Chapter 38

60.3K 1.5K 81
                                    

Exel

Bilang birthday gift ay nilibre ko si Maureen ng ticket para concert ni Bruno Mars sa L.A.  Dahil madalas kong kantahan si Mau ng mga Bruno Mars songs ay naging fan na rin siya nito.  Kaya naman nagsikap akong makakuha front row seat para sa aming dalawa.

"Excited ka na bang makita ang idol mo?"  Tanong ko habang hinihintay namin na mag-start ang concert. 

"Yes, first time ko siyang mapapanood kaya excited na 'ko.  Thank you Heart ah.  Ikaw, excited ka na ba?"

"Hindi masyado dahil nakita ko na siya dati.  Actually, this will be the fifth time na mapapanood ko siya ng live."  Tugon ko.  "Mas excited ako sa gagawin ko mamaya."

"Ha?"  Tanong ni Mau na mukhang hindi narinig ang huli kong sinabi dahil biglang nagsigawan ang mga tao.  Simula na pala ang concert. 

Magkakahalong saya, excitement at kaba ang nararamdaman ko sa tuwing matatapos ang bawat kanta.  Huminga ako ng malalim dahil tapos na ring kantahin ni Bruno ang Grenade.  This is my signal.

"Heart, CR lang ako sandali.  Hindi ko na kaya eh."  Paalam ko kay Maureen.

"Okay, bilisan mo ah."



Maureen

Natapos na lang ang Grenade number ni Bruno ay hindi pa rin bumabalik si Exel.  Siguro'y mahaba ang pila sa CR.

"Good evenin' L.A!"  Masiglang bati ni Bruno sa audience.  Ang cool niya talaga!  "How are you doin'?  Thank you so much guys for commin' here...  Tonight I have a very special guest...  And he's goin' to sing with me."  Naghiyawan ang mga tao at isa na ako roon.  "Come over here buddy!" 

Matapos tawagin ni Bruno ang sinasabi niyang guest ay lumitaw na ito sa stage.  Nanlaki ang mga mata ko at literal na napanganga nang makita roon si Exel.

"Hi Exel!"  Sabay akbay ni Bruno Mars kay Exel.  "So you wanna sing along with me?"

"Yeah.  If that's okay with them."  Cool na cool na sinabi ni Exel at naghiyawan naman ang audience.  Parang payag naman sila na mag-duet sina Bruno at Exel.

"So, what is the next song?"  Tanong ni Bruno.

"Before I say the title of the next song.  I just want to tell to everyone that the song is dedicated to my girlfriend Maureen, today is her birthday.  She's over there."  Ani Exel na itinuro ako habang ang spotlight naman ay biglang tumapat sa akin.  Ano ba 'yan, nakakahiya! 

"Oh, happy birthday Maureen!"  Bati ni Bruno na nag-wave pa sa akin.  Yey!  Binati ako ni idol!

"Actually this will be the third time that I'm gonna sing for her."  Patuloy ni Exel.

"Oh really, when was the first time?  And what song did you sing for her?"  Tanong uli ni Bruno.

"The first was when I realized that I like her.  And I sung Just The Way You Are."

Natawa ako no'ng malala ang araw na 'yon.  High school pa kami noon at 'yon ang mga panahong masakit pa sa tainga ang boses ni Exel.

"Okay...  That's my song right?"

"Yeah."

"And the second time?"

"I sung Treasure."

Naalala ko uli na kinanta ito ni Exel no'ng nagkabalikan na kami para i-surprise ako.  At talagang na-surprise ako no'n dahil gumanda na sa pandinig ang boses niya kaya kilig na kilig ako no'n.

"Whoa!  That's also my song."

"Yeah."

"Exel, I think you owe me big time for using my song to get a girl!"  Hirit ni Bruno dahilan upang matawa ang audience  "And tonight you're also gonna sing for her?"

"Yeah."

"And what song is that?"

Tiningnan muna ako ni Exel sa aking mga mata bago siya sumagot. 

"Marry you." 

It's a beautiful night,
We're looking for something dumb to do.
Hey baby,
I think I wanna marry you.

Is it the look in your eyes,
Or is it this dancing juice?
Who cares baby,
I think I wanna marry you.

Paminsan-minsan ay sumasabay si Bruno sa kanta ngunit sa kabuuan ay ang boses pa rin ni Exel ang nangibabaw. 

Lalong nag-improve ang boses ni Exel kaya walang kahirap-hirap niyang na-slay ang awiting iyon at base sa reaction ng mga tao ay masasabi kong natuwa naman sila.

Ako naman, hindi lang basta natutuwa kundi kinikilig din ng bonggang-bongga dahil sa performance ni Exel kasama ang idol niya.  He must be very happy.

Well I know this little chapel on the boulevard we can go oh oh oh,
No one will know oh oh oh,
Oh, come on, girl.
Who cares if we're trashed got a pocket full of cash we can blow oh oh oh,
Shots of patron,
And it's on, girl.

Don't say no, no, no, no-no;
Just say yeah, yeah, yeah, yeah-yeah;
And we'll go, go, go, go-go.
If you're ready, like I'm ready.

I swear, kung yayain ako ng Exel na magpakasal ay hindi talaga ako sasagot ng 'no'.  Kung isasama niya ako sa chapel ngayon para pakasalan ay sasama talaga 'ko!

Pagkatapos ng song number ay hindi pa rin bumaba ng stage si Exel.  

Nagulat naman ako nang sunduin ako ni Bruno Mars upang paakyatin din sa stage.  Kulang na lang ay mangisay ako sa kilig dahil hawak niya ngayon ang kamay ko.  Iginiya niya ako papalapit kay Exel na ilang sandali pa ay biglang lumuhod sa harap ko sabay labas ng singsing. 

"Maureen Castillo...  Will you marry me?"  Sambit ni Exel sa malambing na tono.  Hindi ko akalaing ang ilusyon ko kanina ay agad na magkakatotoo.  He's actually asking me to marry him!  "Please let me treasure you.  Please let me marry you.  Cause you're amazing just the way you are."

"Whoa!"  Si Bruno Mars na manghang-mangha sa puncline na iyon ni Exel.

"Yes Exel...  Yes I'll marry you."  Mangiyak-ngiyak kong sagot saka niya isinuot sa akin ang singsing.  Maya-maya ay tumayo siya at hinalikan ako sa labi.  Ito na ang pinakamagandang regalong natanggap ko for my birthday.  May Bruno na, may Exel pa.  Pero siyempre, si Exel lang sapat na. 

"Ladies and gentlemen.  Let's give it up for Exel and Maureen!  Congratulations guys!"  Bati sa amin ni Bruno na naki-group hug sa amin pagkatapos. 

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now