~Segunda Intermedia: Pagkalipas ng Apat na Taon~

1.2K 38 0
                                    

~Segunda Intermedio: Pagkalipas ng Apat na Taon~

Matapos ang kauna-unahang gabing pinagsaluhan nina Aurelia at Miguel bilang ganap na mag-asawa, nadagdagan na ang ligaya at tibay ng kanilang relasyon. Tuluyan nang nagbago ang mga pakikitungo nila sa bawat isa. Ibang-iba na ‘yon sa kanilang turingan noong umpisa pa lang ng kasalan nila.

Samakatuwid, nagkaroon na ng saysay ang seremonya ng kasalan na minsang ipinilit sa kanila na bigyang-katuparan. Napunta din sa mabuting patutunguhan ang takbo ng mga buhay nila.

Hindi naglaon, nagbunga na rin ang pagmamahalan ng mag-asawa; sadyang nabiyayaan pa ng kasiyahan ang buong pamilya Villegas. Agosto ng sumunod na taon, nagsilang si Aurelia ng isang sanggol na lalaking pinangalanan nila bilang Julian.

‘Yon na nga ang nagsilbing umpisa ng panibagong yugto sa kanilang mga pamumuhay.

Simula na rin ‘yon ng mga bagong pagsubok na kailangang harapin ng magkabiyak na Aurelia at Miguel Villegas.

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon