IV ~ Capitulo Quatro

2.2K 72 39
                                    

IV ~ Capitulo Quatro

Tirik na tirik na ang araw nang magmulat ng mata si Miguel. Ang matinding sikat nga ng araw ang nanggising sa binata.

Tanghaling-tapat na. O marahil, lampas alas doce na ng tanghali, base sa tantiya ni Miguel. Hindi na niya sinigurado kung ano ang eksaktong oras. Basta ang alam niya, napatagal din ang pagtulog niya simula nang magbalik siya sa silid na 'yon. Siguro, lampas alas-cuatro na 'yon nang madaling-araw nang nakabalik siya; nag-uumpisa nang magliwanag ang mga kalangitan nang mapadungaw siya sa labas ng bintana.

Panandaliang nag-unat ang binata, habang nakaupo pa rin sa kama. Pagkatapos ay inayus-ayos niya ang buhok saka naglibot ng paningin sa may-kaliitang silid. Tumayo na rin siya, muling nag-unat at lumabas na ng kuwarto.

Saan nga ba ako pupunta? ang tanong ni Miguel sa sarili. Tumingin-tingin pa siya sa ilang mga kuwadro ng ipinintang larawan na nakasabit sa pasilyong kanyang dinadaanan. Hindi 'yon ang unang beses na napadpad siya sa mansyon ng mga Lucero, ngunit hindi pa rin sapat ang naunang pagkakataon para maalala niya ang kabuuan ng tahanang 'yon.

Napagdesisyunan na ni Miguel na magtungo sa komedor, para sa wala namang partikular na rason.

Nakarating na nga siya sa magarbong silid-kainan ng mga Lucero. Bahagyang malawak din ang espasyo ng tila pinakamalaking silid sa mansyon. Sa kalagitnaan nito, sakop na sakop ang sahig ng malaking hapag-kainan na makapaghawak ng isang dosenang tao sa palibot nito. Halatang mamahalin ang mga kapares na upuan. Sa sulok ng parihabang lamesa, nakapwesto sina Doña Sofia at si Doña Consuelo Villegas, ang ina ni Miguel. Patapos na ang huli sa pagkain nito, habang patuloy ang malumanay na usapan nito sa nauna.

Si Doña Sofia ang unang nakapansin sa paglitaw ni Miguel. "Oh, hijo. Gising ka na pala..."

Nag-angat naman ng tingin si Doña Consuelo sabay bitaw sa mga kubyertos na inilapag nito sa pilak na plato. Dagling uminom ang Doña mula sa kanyang baso at pinagmasdan na muna ang kanyang anak, sa mga singkit na mata nito.

Tahimik na nilapitan ni Miguel ang dalawang kababaihan. Lalu niyang mas nasilayan ang napakapamilyar na hitsura ni Doña Consuelo—ang nakapusod at nagkaka-uban nang buhok nito; ang mala-porselanang kutis nito, lalu na ang makinis at maamong mukha na pinarisan ng matangos na ilong; ang glamorosa ngunit hindi ma-disenyong pananamit nito. Nang makalapit na siya dito, binati niya ang ina. "Buenos diaz, Mamá."

"Buenos diaz, hijo."

"Buenos diaz, Doña Sofia."

Tango naman ang iniresponde ng ina ni Serafin.

"Bueno, Miguel. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Nais kitang makausap, ngayon din, tungkol sa sitwasyong kinasasangkutan mo." Halos hindi na malarawan ang eksaktong hitsura ng mukha ni Doña Consuelo. Dismayado ito subalit kalmante pa rin. Tila nagpipigil lang na magpakita ng pagka-dismaya ang Doña, base sa bahagyang pagtaas ng isang makitid na kilay nito.

Nanatili lamang si Miguel sa kanyang pagtayo habang pinakinggan ang sinabi ng kanyang Mamá. Doon na lang niya naalalang muli ang mga kaganapan sa nagdaang gabi. "Opo, Mamá."

Sandaling inilipat ni Doña Consuelo ang atensyon kay Doña Sofia. "Sofia, gracias para sa nakakabusog  na pananghaliang ito."

"Walang anu man 'yon, amiga," mahinang sabi ng isang Doña.

"Hihingi sana ako ng permiso na sa aklatan na kami mag-usap nitong aking anak, kung hindi mo naman mamasamain."

"Ah. Walang kaso sa akin 'yon. Ngunit, hindi mo pa ba pakakainin si Miguel?"

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon