dito sa Rico's, pumunta ka na lang dito.]

"Talaga, sige papunta na 'ko."  Matapos makipag-usap kay Kyle ay nagpaalam na ako kay Philip.  "Philip, mauna na 'ko, nando'n daw si Dustin sa Rico's bar, kaya pupunta na 'ko doon...  Teka, alam mo ba kung anong sinasakyan papunta do'n?"

"Malayo 'yon at mahirap mag-commute papunta do'n.  Hatid na lang kita ng kotse ko para mabilis kang makarating."  Offer uli ni Philip na sa pagkakataong ito'y hindi ko na tinangghihan.

Inihatid na si Pris ng kaniyang driver pauwi at ako naman ay nagpahatid kay Philip papuntang Rico's bar.

"Thank you ah, sige pasok na 'ko sa loob."  Sabi ko matapos kalasin ang seatbelt.

"Do you want me to accompany you?"

"Huwag na Philip at baka lalo lang kaming mag-away kapag nakita niyang kasama kita."  Giit ko at nagpasalamat uli sa kaniya bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

Nabuhayan ako nang makita ang nakaparadang sasakyan ni Dustin, ibig sabihin ay talagang nandito siya. 

"Jen!" 

Napahinto ako nang marinig ang boses ni Ashley na kararating lang kasama ang boyfriend na si Dustin. 

Sabay na kaming tatlo na pumasok sa loob ng bar at agad pinuntahan ang table nina Kyle, James at Exel na kasama ang kani-kanilang mga girlfriends na sina Elisa, Eunice at Maureen.

"Nasaan si Dustin?"  Tanong ko agad sa kanila dahil hindi ko nakita rito si Dustin.

"Wait, nandito lang siya kanina eh."  Ani Kyle saka lumingon-lingon sa paligid.  "Baka nasa restroom lang, hintayin mo na lang Jen, umupo ka muna at uminom."

Twenty minutes later ay hindi pa rin bumabalik si Dustin kaya nag-alala na 'ko.  Makikiusap sana ako sa mga boys na 'to na silipin si Dustin sa restroom pero hindi ko naman magawa dahil busy silang lahat sa pag-inom at pagku-kuwentuhan. 

Kaysa ang maghintay ay minabuti ko nang kumilos.  Bahala na, lalakasan ko na lang ang loob kong pumasok sa men's restroom, makita ko lang si Dustin.

Nagtanong muna ako sa waiter kung saan banda ang mga restroom.  Aniya, tahakin ko lang ang itong pasilyo at sa dulo ay makikita na ang magkatabing men's at ladies restroom.  Subalit hindi ko na pala kailangang pumunta doon dahil natagpuan ko na ang taong aking hinahanap.

Sa halip na tuwa ay galit at kalungkutan ang naramdaman ko habang pinagmamasdan si Dustin na nakikipaghalikan kay Faith. 

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now