Pakibasa na Lang: Opisyal na Salaysay Mula Kay AnakDalita

920 18 0
                                    

Papansin lang ule. Gaya ng dati. As usual. Eh, sa gusto ko rin ng ganitong effect. Libre lang naman itey da ba? *Charoterang tadpole.*

Paano ko ba ito sisimulan?

Ah, ganito na lang. Doon muna tayo sa orig na palusot ko kung bakit inabot ng halos tatlong buwan (2 months and 22 days to be exact) bago magkaroon ng panibagong capitulo ang kuwento nina Aurelia at Miguel. 

Ganito kasi ‘yun. Trip ko lang mag-on-hold effect. Gusto ko lang makita kung may magtatanong ba ng update kapag natagalan ang pagdating neto.

Siyempre, isang malaking CHAROT lang ‘yun.

Joke-joke lang. Hehe. XD Wala naman talagang ibang bonggang dahilan bukod sa pagiging busy ko―bagung-bagong dahilan, ‘di ba? Seriously, eto na talaga. Busy sa SCHOOL, what else? Paspasan sa pagtapos ng requirements, lalu na ng thesis. Nag-rush pa kami dahil sa napaaga pa ang closing ng school year. Those kind of stuff.

Mas nakatatak pa sa utak ko noon ang tungkol sa thesis. Kapag pinilit kong gawan ng update ang TEMA, baka statistical treatment at analysis of data na ang mailagay ko imbes na ang mismong parte ng kwento. Maganda ‘yun, ‘di ba?

Natapos nga ang klase, pero hindi ang pagka-abala ng lola ninyo. Andyan ang ibang school matters, commitments gaya ng trainings, seminars, guestings, interviews, tapings, filmings (charot na lang ‘yung huling tatlo. Wehehe). Ngayun-ngayon na lang ako naging malaya para magpapetix nang tuluyan.

Eto na nga po ang panibagong update, pagkatapos ng three years. Este, three months lang pala, halos. Pasensya na po sa inyong mga (?) nag-abang para sa Capitulo Diecinueve. Sana, magustuhan ninyo ito. At sana kahit paano, maging worthy naman ang paghihintay ninyo.

Ngayon pa lang din, magpapa-abiso na ako uli, para masaya (nga ba?). Medyo matatagalan lang uli ang susunod na capitulo. This time, hindi lang ako magiging busy kundi magiging missing-in-action na rin. Pansamantala po akong mawawala sa ere. Hindi man ito magiging katagalan kaso talagang walang paramdamang mangyayari. Ni bakas ng anino ko, hindi magpaparamdam. May maghahanap ba niyan sa akin, kung sakali? Hahaha XD Mga katapusan na ng buwan o umpisa ng Mayo ang return of the comeback ng inyong abang-lingkod.

Ayoko pong mangako. Pero, para na rin sa inyong mga (?) tumatangkilik at nakasubaybay sa mga kaganapan sa Tú Es Mi Amor, titingnan ko kung anong magagawa ko para maituloy at matapos na ang kuwento. Pipilitin kong makabawi. Kasi, kung mag-aa la Mr. Assimo nga ako, “Hiyang-hiya naman ako sa inyo!” Hehehehehe. Pang-charot lang. Charoterang tadpole lang talaga.

Sapat na ang satsat. Nakalampas na ako ng isang page sa MS Word oh. Sensya na, madaldal lang talaga. Wish ko naman maging napaka-interesante nitong opisyal na salaysay ko para sa inyo. ‘Di ba? Magbabalik na lang ako kung kelan talaga ako makakabalik. Sana, may kasabay na update na rin ‘yun. Sabi nga ni Gen. McArthur: “I SHALL RETURN.” KFLY!

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!

-May-Akda

The Presidential Hometown

04.11.2012 [11:29 PM]

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon