👑See You Smile Again👑

162 3 0
                                    

Byun Baekhyun only wants one thing in his life; to see Park Chanyeol smile again. He wants to see it... even though he's blind.

----













“Sinong nandiyan?”

Medyo nahirapan si Byun Baekhyun na pakiramdaman ang paligid, pero kahit na gano’n, naglakad pa rin siya’t umabante.

“Kung may tao, please lang, magsalita ka. N-natatakot ako…”

Iba kasi ang inaasahan ni Baekhyun ngayon. Sinabi ng bestfriend niyang si Taeyeon kahapon na ipapakilala nito ang fiancé niya ngayong araw.

Para sumaya na si Baekhyun.

Makwela kasi ang fiancé ni Taeyeon.

 At gusto niyang mapasaya si Baekhyun, kahit paano.

'Bukas, ipapakilala ko sayo ang fiancé ko.'

Pero iba ang nangyayari ngayon.

“Ah!”

May natabig si Baekhyun na kung anong babasagin. Nabasag niya ito at kinabahan pa siya lalo.

Kaya nagsimula na siyang umiyak.

'Baekhyun, apat na taon ka nang hindi nakakakita, ayaw mo pa rin bang magpagamot?' Naririnig niya pa ang sermon ng bestfriend niya sa kanya non.

Dahil oo. Isa siyang bulag.

Bulag si Byun Baekhyun.

At ngayon nakaupo siya sa loob ng kwarto niya, ni hindi niya man lang alam kung saan banda, habang walang magawa kundi umiyak lang.

'Nasabi ko na sayo, Taeyeon. Hangga’t hindi pa siya gumagaling, magdudusa ako dito.'

At ayaw niyang magpagamot. Nangako siya sa sarili niya.

'Hindi ko hahayaang makakita ulit ang mga matang ‘to.'

“B-baekhyun?”

Isang boses ang nagpatigil sa pag-iyak niya. Isang pamilyar na boses.

Pinakiramdaman niyang muli ang paligid. Naramdaman niyang lumalapit sa kanya ang may-ari ng boses na tumawag sa pangalan niya kanina lang. Hindi niya alam kung aatras ba siya o ano. Natatakot siya.

“Baekhyun?” sambit muli ng boses.

At doon niya napagtanto.

Pamilyar nga sa kanya ang boses.

Dahil kilala niya kung sino ang may-ari nito.

May halong nginig ang boses niya nang magsalita siya. “P-park… Park Chanyeol?”

“Siguro nasabi na ni Taeyeon sayo ang pangalan ng fiancé niya.” Humawak si Chanyeol sa balikat ni Baekhyun at tinulungan siyang tumayo. “Mukhang napaiyak ata kita. Pasensiya na…”

Pero parang hindi ata ganun kabilis na nag-sink in kay Baekhyun ang lahat.

Hindi ganun kadaling i-absorb.

Natatakot man, naiiyak man, tinanong niya si Park Chanyeol. Gusto niyang manigurado. “F-fiance…  fiancé ni Taeyeon…?”

Pakiramdam ni Baekhyun malapit nang gumuho ang mundo niya. May hinala siya sa kung ano ang sagot. Alam niya. Pero natatakot siya. Sobra.

Dahil kahit alam na niya ang totoo, mas masakit pa rin talaga kapag mismo na itong manggaling sa taong mahal mo.

“Ah, oo. Ako yung fiancé ni Kim Taeyeon, si Park Chanyeol. Byun Baekhyun, tama ba?”

Chanbaek ParagraphsWhere stories live. Discover now