🌟Instead of Her (Pt.3)🌟

82 1 0
                                        

























"Krystal? You're here?" Gulat na sambit ni Jongin sa girlfriend na si Jung Soo Jung, a.k.a Krystal Jung, na nasa opisina pala niya ng araw na 'yon. Late pumasok si Jongin at nagulat siya nang makitang nandito ang girlfriend niya. Takang tumingin siya dito at nakitang nakangiti pa ito habang nakaupo sa sofa sa sala set ng opisina niya.

"Yes, I'm here. And by the way, I love your new secretary ha? Ang saya kausap!" Sagot nito na halatang tuwang-tuwa.

Saka naman napansin ni Jongin ang medyo nahihiyang sekretarya na nakaupo sa katapat na sofa. Tumayo ito at binati siya. "Uhh, sir. Good morning po." At saka ngumiti.

Tumango lang si Jongin, saka umupo sa swivel chair sa tapat ng table niya.

"Marami akong gagawin. Wag kayo masyadong maingay ha? Kyungsoo, daldalin mo lang 'yang si Krystal. Kesa ako daldalin niyan, 'kaw na lang. Busy ako." Sabi niya pa at saka nagbukas ng laptop.

Nag-roll eyes lang si Krystal at saka bumaling kay Kyungsoo. "Asus. Busy daw. Marami raw gagawin. Eh ba't ngayon ka lang pumasok, tanghali na? 'Lika na nga, Kyungie. Tuloy mo na yung kwento tungkol dun sa ex mo." Nakuha nito ang atensyon ni Jongin. "Asang part na nga tayo?"

Napahinto si Jongin sa pagkakalkal sa laptop niya.

Akala ko ba hindi niya alam yung detalye tungkol sakin? Ba't ngayon nagkukwento siya? Pagtataka niya.

"Come on, Kyungsoo! Ikwento mo na kasi~ Wag mo intindihin 'yang si Jongin~ Wala namang pake 'yan eh." Napatingin siya dun sa dalawa nang marinig niya 'yung pangalan niya. Dun niya nakita si Kyungsoo na parang naiilang na nahihiya na ewan habang nakatingin sa kanya.

"G-go on. I won't listen. I'm busy here and I don't have the time to hear the story anyway." Di alam ni Jongin kung ba't siya nautal. Basta. Alam niya kasing siya 'yung pag-uusapan. At ayaw niyang marinig kung ano man ang pag-uusapan nila. Dahil sa di malamang dahilan, natatakot siya.

Natatakot siyang marinig ang side ni Kyungsoo.

Natatakot siyang baka all this time, siya pala ang mali.

Ngayon lang siya naging ganito kahindi sigurado.

Halos mapatalon sa gulat si Jongin nang mag-ring ang cellphone niya. Tiningnan niya ito at nakitang may tumatawag pala. Agad niya itong sinagot at naglakad papunta sa labas ng kanyang opisina. Ng hindi nagpapaalam dun sa dalawa.

---

"Jeongmal?! Hahaha! Without letting you agree, he just kissed you and announced na kayo na?" Tumango si Kyungsoo bilang sagot.

Na pinagsisihan niya.

Di niya kasi inexpect na magfa-fangirl at magwawala ang girlfriend ng boss niya dahil dun.

"Wala nang bawian yan ah! Boyfriend na kita!"

"And then what?" Tanong pa ni Krystal, na nakangiti pa ng wagas.

Pero.. napabuntong-hininga lang ng malalim si Kyungsoo at napayuko nang alalahanin ang kinuwento sa kanya ni Luhan ang tungkol sa buhay niya noon.

"Sige na, Kyung. Lakad tayo pauwi. Para mas makasama natin yung isa't-isa ng mas matagal~"

"Ayoko nga, Jongin eh! Masakit yung paa't binti ko!"

"Eh ba't ba kasi masakit 'yan ah? Napano ka ba? Nung nakaraan, masakit 'yung braso mo kasi may pasa. Tapos ngayon, iyan?"

"W-wala 'to. Nadapa lang ako."

"Di nga. Okay ka lang ba talaga?"

"OKAY LANG AKO."

"Weh? Whoo! Konsensya mo may kalyo na. Magsabi ka nga ng totoo."

