🌟Instead of Her (Pt. 2)🌟

96 1 0
                                    
































"Uhh.. sir, hindi po ba ang awkward pag ganun?" Sabi ni Kyungsoo sa boss niya sabay turo dun sa pintuan ng opisina kung saan kalalabas lang ng bisita kanina.

"Huh? Pa'nong awkward?" Poker face at straight forward na tanong ni Jongin. Ganun naman palagi. Poker face lang si Jongin. Si Kyungsoo, dadaldal lang pero titigil din pag alam niyang wala sa huwisyo ang amo niya.

"Eh kasi po mamaya niyan.. ano.." Hindi magawang ituloy ni Kyungsoo ang sasabihin. Naramdaman din niyang nag-iinit ang mukha niya.

"Hey, Mr. Do, you're blushing already. Ano ba kasi yung awkward dun? Anong awkward sa pagbisita ng girlfriend ko every once in a while?"

Dun na natigil ang pagba-blush ni Kyungsoo. Naiirita siya, naba-badtrip, nabubuwiset, sa katotohanang may girlfriend ang boss niya.

Hindi niya alam kung bakit, wala naman siyang gusto kay Jongin pero parang.. parang.. parang nasasaktan siya.

Parang nasasaktan siya na ewan na nakakabuwiset at nakakaleche lang.

Siguro ay dahil kahit nakalimot na ang utak.. hindi pa rin nakakalimot ang puso.

Siguro unconciously, nasasaktan siya sa isang bagay na talagang dapat nakakasakit sa kanya pero nakalimutan lang niya dahil sa amnesia.

Magulo at nakakaleche, pero yun ang dahilan.

"Awkward ba pag pumupunta dito si Krystal?" Muling tanong ni Jongin kay Kyungsoo. Nag-iwas ng tingin si Kyungsoo, habang si Kai naman ay napangisi lang.

Gusto kasi ni Jongin na kahit unconciously, ay masaktan niya si Kyungsoo. Para patas.

Kahit medyo naiiyak na sa inis, pinilit ni Kyungsoo na magmukhang naiilang pa rin. "B-baka kasi mamaya niyan may kung ano na kayong gawin tapos nandito ako sa loob. Utang na loob, maawa kayo, bata pa 'ko!"

Bahagyang natawa si Jongin at saka bumalik sa inaasikasong mga papeles. "Mas bata ako sayo, Kyungsoo."

Nagulat si Kyungsoo. "Ay. Ganon?" Tumango ang boss niya. "Ah basta! Wag! Please lang. Nakaka-trauma mga ganyan. Rated Byuntae masyado. Baka mamaya maalala ko pa yung ex ko bigla eh!! Hahaha!"

Natigilan si Jongin sa narinig. Mula sa pag-focus sa mga papeles ay tumingala siya at nakita si Kyungsoo na tila lumungkot ang ekspresyon sa mukha.

Ex? Ako ba 'yon? O may iba pa siyang naging boyfriend bukod sakin? Naisip niya.

Kinakabahan man, nagtanong pa rin si Jongin.

"Ex?" Nagkunwari siyang nakapokus sa mga paperworks sa table niya. "S-sinong ex?"

Nag-eexpect si Jongin na pangalan niya ang maririnig niya.

Pero hinde.

"Hindi ko alam pangalan, sir eh." Napakamot ito ng ulo at halata mong medyo nahihiya. "Okay lang po bang mag-share?"

Dala ng kuryusidad, tumango si Jongin.

"Sabi nung beshi ko, si Luhan, nung nag-aaral pa daw ako may makulit na nognog daw na nanggugulo sakin." Umupo si Kyungsoo sa upuan sa tapat ng table ng boss niya para mas makapagkwento pa. "Haha! Tapos hanggang sa tinanong niya ko kung pwede daw ba 'kong maging boyfriend niya! Juthko! Hindi ko nga po expect yun sir eh, kasi sabi ni Luhan gwapo at sikat daw po yun sa school namin noon." Nakangiti pa ito habang nagkukwento.

Nalilito na si Jongin. Kung niloko siya ni Kyungsoo noon, diba dapat kinuwento ito sa kanya nung Luhan na sinasabi niya?

"Ano daw nangyari?" Tanong niya.

Bahagyang lumungkot ang mga mata ni Kyungsoo. "Ayaw na ikwento ni Luhan yung sumunod eh."

Kumunot ang noo ni Jongin. "Bakit daw?"

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Basta ang sabi kasi ni Luhan katangahan daw yung sumunod na ginawa ko. Na pinaniwalaan naman daw ng gago kong ex-boyfriend."

Gago? Ako?

Eh ako nga yung niloko eh! Gumanti lang naman ako pagkatapos ah! Naisip niya.

"Katangahan ko, plus kagaguhan nung ex ko, equals miserable life." Bumuntong-hininga si Kyungsoo, saka nagpatuloy."Kung anuman yung detailed na pangyayari, ayoko na alalahanin. Thankful na 'ko na hindi kinuwento sakin yun ni Luhan. Sinaktan lang daw kasi ako ng sinaktan nung ex kong 'yon. At base sa scientific calculator ko, gago nga siya. Hahaha!" Saka siya nagpilit ng ngiti.

Napangiti ng mapait si Jongin.

Oo nga pala, nakaganti na 'ko sa kanya noon.

Pero eto ako ngayon. Gusto pa rin siyang gantihan.

Kagaguhan. Kagaguhan na magkita pa kami pagkatapos ng lahat.

Kagaguhan na hanggang ngayon, kahit nakaganti na 'ko sa kanya 4 years ago, eh gusto ko pa rin siyang saktan ulit.

Naiinis kasi ako. Wala na sana akong pake sa kanya dahil nakabawi na 'ko.

Pero nalaman kong nakalimutan niya ang lahat,na nagka-Amnesia siya. Pakiramdam ko tuloy ako lang 'tong nagdudusa hanggang ngayon.

Kaya nga gusto kong ipaalala sa kanya ang lahat.. para masaktan ulit siya.

---

Chanbaek ParagraphsWhere stories live. Discover now