Chapter 30

70.1K 1.6K 36
                                    

Jennifer

Naging fully recovered na ako matapos ang mahigit isang buwang pagpapahinga sa bahay, sa katunayan ay nakabalik na rin ako sa trabaho ko sa convenience store at pagtu-tutor.

"Hi Philip, napadalaw ka."  Bati ko kay Philip na pag-uwi ko galing sa pagtuturo ay naabutan ko rito sa aming sala.

"'Di ba ang sabi ko sa'yo ay bibigyan kita ng gift, kaya heto na..."  Sabi ni Philip saka inabot sa akin ang isang malaking paperbag na ang laman ay unan na hello kitty ang design.

"Hala, bumili nga siya ng gift.  Thank you ah."  Nakangiti ko tugon.  "Paano mo nga pala nalaman na mahilig ako sa hello kitty?"

"Nakuwento mo kasi na binigyan ka ni Dustin ng malaking hello kitty stuffed toy, kaya naisip ko na baka mahilig ka rin sa Hello Kitty tulad ni Pris, nagustuhan mo ba?"

"Oo, nagustuhan ko.  Salamat."

Masaya pa kaming nagkuwentuhan ni Philip at naibalita rin niya sa akin na nagta-trabaho na siya ngayon sa isang kompanya kung saan nagagamit niya roon ang kaniyang pagiging photographer.

"Wow!  Masaya 'ko para sa'yo.  Mabuti ka pa, nagagawa mo na ang bagay na pinapangarap mo lang noon.  Samantalang ako..."  Napabuntong hininga ako.  Mali man pero hindi ko pa rin maiwasan ang mainggit kay Philip. 

Sa totoo lang ay sumusubok pa rin akong mag-apply na guro sa mga paaralan pero negative pa rin ang nagiging resulta.

"Anak, nandito si Dustin."  Sigaw bigla ni Mama na nasa labas ng bahay.  Maya-maya pa ay pumasok na si Dustin dito sa sala.

"May bisita ka pala."  Bungad ni Dustin at nakita ko agad mukha niyang hindi maipinta.

"Yeah, dinala lang niya dito ang gift na promise niya sa'kin."  Tugon ko.

"Pa'no Jen, alis na 'ko."  Paalam sa akin ni Philip at pagkatapos ay nagpaalam na rin siya kay Dustin.  "Una na 'ko 'tol."

"Mabuti pa nga, istorbo ka eh."  Banat ni Dustin na agad kong siniko. 

"Ikaw talaga, 'di ba sabi ko sa'yo ay kaibiganin mo si Philip."  Sita ko kay Dustin pag-alis ni Philip.

"Kailan pa ba niya nalaman itong bahay mo?"  Tanong niya na nakakunot ang noo.

"Ha?"  Nag-isip naman ako dahil hindi ko matandaan kung paano nga bang nalaman ni Philip kung saan ako nakatira.

"Anyway, may sinabi ba siya sa'yo?"  Tanong niya uli.

"Si Philip?"

"Oo, may'ron ba siyang sinabi sa'yo na kakaiba?" 

Napaisip uli ako.  "Wala naman, ang sabi lang niya ay may work na siya.  Bakit ba?"

"Kung gano'n, wala pa siyang sinasabi."  Sabi ni Dustin na parang kinakausap ang sarili.

"Sinasabing ano ba?"  Tanong ko at bigla naman akong may naalala.  "Ay oo nga pala, no'ng nasa hospital pa 'ko, ang sabi mo ay may sasabihin ka sa'kin, ano ba 'yon?"

Bigla kasing dumating ang doktor ko at sina Mama at Papa kaya naputol ang pag-uusap namin noon.

Ngunit naputol na naman ngayon ang pag-uusap namin dahil sa pagdating ni Papa.

"Uy hijo, nandito ka pala.  Nag-hapunan ka na ba, sabay ka na sa amin."  Ani Papa na kakapasok lang dito na kasunod si Mama.  Nag-dinner na lang muna kami kasama si Dustin.

"Japan?"  Sabay na sinabi nina Mama at Papa.  Habang kumakain ng hapunan ay hiningi ni Dustin ang permiso nila na payagan akong sumama sa kaniya sa Japan next week para doon namin i-cebrate ang kaniyang 23rd birthday.

"Hindi maari."  Ang matigas na naging tugon ni Mama.  "Isang linggo kayong mananatili roon ng kayong dalawa lang?  Hindi ako makapapayag.  Hindi ko pinangarap na magka-apo ng maaga." 

"Wala po kayong dapat ipag-alala Tita Aida.  Uupa po ako ng dalawang magkahiwalay ng kuwarto para sa amin ni Jen.  Magtiwala po sana kayo sa'kin, mahal ko po ang anak niyo at nirerespeto ko siya.  Promise, wala po akong gagawin."

"'Yon naman pala eh, sige payag na 'ko."  Si Papa na napakadaling kausap.

"Ano ka ba, Raul?!"  Angil ni Mama kay Papa.

"Aida, kahit huwag ka nang magtiwala kay Dustin kundi sa anak na lang natin.  Maayos nating pinalaki 'yang si Jen at tinuruan ng mabuting asal."  Seryosong sambit ni Papa sabay baling sa akin.  "Anak, ano ang bilin ko sa'yo?"

"Kasal po muna bago 'yon."  Sagot ko at alam na nila kung ano ang tinutukoy ko.

"Kita mo na."  Sabi ulit ni Papa.  "Dustin hijo, payag na 'ko na magbakasyon kayo ni Jen sa Japan.  Basta huwag kang lang gagawa ng kalokohan.  Binabalaan kita, kumpleto at malinis mo siyang isasama sa Japan kaya kumpleto at higit sa lahat ay MALINIS mo rin siyang ibabalik dito.  Tandaan mo, malinis ha!  Huwag mo siyang gagalawin dahil kapag ginawa mo 'yon, tatalupan kita ng buhay, maniwala ka sa'kin.  Mukha lang akong cool pero kapag ginalaw mo ang anak ko, kukulamin kita."

"Naiintindihan ko po Tito.  Pangako, behave po ako.  Siya nga po pala.  Habang wala kami ni Jen, kayo naman po magbabakasyon sa Boracay.  Nai-book ko na po kayo ng plane ticket at hotel doon.  Iiwan ko po sa inyo ang ATM ko at PIN para may panggastos kayo doon.  Iyon naman po ang birthday blow out ko para sa inyo."

"Ah! Talaga!  Ang bait talaga nitong batang ito.  Pakasalan mo na nga ang anak ko ngayon na."  Excited na sinabi ni Papa.

"Raul, gusto mong sakalin kita."  At pinandilatan ng mga mata ni Mama si Papa.  "Dustin, hindi mo naman kailangan na i-blow out pati kami ng asawa ko.  Salamat na lang."

"Tita, sana po tanggapin niyo na 'yon.  Huwag po kayong mag-alala dahil may trabaho na po ako ngayon kaya sarili ko pong pera 'yon at hindi galing sa parents ko.  Maliit na bagay lang po 'yan kung ikukumpara sa sayang ibinigay niyo sa'kin.  Pasasalamat ko po 'yan sa inyo dahil dinala ninyo si Jen sa mundong ito.  Kung wala kayo, wala din si Jen at kung wala si Jen, ay tiyak na malungkot ang buhay ko ngayon."  Sambit ni Dustin na nagpaligaya sa buo kong sistema.  Napakasuwerte ko talaga sa pagkakaroon ng mapagmahal at honest na boyfriend na tulad niya.  Minsan ay napapaisip na lang ako kung deserving ba talaga ako sa lahat ng pagmamahal ibinibigay niya sa'kin.

---

"Bye, goodnight.  I love you."  Sabi ni Dustin saka ako hinalikan sa noo.  Tumalikod na siya para sumakay ng kotse pero napahinto siya ng yakapin ko siya mula sa likod.  "Bakit, gusto mo ba diyan ako sa bahay niyo matulog?  Okay lang sa'kin, basta ikaw kumausap sa parents mo."

Natawa naman ako sa hirit niya habang patuloy ko siyang niyayakap.

"Thank you ah, na-touch ako sa sinabi mo.  Ako din, tiyak na magiging malungkot ang buhay ko kung walang Dustin Villaverde na isinilang dito sa mundo."  Hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya, habang maluha-luha.  "I love you beh."

He said 'I love you too' at hinalikan ako sa labi bago tuluyang umalis.  Ngayon pa lang ay excited na 'ko.  Hindi na ako makapaghintay na i-celebrate ang birthday ni Dustin at ang makapunta sa teritoryo ni Hello Kitty.

When Mr. Gorgeous is JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon