Chapter 42

59.4K 1.4K 65
                                    

Dustin Melendez

All set na ang lahat para sa kauna-unahang fashion show ni Ashley bukas kung saan irarampa ang mga wedding dres na gawa niya.

"Do you think, this show will be succesful?" Tanong ni Ash habang pinagmamasdan naming dalawa ang catwalk na handang-handa nang daanan ng mga modelo.

"Ofcourse, bakit ikaw? Don't tell me nag-aalangan ka?"

"Hindi naman sa gano'n, kaya lang kinakabahan ako."

"Relax Babe." Sabi ko saka hinalikan ang likod ng palad niya.  "I'm sure this show will be successful at sigurado akong ang mangyayari bukas ay hinding-hindi mo kailanman malilimutan."

Pagkatapos no'n ay inihatid ko na si Ashley pauwi.  Tulad niya ay kinakabahan din ako, pero hindi dahil sa fashion show kundi sa plano kong pagpo-propose sa kaniya ng kasal bukas right after her own show.  Sana'y maging succesful.

---

Graceful na rumampa sa catwalk lahat ng mga modelo including our friends Elisa, Eunice and Maureen. 

Base sa reaksyon ng mga tao, ngayon pa lang ay nakikita ko nang maraming magiging client si Ash lalo na 'yong mga nagbabalak magpakasal dahil sa ganda ng mga dinisenyo niyang wedding dress.

Matapos rumampa ng lahat ng mga modelo ay nag-ipon sila sa harap ng stage.  Dito na lumabas si Ashley suot ang isang white long dress na sinalubong naman ng mga tao ng masigabong palakpakan.

I'm sure, nakahinga na siya ng maluwag dahil tapos na ang show na naging succesful naman.  Ito na ang hudyat para ako naman ang magpakitang gilas.


Ashley

Hinanap ng mga mata ko si Dustin from the audience pero hindi ko siya makita.  Ibig sabihin ba no'n ay hindi niya nakita ang pag-rampa ko? Nasaan na ba siya?

Paghumupa ng palakpakan ay tugtog naman mula sa mga speakers ang narinig dito.  Iyon ay ang kantang STEAL MY GIRL ng One Direction.  Nagulat naman ako kasi bakit may gano'n, kasama pa ba 'yon sa show?

Maya-maya pa ay napansin kong ako na lang ang tao rito sa stage dahil umalis na pala ang mga model na kasama ko kanina.  Ilang saglit pa ay tumambad sa akin ang isang music video na pinapalabas mula sa LED screen.  Puro picture namin ni Babe ang lumalabas sa screen with matching music pa.  Seriously?

Bakit ipinaplabas ito dito ngayon?  Hindi ko naman birhday, hindi rin naman birthday ni Babe at lalong hindi naman namin anniversary?  Ano kayang may'ron at may ganito pa?  Sana'y may mag-explain naman sa'kin para ma-gets ko.

After mag-play ng music video ay biglang lumitaw si Dustin na may dalang mga red roses.  Napalunok na lang ako nang makita kung gaano siya ka-guwapo sa suot niyang formal attire ngayon.  Hindi kasi ganiyang ang suot niya kanina.

Halos mabingi naman ako dahil sa sigawan ng mga tao.  Pagkalapit ni Dustin sa akin ay ibinigay niya sa akin ang bulaklak at niyakap ako.  Mukhang alam ko na kung para saan ang lahat ng ito, he wants to congratulate me for the succesful fashion show.  Ang sweet talaga ng babe ko.

"Babe, did you like music video?"  Tanong niya at pansin ko ang panginginig ng kaniyang boses.  Para siyang kinakabahan, ang cute.

"Oo nagustuhan ko, thank you.  You can congratulate me pero hindi mo naman kailangang ipakita pa sa kanila 'yong mga picture natin.  Nakakahiya tuloy."  Pabiro kong sinabi sabay hampas sa balikat niya.  Pagkatapos no'n ay natawa ang mga tao sa harap namin.

"Babe, hindi ko 'yon ginawa para lang i-congratulate ka."  Sabi niya habang nahihiyang nagkakamot ng ulo.  "Ginawa ko 'yon para sabihin sa'yo kung gaano kita kamahal."

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko saka inilabas ang isang maliit na kahon, na no'ng buksan niya ay nakita ko na singsing ang laman.  Lalong lumakas ang hiyawan nang mga tao no'ng sabihin niyang,

"Ashley, Will you be wife?"

"Oh my gosh!" Utas ko na nanlalaki ang mga mata at napatakip ng lang ng bibig.  "Babe nagpo-propose, ka na!"  Sa wakas, na-gets ko na rin ang mga pangyayari.  "Nakakainis ka, bakit 'di mo kaagad sinabing magpo-propose ka na, nagulat tuloy ako."

Pagkasabi ko no'n ay lalong tumawa ng malakas ang mga tao.

"That's my goal, ang gulatin ka para hindi ka na makatanggi."

"Sinong may sabing tatanggi ako?  Ofcourse payag akong magpakasal sa'yo, kahit ngayon pa kung gusto mo."  Mukha lang akong nagbibiro pero seryoso po ako.  Hindi naman kasi ako slow para pakawalan pa ang lalaking katulad ni Dustin.  Ofcourse payag na payag akong maging Mrs. Ashley Melendez.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now