~Antes Que Otra Cosa (Bago ang Lahat)~

10.5K 160 51
                                    

Tú Es Mi Amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw]

Copyright ©2011 by AnakDalita. All Rights Reserved.

***************

Antes Que Otra Cosa:

Paningit. Kadaldalan.

So, kailangan talaga meganito na naman? Hahaha.

Alam ko namang kulang talaga ako sa pansin. Kaya nga eto at magpapapansin na naman ako.

May pumansin naman kaya? As in, may magparamdam na talaga ng presensya, ganung effect?

Sana naman meron na talaga.

Bago ko pa tuluyang makalimutan ang dapat na nilalaman ng chenez na ito, sisimulan ko na nga. (Digressive ever.)

Ito ang Tú Es Mi Amor, ang itinuturing kong "pinakabago" sa mga natapos kong mala-nobelang akda—mala-nobela, kasi trip ko lang. Bakit ba? Nyahaha. "Pinakabago," as in pinakahuling nabuo bago pa ako mapunta dito sa Wattpad. Pero kung iko-consider natin kung kailan ko nabuo ang unang draft nito, medyo matagal-tagal na panahon na rin ang nakalipas. Mahigit dalawang taon na rin 'yon, noong May 24, 2009 (Hindi ko feel tandaan 'di ba!).

Pero kung iko-konsidera naman natin ang panahon kung kailan talaga unang nabuhay ang kuwento nito eh mas matagal pang talaga. Halos limang taon na rin, simula noong September 2006. Noong mga oras na 'yon, may kinukumpleto din akong mala-nobelang akda-akdaan ('yon ang Pananatili, na balak ko ding ayusin at tuluyan na ring ipangalandakan dito sa Wattpad... Coming not-so-soon!). Tapos, isang umaga eh bigla na lang sumulpot ang kuwento ng Tú Es Mi Amor sa isipan ko; 'yun bang tinamaan ako ng biglaang pag-usbong ng inspirasyon at ideya? Biglang humarot ang imahinasyon ko... Hayun!

To make the long story short, it's a long story. Echos! Ang ibig kong sabihin eh eto na nga ang produktong nabuo limang taon na din pala ang nakakaraan. Sa loob ng limang taon, nagkaroon ng maraming hiatus, writer's block, at siyempre mga pagbabago sa takbo ng kwento. Hanggang ngayon naman, madami pa ding pagbabago sa kuwento nitong Tú Es Mi Amor, lalu na't hindi pa talaga ako natatapos sa rewriting part nito.

Magkagayunman, sana eh ma-appreciate ninyo ang isang ito...ang kuwentong maituturing ko bilang siyang pinakapaborito ko sa mga natapos kong akda-akdaan...bago pa ang panahon ng Wattpad. :)

HEP HEP HEP!

As usual, eto pa ang walang-kamatayang bilin:

Libre lang ang mag-iwan ng comment/s at vote/s para dito...You know!

-May-Akda

Sa Sister City ng JoSeon, SK

07.27.2011

[07.27.2011]

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon