❤Para Saan❤

60 2 2
                                    
















"Baekhyun, ang malas mo hayop," nagwawala na parang batang nagta-tantrum ang incoming freshman na si Byun Baekhyun nang malamang ubos na ang slots sa course na gusto niyang pag-enroll-an.

"Nakakainis, tangina talaga. Urgh!"

"Nakapagpasa ka na ng credentials mo, Baek?" Lumingon si Baekhyun para tingnan ang may-ari ng boses na bigla na lang kumausap sa kanya. Si Park Chanyeol.

"Gago ka ba, Chanyeol? Naubusan nga ng slots, 'di ba?"

Nagtaka naman si Chanyeol sa narinig. "Ubos na agad? 80 pa 'yun kahapon a."

Walang ibang nagawa si Baekhyun kundi sumimangot.

Lumapit si Chanyeol sa kanya, nag-aalala. "Hayaan mo na." sabi niya sabay tapik sa balikat ni Baekhyun bilang comfort. "Malay mo, hindi ka talaga para sa Psychology."

Nakairap si Baekhyun nang lumingon sa matangkad na kausap. "E para saan ako, aber?"

Ngumiti ng malapad si Chanyeol. "Sa akin." Sabay kindat.

Chanbaek ParagraphsWhere stories live. Discover now