"Nakuha ko lang 'to kasi sinasaktan ako ng mga taong may gusto sa'yo. Ng mga taong ayaw sa'tin. Pero okay lang 'yun nandiyan ka naman sa tabi ko eh. Haha. Tindi ko talaga, noh? Ganyan kita kamahal eh."

"Ha? Ang hina mo magsalita, hyung. Sinasadya mo para di ko marinig eh. An'sabe mo?"

"Wala, wala."

"Others don't like me for him." Sabi niya at napatingin sa kausap na kumunot na pala ang noo. "They were powerful and so they did everything to make me feel miserable. They took my scholarship, hurt my loved ones and everything. Kaya nawalan ako ng choice.." huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.

"..nakipaghiwalay ako sa kanya."

"Itigil na natin 'to. Napilitan lang naman ako noon eh. Ni hindi mo nga ako hinayaang makasagot, basta mo na lang idineklarang tayo na. Hindi kita mahal."

"What?" Gulat at may halong panghihinayang at pag-aalala. "Uhh..I'm sorry.."

Kahit na nasasaktan sa malungkot na nangyari, pinilit pa ring ngumiti ni Kyungsoo. "Tapos alam mo ba? Di ko alam kung ikatutuwa ko dahil a year after, we met again and he courted me. I was so happy that time. At dahil mahal ko talaga siya, I said yes. Masaya na nga sana dahil wala na ang mga hadlang sa'ming dalawa..pero sabi nga nila, 'Shit happens' haha!! Kaya nga..kaya nga siguro nangyari lahat ng 'yun.." Napayuko siya, pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata niya. Pero wala. Nagsimulang magbagsakan ang mga luha niya, habang siya naman ay napapatawa ng mapait.

Natatawa siya sa sarili dahil naiiyak siya sa isang bagay na nangyari nga sa kanya, pero di niya naman maalala.

May isang bagay kasi siyang napagtanto.

Kahit pala nakalimutan na ng isip mo ang isang bagay, hindi pa rin ito makakalimutan ng puso mo lalo na kapag tumatak 'to sa'yo.

"Ayos lang kung di mo kayang ikuwento. Pasensya na, Kyungsoo ah? Ang kulit ko kase eh. Pinakwento ko pa sa'yo. Kung alam ko lang sana.." Sabi ni Krystal sa kanya at saka siya hinawakan sa magkabilang balikat bilang comfort.

Pinunasan ni Kyungsoo ang mga luhang niya at pilit na ngumiti sa kausap. "Sinaktan niya lang ako no'n. Paulit-ulit. Physically, emotionally, lahat.. I loved him too much but I know na time will come I will be giving up on him. Kasi lagi lang niya naman akong sasaktan dahil kinamumuhian niya ako. Kinamumuhian niya ako dahil sinaktan ko daw siya noon. I know nasaktan ko siya noon pero may dahilan ako. I don't understand him why he thinks I deserved everything kaya..kahit masakit, hindi na ko lumaban pa." Sabi niya. "Hindi ko na siya ipinaglaban pa. Kasi napapagod din naman ako. Kasi may hangganan din naman ang kakayahan kong umintindi. Sumuko ako, Krystal. Sinukuan ko siya."

Umiiyak na rin si Krystal dahil sa mga naririnig niya. 'Yung sakit. 'Yung hirap. 'Yung panghihinayang na okay na sana kung hindi lang nagkagaguhan. Ramdam niya ang pinagdadaanan ni Kyungsoo. Naranasan niya kasi iyon noon. Naranasan niya sa ex niya. Pero dumating si Jongin at natapos ang paghihirap na 'yon.

Kaya naisip niya ang isang bagay.

Maswerte pa rin siya kahit papa'no. Kasi may Jongin siya.

Pero si Kyungsoo..

Mukhang kahit sino ay wala siya nung mga panahong 'yun.

Unconciously, napayakap si Krystal sa lalaking nasa harapan niya.

"I'm just here for you, Kyungsoo, okay? Tulad ng sabi ko kanina diba, beshi tayo?"

Napangiti si Kyungsoo sa na rinig.

Ang hindi nila alam, hindi lang sila ang naiiyak sa mga nangyari.

Nabitawan niya ang cellphone na hawak niya. Lahat, narinig niya. Lahat, nalaman niya.

Sa sobrang pagsisisi, napaupo siya sahig. Umiiyak. Nagagalit sa sarili.

Sobra mong tanga, Jongin.

---

Chanbaek ParagraphsWhere stories live. Discover now