🌟Instead of Her (Pt. 4)🌟

78 1 0
                                    























Ilang buwan. Ilang buwan ang nakalipas mula nang mangyari ang bagay na 'yon. Mula nang matuklasan ni Jongin ang totoong nangyari kay Kyungsoo.

Mula nang malaman niyang napakatanga pala talaga niya.

Nagsisisi siya. Sobra. Galit na galit siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang mangyari ang lahat. Hinayaan niyang magpadala ang sarili sa galit dahil lang sa nasaktan siya.

Inuna niya ang sarili niya imbis na unahin niya ang tunay na nasasaktan sa lahat.

Si Kyungsoo.

Pagkatapos ng araw na 'yon ay nagsimulang mas maging close si Krystal at Kyungsoo. Madalas nang isama ng magkasintahan si Kyungsoo sa mga paglalakwatsa nila.

At okay na okay lang kay Jongin lahat ng 'yun.

At least.. nababantayan niya si Kyungsoo.

"Jongin 'wag ka nang pumunta do'n." Pagpigil ni Krystal sa nobyo. "Hindi mo siya kilala, he will do anything just to get what he wants." Pero patuloy lang sa paglalakad si Jongin upang makapunta sa pupuntahan.

Pupuntahan niya kasi ang ex-boyfriend ni Krystal. Nagyaya kasi itong makipagkita at makipag-areglo. At dahil ilang linggo na rin nitong ginugulo at tinatakot si Krystal, hindi na tumanggi pa si Jongin. Natuto na kasi siya.

Ayaw niya nang hayaang magdusa ang mga taong mahal niya ng dahil sa kanya.

Ayaw niyang mangyari sa kanila ni Krystal ang nangyari sa kanila ni Kyungsoo.

"You can't stop me." Madiin niyang sagot, ni hindi man lang niya nililingon ang kausap. "Your ex-boyfriend's being too obsessed over you and I can't let that slip away." Huminto siya sa paglalakad at saka niya nilingon si Krystal. "Ayokong saktan ka niya." At nagpatuloy siya patungo sa kotse niya ng makarating ng parking lot.

"But--" Tatanggi sana si Krystal ngunit nagsalita si Jongin.

"No buts, kaya please lang pwede bang--"

"He can kill you!!" Napatingin si Jongin kay Krystal na ngayon ay paiyak na. "Ayokong mawala ka, okay? Ayoko--"

Pero parang hindi natinag ang binata. Ini-start niya na ang kotse saka isinara ang pinto nito. "Hindi ako mawawala." Sinabi niya at saka iniwan si Krystal.

Sa kabilang banda, habang patuloy ang pagluha ay itinuloy naman ni Krystal ang hindi niya natapos na sasabihin.

"Ayokong mawala ka. Ayoko dahil alam kong kailangan niyo pang makapag-usap ni Kyungsoo. Kailangan niyo pang maiayos ang lahat." Napaupo siya dahil sa panghihina at patuloy na umiyak. Masakit man ay gusto niyang putulin ang meron sila ni Jongin upang mabalikan nito si Kyungsoo.

Oo, alam niya ang lahat.

Alam niya kung ga'no kahirap ang pinagdadaanan ni Kyungsoo dahil naranasan niya ito noon. Pero nung mga panahong nagdudusa siya, mayroong Jongin na nandiyan lang para sa kanya.

Alam niyang walang kahit na sino si Kyungsoo.

At ngayon sa tingin niya ay panahon naman upang ibalik si Jongin sa tunay na may-ari dito. Dahil alam niyang kailangan siya nito. At dahil alam niyang kahit kelan ay hindi naging kanya si Jongin.

Napahawak siya ng madiin sa planner ni Jongin 5 years ago na kanina lang ay nakita at nabasa niya. Dito niya nalaman ang lahat. Dito niya nalaman na ang ex ni Kyungsoo at ang boyfriend niya ay iisa.

Napapikit siya ng mariin.

Please, Jongin. Stay alive. Stay alive and go back to your Kyungsoo.

-----

Hingal na hingal si Kyungsoo habang tumatakbo patungo sa likod ng playground sa subdivision nila. Kabadong-kabado siya. Dito kasi ang lugar na napag-usapan upang magkita ang grupo ng ex-boyfriend ng bestfriend niyang si Krystal at ng boss niyang si Jongin.

Hindi na gaanong pinupuntahan ng mga tao ang playground. Ibig sabihin, kakaunti ang mga tao. Ibig sabihin, maaaring may sakitang maganap.

Maaaring may patayang maganap.

Kaninang umaga ay hindi sinasadyang narinig niya ang boss niya habang kausap nito 'yung ex ni Krystal sa cellphone nito. Napag-alaman niyang ngayong hapon daw sila magkikita. At sa di malamang dahilan, biglaan na lang napatakbo si Kyungsoo upang sumunod doon.

Hindi niya alam kung ba't niya ginawa. Para iligtas si Jongin? Siguro. Dahil alam naman niyang hindi nito deserve ang masaktan o mamatay.

Dahil sa kabila ng ginawa nito noon sa kanya ay alam niyang nagawa lang nito ang mga iyon dahil sa nasaktan ito ng sobra.

Alam niyang hindi iyon sinasadya ni Jongin.

"Napilitan lang naman ako eh. Ni hindi mo nga ako hinayaang sumagot noon, basta idineklara mo na lang na tayo na. Hindi kita mahal, Jongin."

Natatandaan niya. Naaalala niya na ang lahat.

At naniniwala siyang deserve ni Jongin ang lahat ng chances.

Ewan ba, siguro gano'n niya lang talaga kamahal 'yung tao.

Pagkadating ay agad siyang nagtago sa likuran ng maliit na building na tumatakip sa kung anumang kahayupan ang nangyayari ngayon.

Doon ay nakita niya ang nakagapos si Jongin. Naroon din si Krystal. At sa tapat nila ay ang ex nito.

Hanggang sa nakarinig siya ng putok ng baril.

-----

Hindi makapaniwala si Jongin sa nakikita. Sa harapan niya ay ang nanghihinang si Krystal habang iniinda ang sakit ng tama ng bala sa balikat nito.

"Krystal!" Sigaw niya sa babaeng pilit na pinipigilan ang sarili na bumagsak sa lupa dahil sa panghihina. Pero hawak siya ng mga tauhan. Isang maling galaw niya lang, tapos ang lahat.

Napapikit ng mariin si Jongin.

Pakiramdam niya ay sinasaksak siya ng maraming beses dahil sa sobrang sakit. Hindi pisikal na sakit. Kundi emosyonal na sakit.

Dahil naulit na naman.

Hinayaan niya na namang masaktan ang taong mahalaga sa kanya. Wala na naman siyang nagawa.

Napasigaw siya sa galit at sakit.

Dahil talagang masakit na makitang nasasaktan ang taong mahalaga sa'yo at wala kang magawa kundi ang manood lang.

"Soojung!" sigaw ng ex ni Krystal sa kanya ng ma-realize nito kung ano ang nangyari. Pinandilatan nito ng mata ang mga tauhan niya. "Mga gago! Ba't niyo pinatamaan si Soojung?!"

"Boss, hindi namin sinasad--" hindi na natapos nung isang tauhan ang sasabihin ng paulanan ito ng bala ng boss nila.

"Iligpit niyo 'yan!" Utos nito. Bumaling naman ito kay Jongin. "Kasalanan mo 'to eh! Gago ka! Gago!"

Napapikit ng mariin si Kyungsoo sa sumunod na nangyari.

Isa na namang putok ng baril..

---

Chanbaek ParagraphsWhere stories live. Discover now