Chapter 14

77.2K 2.2K 148
                                    

Jennifer

Isang taon na ang lumipas buhat no'ng umalis si Dustin.  Kahit araw-araw kaming nag-uusap sa pamamagitan ng video call ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng pangungulila sa kaniya.  Mahirap din pala ang long distance relationship pero alang-alang sa aming pagmamahalan ay nakahanda akong mag-tiis.  Three years na lang.

Gaya nang plano ay nag-abay ako sa kasal na ni Ate Karla at Kuya Bill.  Dapat nga ay abay din si Dustin pero hindi na nangyari 'yon dahil nga sa pag-alis nito.

Dumalo rin sa kasal ni Ate Karla sina Tatay Lucio, Lolo Delong at Kuya Edwin kaya naman ang saya ko dahil nagkita-kita uli kami.

Kasama nga rin pala namin dito si Aika dahil girlfriend na siya ngayon ni Kuya Edwin.  Nagulat ako no'ng malaman 'yon, lalo na't mas matanda si Kuya ng walong taon kay Aika.  Pero na-realize kong age dosen't nga pala pagdating sa pag-ibig kaya naman suportado ko silang dalawa.

---

Isang taon ulit ang lumipas at ngayon ay third year college na 'ko.  Kasabay ng mabilis na pagtakbo ng panahon ay ang mabilis ding pagbabago sa buhay ng aking mga kaibigan. 

Naghiwalay na sina James at Eunice. 

Break na rin sina Kyle at Elisa.

At natapos na rin ang relasyon nina Exel at Maureen.

Hindi ko alam kung paanong nangyari at hindi na rin ako nag-usisa pa.  Gayuman ay umaasa akong maayos pa nila ang kanilang naging problema at magkakabalikan din sila.  Sana.

---

Bukod sa pag-aaral ay abala rin ako sa aking part time job as a convenience store cashier. 

Isang araw, habang nasa duty ay nagulat ako nang bigla siyang magpakita.

"Philip, bakit nandito ka?"  Tanong ko kay Philip na after two years ay mukhang walang ipinagbago.

"Umuwi na 'ko, na-miss ko kasi ang Pilipinas eh."  Sagot niya na hindi ko pinaniwalaan kaya tinaasan ko siya ng kilay.  "Actually, nag-drop out ako.  Hindi ko ka kasi kaya do'n eh."

Sabi ko na nga ba eh! 

"Pero sayang naman, hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng opportunity na makapag-aral sa Harvard, tapos ikaw..."  Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil may biglang dumating.

"Honey, matagal pa ba 'yan?"  Sabi no'ng maganda at sexy na babae kay Philip.  Pagkatapos bayaran ang biniling canned softdrink ay umalis na sila.

---

Mabilis uling lumipas ang isang taon kaya ang ibig sabihin ay isang taon na lang ang hihintayin ko bago tuluyang bumalik si Dustin. 

Kaunting tiis na lang Jen, malapit na kayong magkasama.

Sobrang saya ng mga magulang ko dahil nagtapos ako ng kolehiyo bilang Summa Cum Laude.  At siyempre, masaya din ako na nabigyan ko ng kasiyahan sina Mama at Papa na walang sawang nagta-trabaho araw at gabi para lang mapasakamay ko ang diplomang itong na hawak ko ngayon.

Ang pagtatapos ko sa pag-aaral ay siya namang magsisilbing simula ng aking panibagong buhay.  Pagbalik ni Dustin ay sabay naming haharapin ang panibagong buhay na 'yon ng buong tapang at saya.  Isang taon na lang.

---

Ang bilis ng panahon kaya hindi ko namalayang next month na ang balik ni Dustin.  Sobrang excited na 'ko na halos hindi na 'ko makahinga.  Isang buwan na lang.

Pero bago ang lahat ay kailangan ko munang pagtuonan ng pansin ang nalalapit na pagkuha ko ng Teacher's Exam.  Kapag naipasa ko 'yon ay mabibigyan na ako ng lisensya at magiging isang ganap nang guro.  Hindi na ako makapag-hintay na magturo at magkaroon ng sarili kong mga estudyante.

Hating gabi na pero hindi pa ako tulog dahil ka-video call ko pa si Dustin.

[Sige na beh, alam kong antok na antok ka na.  Matulog ka na.]

Panay kasi ang paghikab ko kaya niya siguro nasabi 'yon.

"Hindi okay lang, hindi pa 'ko inaantok promise."  Sabi ko sabay hikab na naman.  Ano ba 'yan!

[Sorry for always keeping you up so late.  'Di bale, nalapit na 'kong umuwi.]

"Bilisan mo na kasing umuwi.  Miss na kita eh."

[Miss na rin kita.  I love you beh.]

"I love you too."

At bago tuluyang tapusin ang video call ay hinalikan ko muna si Dustin sa lips, este 'yong screen pala ng phone ko ang hinalikan ko. 

Maya-maya ay narinig ko ang malakas tunog ng doorbell kaya imbes na humiga sa kama ay lumabas muna ako upang alamin kung sino ang nasa labas ng gate. 

Laking gulat ko nang malamang ang bestfriend ko pala iyon na agad na yumakap sa akin pagbukas ko ng gate.  Ano kayang nangyari?  Hindi naman si bestfriend 'yong tipong hating gabi na kung umuwi at pagkatapos ay lasing pa.

Gusto ko sana siyang tanungin pero hindi ko na lang ginawa at sa halip ay inakay na lang siya papunta sa kaniyang kuwarto.

Inihiga ko lang siya sa kama at lalabas na sana pagkatapos, pero hindi ko nagawa dahil bigla siyang nagsalita.

"Jen...  Break na kami ni Ash."

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now