🌟Instead of Her🌟

162 2 0
                                        

Gusto ni Kim Jongin na saktan si Do Kyungsoo bilang paghihiganti. Pero malalaman niya ang dahilan kung ba't siya sinaktan ni Kyungsoo noon.

----



"Napilitan lang naman ako eh. Ni hindi mo nga ko hinayaang sumagot noon, basta mo na lang idineklarang tayo na."

Napakunot ang noo ng CEO ng Kim corporation nang bigla niyang maalala ang mga katagang ito. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya, lalo na't hindi niya magawang makalimutan ang eksaktong mga katagang binitiwan ng taong mahal niya.

Limang taon.

Limang taon na ang nakalilipas...pero hindi pa rin nakaka-move on si Kim Jongin sa taong pinakamamahal niya.

Ayaw man niyang alalahanin ang tungkol dun, pero hindi niya magawa.

"Hindi kita mahal Jongin."

Hindi niya magawa lalo pa't nasa harapan niya ang taong nagbitiw ng mga salitang 'yon.

Si Do Kyungsoo.

"Uhh.. sir?"

Bumalik si Jongin sa realidad. Nasa harapan niya ang bagong sekretarya niya na mukhang kanina pa siya kinakausap.

"You're saying something?" Tanong niya dito.

Nahihiya namang napailing si Kyungsoo. "Hehe. Eh sir, tinatanong ko po kasi kanina kung ba't 1 year na mawawala yung original na secretary niyo."

Napangiti ng mapait si Jongin. Hindi niya maikakailang naiinggit siya kay Baek, ang naunang sekretarya niya, dahil ikakasal na ito sa boyfriend niyang si Chanyeol ngayong taon. 1 year itong magli-leave. Kaya nga naghanap muna si Jongin ng kapalit nito, na pang-1 year lang din ang kontrata. At si Kyungsoo iyon.

Kung hindi nagkandaloko-loko ang lahat..siguro masaya din ako ngayon. Naisip niya.

"Uhh.. o-okay lang po, sir kung ayaw niyo sagutin. Hehe." Napakamot ng ulo si Kyungsoo dahil sa kahihiyan nang mapansing wala ata sa huwisyo ang boss niya. Ipinagpatuloy niya na lang ang pag-aayos ng mga gamit niya sa desk na kaunti lang ang layo sa pinto ng malawak na opisina ni Jongin.

Wala ata sa mood si sir. Nasabi niya sa sarili.

Lingid sa kaalaman ni Kyungsoo, pero nakatitig sa kanya si Jongin.

Aish. Kyungsoo..

Sinaktan mo na nga ako. Pero ba't di pa rin ako nakaka-move on sa'yo?

Hindi alam ni Jongin kung nagpapanggap ba si Kyungsoo na di siya nito kilala o talagang nagpapaka-professional lang ito at pinaghihiwalay ang trabaho sa personal life. Kung makipag-usap kasi ito sa kanya ay parang wala lang.

Parang wala lang nasaktan, parang wala lang nagdusa. Parang wala lang niloko, parang wala lang umiyak.

Hindi niya din alam kung matutuwa, maiinis, maiiyak o ano siya sa muling pagdating ni Kyungsoo sa buhay niya. Akala niya okay na. Akala niya okay na siya. Akala niya naka-move on na siya. Akala niya lang pala.

Kase hanggang ngayon masakit pa rin.

"Nagtataka ako sir, bakit pala kailangan nandito yung desk ko sa loob ng opisina niyo? Diba dapat sa labas? Katabi ng pinto.. pero sa labas?" Nagulat si Jongin sa out of the blue na pagsasalita ni Kyungsoo. Di tulad dati, mas madaldal ito ngayon.

"Wala lang. Ayoko na kasi ng gumagamit pa ng intercom pag tatawag ng secretary. Tsaka malungkot mag-isa." Pagdadahilan niya.

Ang totoo, di niya rin kasi alam ang dahilan.

Gusto niya ba ito para mapagselos si Kyungsoo pag may iba siyang kausap?

O gusto niya ito para makasama siya?

"Malungkot talaga mag-isa sir." Pagsagot ni Kyungsoo. "Kaya nga kahit medyo naiilang pa 'ko sa ibang tao, dinadaldal ko pa rin sila." Napahinto siya saglit bago tumuloy. "Tsaka malay niyo, yung dinadaldal ko parte pala nung nakaraan ko. Edi nakwento pa nila sakin kung sino ako noon. Swerte pag gano'n."

Naguluhan si Jongin sa sinabi ng kausap.

Nakaraan niya? Kung sino siya dati? Tanong niya sa sarili.

Sinulyapan niya ang kausap at nakita ang malungkot nitong mga mata. "Mahirap talaga pag wala kang maalala, noh sir? Kahit sarili mo, parang di mo kilala. Aish."

Nagulat si Jongin sa narinig.

Walang maalala?

"Nagka-amnesia ako 2 years ago, sir. Kakarecover ko lang halos. Kaya ngayon lang ako nakalabas ng bahay. Kaya sorry po kung sa tingin niyo nasosobrahan na yung pagdaldal ko ah?"

Amnesia?

Ibig sabihin, hindi niya 'ko naaalala.

Akala ko nagkukunwari lang siyang hindi ako kilala.

Kyungsoo, madaya ka.

Ako nakalimutan mo na. Pero ako, hindi pa rin nakaka-move on sa'yo.

Maaalala mo rin ako. Tapos, sasaktan din kita. Tulad ng ginawa mo sakin.

---

Chanbaek ParagraphsWhere stories live. Discover now