"Nagseselos ako, Chanyeol."
Nanlaki ang mga mata ni Chanyeol sa narinig. Iniisip kung niloloko lang siya ng sariling mga tenga. Naiwan ang mga bakas ng luha sa mukha niya nang mapaiyak siya kanina, pero nang dahil sa sinabi ni Baekhyun ay naiwan siyang nakatulala.
Hinawakan niya rin ng mahigpit ang mga kamay ni Baekhyun na nakakapit sa mga kamay niya.
"Gusto kong malaman kung nagseselos ka, o kung nasasaktan ba kita kasi.." Nakayuko si Baekhyun nang sabihin niya ang mga 'to. "..kasi ako nagseselos ako. At nasasaktan din ako, Chanyeol."
Naglakas-loob si Baekhyun na titigan ang kaibigan sa mga mata nito. "Kahit hindi ko marinig, kahit na hindi ka nakakapagsalita, gusto kong malaman kung.." Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "..kung nagseselos ka ba dahil mahal mo rin ako?"
Hindi nakakapagsalita si Park Chanyeol.
Pero hindi naman kailangan ni Baekhyun ang mga salita nang ngumiti si Chanyeol sa kanya at ilapit ang mukha niya para sa isang halik.
![](https://img.wattpad.com/cover/53224127-288-k298191.jpg)
BINABASA MO ANG
Chanbaek Paragraphs
FanfictionA collection of Chanbaek drabbles, prompts and one shots. Follow Chanyeol and Baekhyun's story in different time, setting, scenario and genre. For every Chanbaek shipper living in this world, and outside. Chanbaek is real. (Also in AFF! UN: kyliecb6...