❤Selos❤

58 2 0
                                    















"Chanyeol, nagseselos ka ba?"

Napahinto si Chanyeol sa paglalakad palayo kay Baekhyun. Napahinga ng malalim. Isa dalawa, hanggang sa umabot ng tatlo. Nakipagtitigan siya sa semento sa paanan na akala mo iyon ang pinakainteresanteng bagay sa mundo.

"Chanyeol, sagutin mo ako."

Naramdaman ni Chanyeol ang paglapit ng kaibigan niya mula sa likuran. Ang bawat hakbang ng paa nito, pabigat ng pabigat. Sa sobrang bigat ay umaabot na ang sakit sa dibdib niya. Sa puso niyang umaayaw na sa sakit.

"Chanyeol, sumagot ka naman," Hinawakan ni Baekhyun ang kamay ni Chanyeol habang nakatingin sa mga mata nito.

Walang ibang pagpipilian si Chanyeol kundi tumingin lang din pabalik. Ang mga labi niya, nanatiling nakasara.

Pero ang mga mata niya ang nagsilbing mga sagot. Nandoon. Nandoon lahat.

"Kahit sumenyas ka lang, Chanyeol. Para naman malaman ko. Nasasaktan ba kita?"

Nanatiling nakatingin lang si Chanyeol.

Bakit ba hindi makita ni Baekhyun sa mata niya lahat? Hindi nakakapagsalita si Chanyeol, pero nasa mata niya lahat ng sagot.

Nasa mata niya lahat ng sakit.

Chanbaek ParagraphsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon