🌟Instead of Her (Last)🌟

91 1 0
                                    






















"Male-late na ako, Jongin." Pagsuway niya sa kaibigang kanina pa nangungulit sa kanya.

"Sorry na, sorry na. Haha! Basta ingat ka ah?" Pag-aassure naman ni Jongin.

"Asus! Syempre! Ako pa ba! Duh!" Pagdadagdag niya sa kulitan nilang dalawa.

Pero bigla silang sumeryoso matapos ang biruan.

"Ingat ka ah? Alagaan mo siya. Kundi, patay ka sa'kin, Kim Jongin!"

"Tahahaha! Oo na po, Jung Soojung. Aalagaan ko po si Kyungsoo."

Napabuntong-hininga naman si Krystal matapos banggitin ni Jongin ang bestfriend niyang si Kyungsoo.

"You're lucky, Kim. You're damn lucky. You're lucky you found the one that would love you for forever." Matapos ay napangiti siya.

Positibo namang sumagot si Jongin.

"Mahahanap mo rin 'yung sa'yo. I'm sure of that."

"Well, I'm hoping and I'm looking forward, Kim."

"Just stay positive, Jung."

"Oo na. Oh ano? Baka hinahanap ka na ng Kyungsoo mo. Uwi na! Shoo!"

"Hahaha! Good luck sa Paris ah? Bye, Krystal."

"Bye, Jongin. Good luck to you, too."

---

Nagha-hum pa habang nagda-drive pabalik si Kim Jongin. Sa daan ay biglang pumarada sa mga alaala niya isa-isa ang mga nangyari nung araw na 'yon. Hindi pa nakakalimot ang lahat sa mga nangyari. At maging siya, hanggang ngayon ay di makapaniwala sa araw na 'yon.

Sa araw na kung sa'n nabaril si Kyungsoo.

Bago tumama kay Jongin ang bala, nagawa pa siyang harangan ni Krystal upang 'wag siyang tamaan.

Ngunit dumating din si Kyungsoo at agad siyang humarang kay Krystal.

Si Kyungsoo ang nabaril.

"Kyungsoo! Soojung!" Hindi malaman ni Jongin kung saan pupunta. Tuluyan na rin kasing bumagsak sa lupa si Krystal dahil sa panghihina.

Malayang nakapunta si Jongin malapit dun sa dalawa. Nang mabaril kasi si Kyungsoo at nang makitang malala ito ay nagsialisan na ang ex ni Krystal at ang mga kasama nito. Masuwerte't nakaalis mula sa pagkakagapos si Jongin at nakalapit nga sa dalawa.

"Jongin.." Narinig niya ang mahinang pagtawag ni Krystal. Pinipilit nitong tumayo. "Balikat ko lang 'to. Kaya ko pa." Pagsabi pa niya sabay tungo kay Kyungsoo.

Halatang-halata mo dito ang pag-aalala sa kaibigan.

"Krystal.." mahinang pagtatawag ni Kyungsoo sa bestfriend niya.

"K-kyungsoo.. you need t-to.. be brought to the hospital." Sinabi sa kanya ni Jongin. Nakita kasi nito kung gaano kalala ang tama ng baril nito. Halatang maraming dugo na ang nasayang.

Akala ni Kim Jongin.. mamamatay na siya no'ng mga panahong 'yon.

Hindi dahil sa mga nagbanta sa buhay niya. Kundi dahil sa takot na baka maulit na naman ang kapabayaang minsan na niyang nagawa.

"Hi, my Kyungsoo." Pagtawag ng binata kay Kyungsoo. Nakangiti pa siya habang bumabati. "Okay ka na ba?"

Napatawa naman siya nang maalala ang sitwasyon. Oo nga pala. Hindi nga pala siya makakasagot. Ano ba 'tong pinaggagagawa ko? Naisip niya.

Napaupo siya sa tabi nito, saka binuksan ang isang planner na kailan lang ay napag-alaman niyang kay Kyungsoo pala.

January 13, 20**

"Napilitan lang naman ako eh. Ni hindi mo nga ako hinayaang sumagot noon, basta idineklara mo na lang na tayo na."

Napakunot ang noo ni Jongin nang mabasa ito.

Alam niya kasi sa sarili niyang......

Pamilyar na pamilyar siya dito.

"Hindi kita mahal, Jongin."

Ngayon lang napagdesisyunan ni Jongin na basahin ang bahagi ng planner na ito. Nabasa niya na ang iba pang mga bahagi nito pero ang mismong araw na 'yon, ang ika-13 ng January, hindi niya binasa.

Ito kasi ang pinakahuling pahina na may sulat. Ito ang araw nang mangyari ang lahat.

Bago mabaril si Kyungsoo.

Nagpatuloy sa pagbabasa si Jongin.

Halatang nagulat siya nang sabihin ko iyon. Wala siyang ibang ginawa. Hindi niya ako sinumbatan.

Pero patuloy lang siyang lumuha.

Hindi ko na kinaya kaya tumalikod na ako para umalis.

At sa pag-alis kong iyon, ipinagpatuloy ko sa isip ko ang totoong gusto kong sabihin.

"Hindi kita mahal, Jongin. Dahil mahal na mahal kita."

Naaalala ko na.

Naaalala ko na ang lahat.

Kim Jongin is my ex-boyfriend.

And Jung Soojung is my bestfriend.

Kailangan ko silang tulungan. Kailangan manatiling sila.

Isinara ni Jongin ang planner. Napayuko siya at napabuntong-hininga ng malalim matapos basahin ang entry ni Kyungsoo sa araw ng January 13.

Kaya pala.

Kaya pala hinarang niya 'yung sarili niya para siya 'yung tamaan ng bala.

Muli ay napatingin si Jongin kay Kyungsoo.

"Kyungsoo..." Pagtawag niya dito. Pero wala. Hindi makakasagot ang binata. Imposible.

Umiiyak na nilisan ni Jongin ang lugar. Ngunit bago iyon, inilapag niya muna ang isang kumpol ng puting rosas at isang papel na may bahid ng sulat-kamay ni Kyungsoo.

Jongin and Soojung:

I saved you both because I want you to prove that there's forever. Please hold on to each other. Hindi para sa'kin. But for the both of you.

I know my life won't be wasted because I saved the two of the most important angels in my life.

Thank you for loving me, guys. I hope you would be together forever.

Pero si Jongin ay umiiyak at napailing habang papaalis ng sementeryo.

"I'm sorry, Kyungsoo. But I won't grant your wish."

-fin-

Chanbaek ParagraphsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora