👑Questions👑

196 3 18
                                    


Baekhyun wants to know whether to stay or not beside his bestfriend he is inlove with. Chanyeol asks him three questions. He asks him three questions as well.

----










"Tangina."

Nakakunot-noo ako na tumitig ulit sa nakikita ko ngayon. Naninigurado kasi ako kung tama ba yung nakikita ko.

Baka mamaya kasi jinojongdae ako ng sarili kong mga mata.

"Tangina talaga." bulong ko sa sarili ko nang mag-sink in sakin na tama nga yung nakita ko.

Sinubukan kong magpanggap na wala akong nakita at tinuloy nalang yung naudlot kong paglamon sa lunch ko. Oo, paglamon talaga. Hayup. -_-

"Baek!" halos mailuwa ko naman yung pakpak ng manok na nginunguya ko nang tawagin niya ako.

Tangina mo, Chanyeol wala ako sa mood. Wag ngayon.

"Baek! Baekhyun!" wala akong narinig. /le sumipol

Pero wala eh.

Ang bait bait bait bait bait bait bait bait bait bait bait bait kasi sa akin ng tadhana.

Kaya ayun, lumapit siya--I mean sila--at pinilit pang makuha ang atensyon ko.

"Baekhyun! Ba't ba ang bingi mo? Aishh." litanya niya.

Gago, ayaw nga kitang pansinin, diba?

Alam ko na naman yung gagawin mo eh. May ipapakilala ka na naman.

Sasaktan mo na naman ako.

Ugh. Hayup ka talaga, Park Chanyeol. -_- Di tayo bati.

Tiningnan ko lang siya ng naka-pokerface matapos niyang magsalita. Wala ako sa mood ngumiti eh. "Baek, may papakilala pala pala ako sayo." panimula niya.

Naramdaman ko na naman yung pamilyar na feeling pagkasabi ni Chanyeol nun.

Yung... yung para kang sinasaksak sa dibdib mo ng direkta? Ta's paulit-ulit?

Familiar ba kayo dun?

Crush kasi ako nung feeling na yun eh. Kasi palagi na lang akong dinidikitan, kahit pwede namang ibang tao naman yung masaktan.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang magsalita.

Ngumiti siya ng malaki saka inakbayan yung babaeng kasama niyang pumunta dito kanina. "Ang ganda, Baek, diba? HAHAHA!!" biro niya pa. Well, HINDI NAKAKATAWA.

Nakita ko namang parang medyo nahihiya pa yung babae ta's natatawa pa ng mahina. Nagpigil na lang ako ng irap.

"Gago." malutong kong mura sa sinabi niya. May ipapakilala daw, pero imbis na sabihin yung pangalan, nagbigay lang ng compliment. Gagu talaga.

Oo, alam kong konti pa nga lang ang lines ko dito tapos puro murang malutong pa pero LAMPAKE! Pagbigyan niyo na ako, brokenhearted ako eh, okay?!

"Tapos ang pogi ko din." mukhang tanga niyang pagpapatuloy sabay pogi sign pa at kindat.

At kahit parang tumigil yung mundo ko, tumalon yung puso ko at nawala yung mga tao sa paligid dahil siya lang yung nakikita ko, ewan ko pero biglang nagdilim yung paningin ko.

"Aray, Baek!" sambit niya ng suntukin ko siya sa panga. OA. Mahina lang yun.

"Tangina mo ipapakilala mo ba o hahayaan mo siyang maging puno diyan sa tabi mo kakahintay na masabi mo yung pangalan niya sakin?! Ha?! Ano?!" Muntanga kasi eh. Alam naman nating lahat na mahirap magpigil ng nararamdaman, kaya kung kayo ang nasa pwesto ko at kanina niyo pa gustong umiyak kasi masakit, masisisi niyo ba ako kung uupakan ko na 'tong higante na 'to dahil pinapahirapan niya akong magkunwaring hindi nasasaktan? Diba HINDE? HINDE!!

Chanbaek ParagraphsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant