Chapter 19

58.1K 1.5K 17
                                    

Jennifer

Wala akong pasok sa convenience store ngayon at wala rin akong ganang lumabas para maghanap ng trabaho dahil alam kong wala rin namang mangyayari. 

Hindi ko ipinagsabi kahit kanino ang tungkol sa naging pag-uusap namin ni Tito Junnie kung saan inalok lang naman niya ako ng milyones kapalit ng pakikipaghiwalay ko kay Dustin.

Nakakalungkot malaman na tutol si Tito sa relasyon namin ng anak niya dahil mahirap lang ako.  Hindi man ako mayaman pero kaya ko namang mahalin ang anak niya ng buong-buo at ipapakita ko 'yon sa kaniya.  Kaya kong isakripisyo ang lahat, matiyak ko lang na magiging happy ending ang love story ni Dustin.

"Jen, may bista ka!"  Sigaw ni Mang Lando habang ako ay nasa hardin at nagdidilig ng mga halaman.  Tumungo ako sa gate para alamin kung sino ang nasabing bisita.

"Oh, AJ, kumusta."  Excited kong sinabi at agad ding dinatuloy si AJ sa hardin.  "Wait lang, ikukuha kita ng meryenda."

"Huwag na Jen."  Sabi niya kaya naupo na lang din ako.  "Pasensya ka na ah, na-istorbo na kita?"

"Hindi naman, busy lang naman ako sa pagdidilig na halaman eh.  Kumusta ka naman, anong may'ron at bigla kang napadalaw?"

"Na-miss kasi kita eh."  Hirit pa ni AJ na nginitian ko lang.  "Nga pala, alam mo bang Tita Emily na ang bagong Principal ng East Pearl?"

"Talaga?"

"Oo, at alam mo rin bang kasal na sila ni Mr. Celeste?"

"Oh, talaga?  'Yong Mr. Celeste na dating Science teacher natin?" 

"Tama."  Sagot ni AJ.

"Ang saya naman."  Sambit ko habang hindi maiwasang ma-inspire sa pagiging successful ni Ma'am Emily pagdating sa career at love life.  I'm so happy for her.  Maya-maya pa ay napansin ko ang kakaibang titig sa akin ni AJ kaya napakunot tuloy ako ng noo.  "Bakit?"  Tanong ko sa kaniya.

"Alam mo Jen, lalo kang gumaganda."  Banat niya na naman.

"Matagal ko nang alam 'yan."  Sabi ko sabay taas ng kilay.  "Parang may gusto ka pang sabihin sa'kin, ano ba 'yon, sabihin mo na."

"May'ron pa nga."  Sabi niya at pagkatapos ay nagbuntong-hininga.  "Ayokong bigyan ka ng masamang balita pero kailangan mo itong malaman.  Sabi kasi sa'kin ni Tita ay may natanggap daw siyang utos na huwag kang i-hire sa kahit anong school bilang teacher at ang utos na 'yon---"

"Galing kay Mr. Juanito Villaverde, ang Daddy ni Dustin."  Pagpapatuloy ko sa sinasabi ni AJ.

"Alam mo?"  Laking pagtataka niya.

"Oo dahil sinabi iyon sa'kin ni Mr. Velasquez no'ng nag-apply ako sa school na pinapasukan niya.  Remember Mr. Velasquez, siya 'yong Principal natin dati sa East Pearl."  Sagot ko kay AJ na mukhang gulat na gulat pa rin.  "Ginagawa iyon ni Mr. Villaverde para gipitin ako at para mapilitan akong makipag-hiwalay sa anak niya.  Si Faith kasi ang mas gusto niya para kay Dustin eh."

"Alam ba ng boyfriend mo na ginigipit ka ng Tatay niya?"  Seryosong tanong ni AJ.

"Siyempre hindi."

"So anong plano?  Kung may gano'ng utos galing sa isang mayaman at maimpluwensiyang tao, ibig sabihin ay hinding-hindi ka makakapagturo. Paano ang pangarap mo?"

"Mas mahalaga si Dustin kaysa sa pangarap ko."  Yes, I chose love over my dream at wala nang anuman o sinuman ang makapagbabago ng desisyon ko.

"Jen, iniisip mo bang kapag pinaglaban niyo ni Dustin ang pagmamahalan niyo ay magiging maayos na ang lahat?  Hindi 'yon gano'n kadali dahil hindi totoo ang mga temang Love Conquers All na napapanood natin sa TV o nababasa sa mga libro.  Kung nagpalabas ang Daddy niya ng gano'ng utos, ibig sabihin ay seryoso siyang pahirapan ka.  You'll never know, baka may gawin pa siyang ibang bagay na maaring makasakit sa'yo o sa pamilya mo hanggang sa mapilitan ka na hiwalayan ang anak niya." Sunod-sunod pang mga litanya ni AJ.  Sa totoo lang ay naisip ko na rin ang lahat ng iyon pero buo pa rin ang pasiya kong ipaglaban si Dustin.

When Mr. Gorgeous is JealousUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum