Chapter 16

74.8K 1.7K 81
                                    

Dustin Melendez

Dinala ko si Ashley Boracay upang doon namin i-celebrate ang kaniyang 22nd birthday.  Nag-island hopping kami at nag-try ng iba't-ibang water activities.  Lahat ng gusto niyang pagkain at bagay ay binili ko just to made sure na mag-eenjoy siya sa trip na ito, sa puntong masasabi niyang ito na ang pinaka masayang birthday sa buhay niya.

"Good evening everyone, I'm Dustin and I deeply apologize to the band for stealing the spotlight."  Hirit ko pag-akyat sa stage kung saan tumutugtog ang banda nitong bar kung nasaan kami ngayon ni Ash.  "I just want to greet my beuatiful girlfriend a happy happy birthday."

Pagksabi ko no'n ay tumugtog ang banda ng birthday song at game na game namang sumabay sa pagkanta ang mga customer.  Nakita ko si Ashley na ngumiti pero halatang nahihiya sa atensyong natatanggap.

Lumapit ako kay Ashley dala ang bouquet of red roses at maliit na kahon kung saan nakalagay ang regalo ko para sa kaniya.  Maluha-luha siyang tinaggap ang mga iyon at binuksan na rin agad ang kahon na may lamang diamond necklace na may pendant na korteng puso.  Habang isinusuot ko ang kuwintas sa leeg niya ay maririnig ang palakpakan at hiyaw sa kilig ng mga tao.  Hinalikan ko siya sa labi at pagkatapos ay bumalik na uli sa stage para ihandog naman sa kaniya ang isang awiting pinamagatang Steal my Girl na hit song ng One Direction:

She's  been my queen
Since we were sixteen
We want the same things,
We dream the same dreams,
Alright

Maraming tao sa paligid pero ang pansin ko ay na kay Ashley lamang na sa kasalukuyan ay basang-basa na ng luha ang ang mukha.

I got it all
'Cause she is the one
Her mom calls me 'love',
Her dad calls me 'son',
Alright

I know, I know, I know for sure

Everybody wanna steal my girl
Everybody wanna take her heart away
Couple billion in the whole wide world
Find another one 'cause she belongs to me

---

Nandito na kami ni Ashley sa aming kuwarto at kahit malamig gawa ng aircon ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng init lalo't nakapuwesto ako ngayon sa ibabaw niya at hinahalikan siya sa labi. Gumapang ang halik ko papunta sa kaniyang leeg. Tumigil ako saglit upang hubarin ang suot kong t-shirt, huhubarin ko na rin sana ang damit pang-itaas ni Ashley pero hindi ko nagawa dahil bigla siyang nanlaban.

"Babe, I'm sorry." Aniya sabay bangon at yakap sa isang unan. "I love you, I really do and I swear, I want you to be my first... But the problem is, I'm not yet ready. Sorry pero hindi pa ako handang gawin ito."

"I understand Babe."

Six years na kami ni Ashley pero ni minsan ay hindi ko siya pinilit na ibigay ang sarili niya sa'kin dahil mahal ko siya at lubos na iginagalang.

Subalit isang araw ay bigla na lang hindi nagparamdam sa akin si Ashley.  Hindi na siya nagte-text or tumatawag na gaya ng dati.  Kahit ang mag-reply sa mga messages ko ay hirap na hirap siyang gawin.  Inisip kong baka busy lang siya sa pagpapatakbo ng kaniyang bagong tayong fashion boutique kaya hinayaan ko na lang.

---

Nabuhayan ako no'ng sa wakas ay tumawag sa akin si Ashley kung saan hiniling niyang magkita kami rooftop ng East Pearl Academy.

"Mabuti naman at nakipagkita ka.  Isang linggo kang hindi nagparamdam.  You're not answering my calls, you're not replying to my messages.  Anong problema Babe?  May problema ba tayo?  May nagawa ba 'kong kasalanan?  Kung may'ron, I'm sorry, please forgive me."  Sabi ko at kulang na lang ay maglumuhod ako sa harap niya.  Pagkakita ko pa lang kasi kay Ashley ay naramdaman ko na agad na may problema.  One week kaming hindi nagkita pero sa hitsura niya ay parang hindi siya natutuwang makita ako ngayon.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now