Chapter 33

59.1K 1.4K 65
                                    

Jennifer

Ang laki kong tanga para umasang itatanggi ni Dustin ang lahat ng sinabi ni Kara.  I wanted to hear the truth pero ngayong narinig ko na ay sobrang sakit pala. 

Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko nang matuklasan ang panlolokong ginawa sa'kin ni Dustin.  Ang hirap tanggaping naging tapat ako sa kaniya sa loob ng apat na taon na magkalayo kami pero siya pala ay hindi.

Hindi ko mapigilang alalahanin ang halos gabi-gabi kong pagpupuyat magka-usap lang kami.  'Yong mga panahong malungkot ako dahil sa pangungulila sa kaniya, pero siya naman pala ay masaya dahil kapiling niya si Kara.

"Diyan ka lang, huwag kang lumapit sa'kin!" Sigaw ko nang magtangka si Dustin na lapitan ako.  "Ngpunta ako rito dahil gusto kong patunayan kay Faith na hindi mo 'yon magagawa, na hindi mo 'ko kayang lokohin.  Inisip kong gumagawa lang siya ng kuwento para sirain tayo.  Pero ano pala ang malalaman ko, na tama pala si Faith.  NILOKO MO KO!"

"Jen please, pakinggan mo muna 'ko.  Ito 'yong matagal ko nang gustong sabihin sa'yo.  I have my reason for all of these, just hear me out please."  Sinubukan niya uli lumapit sa'kin ngunit itinulak ko lang siya palayo.  Kung gayon, ito pala ang matagal na niyang gustong sabihin sa'kin, na nag-two time siya, at may dahilan daw siya?

"May dahilan ka kung bakit mo kami pinag-sabay?  Ang sabihin mo, manloloko ka lang talaga, hindi ka makuntento sa isa!  Ang sama mo!"  Sabi ng basag kong boses habang patuloy pa rin sa pag-iyak.  "Dustin naging tapat ako sa'yo.  Inintindi at tiniis ko ang pagiging seloso mo.  Iniisip kong ayaw mo lang na maagaw ako ng iba, 'yon pala ikaw ang may iba!  Walang hiya ka!" 

"Please pakinggan mo muna ang paliwanag ko.  Mahal kita at kahit kailan hindi kita niloko at hinding-hindi kita lolokohin just please..."  May gusto pa siyang sabihin pero agad ko na 'yong pinutol.

"Tapos na tayo!"  Kahit mahirap ay nagawa ko pa rin 'yong sabihin dahil pagod na 'ko at ang sakit na ng kalooban ko.

"Jen naman please..."  Umiiyak siyang muling lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko pero itinaboy ko siya.

"Ano ba, huwag mo 'kong hawakan!  Hindi ka dapat malungkot dahil may reserba ka naman di ba?"  Sabi ko pa sa sarkastikong tono bago tuluyang lumabas ng opisina. 

Hanggang sa may hallway ay patuloy siyang nakiusap pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang akong naglakad.  Papasok na sana ako sa elevator pero hindi nagawa dahil bigla niyang hinila ang braso ko.  Isinandal niya ako sa dingding saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. 

"Bitiwan mo 'ko."  Sigaw ko sabay tulak kay Dustin.  Napahinto sa paglalakad ang mga napapadaang staff para panoorin ang eksena namin hanggang sa may marinig kaming malaking boses.

"What is going on here?!"

Lahat ng tao na nandito sa hallway ay napatingin sa taong nagsalita na walang iba kundi si Mr. Juanito Villaverde, ang ama ni Dustin.

Tumayo ako ng tuwid at pinahid ang aking mga luha at bago tuluyang magpaalam kay Dustin ay ibinigay ko sa kaniya ang dala kong paper bag na naglalaman ng regalo ko para sa kaniya.

"Happy birthday."  Mapait na pagkakasabi ko mga huling salitang iyon bago tuluyang umalis.



Dustin Villaverde

"Dustin!" Tawag sa akin ni Daddy dahil nakita niyang gusto kong sundan si Jen.  "You can't leave, may meeting pa tayo."

"I'm sorry Dad, but I need to talk---"  Biglang naputol ang sasabihin ko nang sumingit si Dad.

"Talk to her in some other time.  I already told you how that this meeting is important and you have to be there."

"But Dad..."  Muling naputol ang pag-apila ko dahil kay Daddy.

"Dustin listen, I know thay you love that girl.  Hindi ko na hahadlangan ang pakikipag-relasyon mo sa kaniya at hindi na rin kita pipilitinng magpakasal sa kung sinoman.  Fine, I will accept her.  Not only that, babawiin ko na rin ang utos na ibinigay ko sa mga school para makapagturo na siya.  I'll give in para sumaya ka.  But will you please return the favor?  Please son."  Sunod-sunod na sambit ni Daddy na para sa'kin ay isang magandang balita.

In the end, wala akong nagawa kundi ang sumunod muna kay Daddy at magpasiyang sa ibang araw ko na lang kausapin si Jen.

---

Pag-uwi ng bahay ay saka ko pa lang tiningnan ang laman ng paper bag na binigay sa akin ni Jen.

Umupo ako sa aking kama saka binuklat ang regalo sa akin ni Jen na scrap book.  Makikita roon ang mga pictures namin mula no'ng maging kami hanggang sa kasalukuyan.

Hindi ko maiwasang maluha habang pinagmamasdan isa-isa ang bawat pahina.  Masasabi kong ito na ang pinaka-magandang birthday gift na natanggap ko sa buong buhay ko.  Dahil naglalaman ito ng mga masasayang alalaa naming dalawa ni Jen.  Sa huling bahagi ng scrap book ay makikita naman ang isang liham na isinulat ni Jen para sa'kin. 

Dear Dustin,

Happy happy birthday.  Sorry kung nahuli ang gift ko sa'yo at sorry kung ito lang.  Hindi man kalakihan ang ginastos ko dito kung ikukumpara sa mga birthday gift na binibigay mo sa'kin, galing naman ito sa puso ko. 

Huwag mong masyadong isipin ang tungkol sa naudlot kong pangarap na maging teacher.  Pangalawang pangarap na lang 'yon sa'kin dahil ang una kong pangarap ay ang mahalin ka. 

So please always make my dream come true.  Just stay with me para magawa pa kitang mahalin.  Walang iwanan ah.  I love you beh

Love,
Jen

Lalong umuhos ang mga luha ko nang mabasa ang sulat.  Kung masakit sa akin ang nangyayaring ito, tiyak na higit na nasasaktan ngayon si Jen. 

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now