~Palabriea: "Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw" (Kundiman. PAKSANG-HIMIG)~

1.2K 26 5
                                    

~Palabriea: "Ang Pag-Ibig Ko’y Ikaw" (Kundiman) – PAKSANG-HIMIG~


Natutuwa lamang ang inyong abang-lingkod matapos kong madiskubre ang video ng awiting ito, ilang buwan na rin ang nakakalipas. Sa wakas, may paksang-himig (theme song) na rin ako para sa kwentong ito. Swak na din ang mga titik maging ang tema ng awitin para sa tagpuan pati sa mga kaganapan ng Tú Es Mi Amor [Ang Pag-Ibig Ko’y Ikaw].

Alam kong bibihira lamang sa inyong mga makakabasa nito ang interesado sa mga ganitong klase ng awitin; mga kundiman at anu pang katulad na makalumang tugtugin. Ngunit kung inyo sanang mamarapatin ay mapakinggan sana ninyo ang awiting nakalaan na yatang talaga para sa kuwento nina Aurelia at Miguel. :)

════

Kay hirap sumuyo nang malabis
sa isang tunay mong pag-ibig
lalo na't ganti sa iyo'y pasakit
halos matunaw ang iyong dibdib!

 

Kaya pala o irog
Ikaw ay alinlangan
'pagkat mayron ka nang ibang mahal.

 

Nagbabalat-kayo ka,
at ngayon ko nalamang
puso mo'y isang salawahan.

 

Kahit ka na lumimot
sa 'ting mga sumpaan
mamahalin pa rin kitang tunay;
lagi kang susuyuin
buhay ko ma'y pumanaw
'pagkat ang pag-ibig ko ay ikaw.

════

Siya nga pala, hindi ko po pagmamay-ari ang video na ito. Mula po ito sa YouTube channel ng PhilClassic Kundiman Archive (philclassic). Nasa external link po ang para sa channel niyang ‘yun, para sa mga interesado pa. :D :D :D

[Palabriea – pasakalye.]

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon