❤Proof❤

59 0 0
                                    











"Ilang beses ko ba kailangang ulitin, Baekhyun? Hiwalayan mo na yung babaeng 'yon!"

Sumisigaw na ako't lahat-lahat, pero wala siyang tinag. Tuloy lang sa pag-iyak habang nag-iimpake ng gamit. Susundan daw niya yung girlfriend niya na nag-out of town kasama ang ibang lalaki.

"Pwede ba, tigilan mo ako sa mga sermon mo, Chanyeol." sabi niya habang patuloy pa rin sa ginagawa. "Hindi ko siya hihiwalayan. Misunderstanding lang 'to. Makikita mo. Kailangan ko lang patunayan sa'yo kaya pupunta ako do'n."

Hinawakan ko ang braso niya para tumigil siya at harapin ako.

"Ano ba!"

"Hindi ka aalis. Hihiwalayan mo na siya. Hindi mo siya deserve!"

Nabakas ang galit sa mukha ni Baekhyun.

"Putsa! Ano nga bang deserve ko sa lintek na buhay na 'to?!"

"Ako!"

Natigilan siya sa isang salita na 'yon.

"Ako. Pwede namang ako, e."

At natahimik.

"Papatunayan mo lang naman sa'king tama ka sa desisyon mo na piliin siya, kaya ka pupunta do'n. Hindi dahil mahal mo siya. Pupunta ka do'n kasi gusto mong paniwalain ang sarili mo na tama ka no'ng hiniwalayan mo ako."

---

Imagine typing this on 614 day. It's supposed to be the 'real smooth' Park Chanyeol thing but it turned out like this. La ko kwenta talaga.  Lol.

Anyway, #614everWithChanbaek ❤❤❤

Chanbaek ParagraphsWhere stories live. Discover now