"Ang ganda."
Napatingin sina Jongdae at Minseok sa kasamang si Baekhyun nang magsalita siya na may halong paghanga sa mukha.
Naubo lang si Jongdae sa iniinom nitong frappe sabay batok ng pabiro sa nagsalita. "Ano ka ba. Baka nakakalimutan mo, girlfriend ni Chanyeol 'yan."
Parang bumalik naman sa realidad si Baekhyun sa narinig, iniwas ang mata sa babaeng nakaupo sa di kalayuan habang hinihintay ang boyfriend nito. "Alam ko."
"Oh edi tama na kakatitig. Sa kaibigan na natin 'yan, iba na lang i-crush mo! Loko ka talaga." Tanging sagot lang ni Jongdae sa kanya sabay naunang maglakad papunta sa nasabing girlfriend ng kaibigan nila. Sila kasi muna ang susundo dito.
"Ito naman. Sinabi ko lang naman na maganda." Napabuntong-hininga siya. "Napaisip lang naman ako na kung sakaling naging ganyan ako, baka ako 'yung minahal niya."
![](https://img.wattpad.com/cover/53224127-288-k298191.jpg)
YOU ARE READING
Chanbaek Paragraphs
FanfictionA collection of Chanbaek drabbles, prompts and one shots. Follow Chanyeol and Baekhyun's story in different time, setting, scenario and genre. For every Chanbaek shipper living in this world, and outside. Chanbaek is real. (Also in AFF! UN: kyliecb6...