VII ~ Capitulo Siete

1.9K 49 17
                                    

VII ~ Capitulo Siete

Kinabukasan, matapos magsalo sa kanilang agahan, agad nagtungo sina Aurelia at Miguel sa isang mala-opisinang silid sa mansyong ‘yon. “Halika, Aurelia.” ‘Yon lamang ang sinabi ni Miguel. Sumunod naman si Aurelia.

Nang makapasok na sila at parehas na nakaupo sa kani-kanilang mga silya, magtatanong na sana ang dalaga kung bakit naroon sila. Ngunit naibigay na rin sa kanya ang kasagutan nang mag-umpisa si Miguel.

“May ipinag-bilin sa akin si Mamá bago siya tuluyang lumisan noong Miyerkules. Kailangan mo raw matuto ukol sa wastong asal at pagkilas ng isang tunay na señora Sa tingin niya’y dapat mong matutunan ang lahat ng dapat mong matutunan, nang sa ganoon ay maging mas presentable ang iyong dating, hindi lamang sa tuwing may espesyal na okasyon kundi sa lahat ng oras. Pakiramdam ko naman ay magiging madali na rin para sa iyo ang iyong mga pag-aaralan dahil may katangian ka na ring likas na taglay ng isang señora. Kaya kaunting ayos na lamang ang kakailanganin mo.

“Siya nga pala, ang saklaw ng iyong mga aaralin ay tungkol sa etiketa sa hapag-kainan, sa pananamit, pagkilos at pananalita. May mga leksyon din para sa pagkatuto mo ng Español at Ingles, maging sa pormal na bokabularyo. May gusto kang itanong, Aurelia?”

Ilang ulit din kasing itinaas-baba ni Aurelia ang kanang kamay habang nagsasalita pa si Miguel, at sa wakas ay nabigyan na siya ng tsansang makapagsalita. “Sino naman ang magtuturo sa akin?”

Nagbaba si Miguel ng tingin sabay ngiti. Tumayo na rin siya, nakapamulsa pa ang parehong mga kamay. “Nasa harapan mo na siya ngayon, Aurelia.”

“Ikaw? Ikaw, Miguel?” Natawa pa ang dalaga sa responde nito. Hindi nga lang masigurado ni Miguel kung ano ang eksaktong tinawanan ng napangasawa.

“Oo. Ako nga. Nagpresenta na ako kay Mamá na ako na ang magsilbing tagapagturo mo. Tumugon naman siya at ipinaubaya na sa akin ang pagtuturo sa iyo ng kailangan mong mapag-aralan.” Nakatayo pa rin si Miguel. Wala na ang kanyang ngiti habang siya’y nagsasalita.

Isang alanganing tango ang siyang naisagot ni Aurelia. Napa-ngisi din ito. Marahil ay nagulat lang ito, komento ni Miguel sa isipan. Pagkatapos noon, tuluyan nang nag-umpisa ang kanilang mga leksyon―si Miguel bilang guro, at si Aurelia bilang estudyante.

Sa loob ng mga naunang araw, tamang pag-asal at pagkilos muna ang itinuro ni Miguel kay Aurelia. Nakabisado na rin ng huli ang katuturan at gamit ng samu’t saring kubyertos at kagamitan sa pagkain, lalu na sa tuwing may pagdiriwang. Itinuro din ni Miguel sa asawa ang wastong paglakad, maging ang pagbati at pakikipag-usap sa bawat uri ng taong makakaharap nito (“Sa darating pang mga araw, tuturuan na kita ng wikang Español,” paalala pa ni Miguel.).

Naging mabilis din ang takbo ng pagtuturo ni Miguel na pati ang wastong pananamit ay naipa-alam na niya kay Aurelia. Hindi nga naman por que isa siyang lalaki ay limitado na para sa kanyang kasarian ang kaalaman niya tungkol sa pananamit at pagporma.

Limang araw din ang nakonsumo sa mga “klase” nila. Kung tutuusin, naging simple na ito sa panig ng binata, sapagkat alam na rin niya ang mga dapat niyang ituro; naisa-ayos na niya ang mga ito matapos nilang mag-usap ni Doña Consuelo. Bukod pa doon, palagay niya’y magiging mas madali nang turuan ang napangasawa dahil alam niyang agad nang naayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa.

Gayun pa man, mukhang hindi taos sa puso ni Aurelia ang pag-aaral nito sa mga leksyong itinuturo ng binata. Wala pa namang sinasabi si Aurelia sa loob ng dalawang araw, ngunit malakas ang kutob ni Miguel na bagaman nasasagap ng dalaga ang mga itinuturo niya dito, nag-aalanganin pa rin ito upang tuluyang tanggapin ang lahat-lahat ng may kinalaman sa pamumuhay bilang isang maharlika. Kitang-kita din ‘yon sa bawat ekspresyon ng mukha ni Aurelia, maging sa pananamlay ng mga kilos nito.

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon