❤Para Sa'kin, Oo❤

72 2 0
                                    










"Baekhyun, sandali!"

Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Palinga-linga si Baekhyun sa paligid, makahanap lang ng daan para makatakbo mula sa humahabol sa kanyang si Chanyeol.

"Shit naman, ba't ngayon pa."

Nakakita siya ng maliit na eskinitang pwedeng likuan. Hahakbang na sana siya para pumunta doon nang marinig niya na sa likuran ang boses ng taong kanina pa humahabol sa kanya. "Byun Baekhyun!"

Nanlaki ang mga mata ni Baekhyun sa narinig.

"Baekhyun, sandali lang kasi." Inihirap ni Chanyeol si Baekhyun sa kanya nang makausap niya ito ng mas maayos. "Bakit ka ba tumatakbo? Ilang araw na kitang hinahanap kasi may sasabihin sana ako."

"A-ano ba 'yun?"

Pinahupa muna ni Chanyeol sandali ang paghahabol ng hininga bago siya magpatuloy. "Bakit muna kasi tinatakbuhan mo ako?"

Bumuntong-hininga lang si Baekhyun. "Chanyeol naman. Kapag nakita na naman tayo ng mga tao dito na nag-uusap---"

"BAEKHYUN, GUSTO KITA!"

Humawak si Chanyeol sa mga braso ng kausap. "Baekhyun, gusto kita." Mas seryoso niyang saad.

Agad na sumagot si Baekhyun. "Hindi ako maganda, Chanyeol."

"Para sa'kin, oo."

Natahimik si Baekhyun.

Chanbaek ParagraphsWhere stories live. Discover now