¿Sabias Que? [Alam Mo Ba?]

1.5K 42 16
                                    

 ¿Sabias Que? [Alam Mo Ba?]

Mga Miselenyong Detalye Para sa TEMA

            Nais ibahagi ng may-akda ang mga ito... para masaya! Siguro naman ay natapos na ninyo ang buong kuwento kaya nakarating na kayo rito? Tsarot lang. Oh siya, bahala na kayong magtiyaga sa dagdag chorva na ito.

1. May mga nakakubling chika sa likod ng mga pangalan ng lugar na nabanggit sa o naging pinangyarihan ng kuwento.

            a. Ang Culiat at Wawa ay mga lumang pangalan ng mga totoong lugar. Ang Culiat ay ang sinaunang pangalan ng Angeles City habang ang Wawa naman ay ang sinaunang pangalan ng Guagua. Kasama ng San Luis, ang mga lugat na ito ay kasalukuyang bumubuo sa dalawampu't isang bayan at siyudad na sakop ng Pampanga.

            b. Baman tipikal nang pangalan ng lugar ang San Rafael at San Roque, siyempre pampadagdag sa listahan ang mga ito. Parehong kabilang ang mga ito sa mga distrito ng Pasay City (alyas "Sister City ng Joseon, SK"). Kapangalan din ng dalawang lugar ang mga barangay ng Baruya (San Rafael) at San Roque Arbol at Dau sa Lubao, Pampanga (alyas "The Presidential Hometown").

            c. Sa kabilang dako, ang Nagulian at Sta. Victoria ay mga lugar naman sa probinsya ng Isabela. Isang bayan ang nauna; bahagi ng kabiserang Ilagan City ang huli.

            d. Hango sa pangalan ng tunay na establisimyento ang Faustina. Isa rin itong restawran na ang buong pangalan ay Faustina Home Cookery. Matatagpuan ito sa kahabaan ng Calle Magallanes sa Intramuros, Maynila.

Bagaman makatotohanan ang pinagmulan ng mga naturang pangalan, pinagsama-sama ang mga ito dito sa kuwento para makabuo ng mga lokasyong piksyunal.

2. Nang unang mabalangkas ang Tú Es Mi Amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw], ang mga ngalang naibigay para sa bidang babae ay Leonida at Trinidad. Saka lamang ito naging Aurelia sa mga unang drafts ng kuwento. Nagamit pa rin ang Trinidad para sa isa sa mga suportang tauhan sa una at ikalawang bahagi ng TEMA.

3. Ang orihinal na plano para sa kapalaran ni Serafin Lucero ay hindi ganap na maging kasintahan ni Aurelia, ngunit siya ang sapilitang maipapakasal sa dalaga. Nagbago ang isip ng may-akda nang magpapogi na sa kanyang diwa ang katauhan ni Miguel Villegas (Oh, sa mga pans ni Miguel diyan, ahem! Buti pala nagpapogi siya sa may-akda, ano?).

4. 'Till the End at Tu Es Mon Amour [You Are My Love] ang isa sa working titles ng akdang ito. Pranses at Ingles ang mga wikang ginamit. Sa kalaunan ay iniba na ng may akda at naging Tú Es Mi Amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] na nga kasi feel po niyang mas akma na ito kaysa nauna. 

5. Gusto lang pong ulitin ng may-akda na totoong may kantang (danza, kundiman) "Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw". Totoong kapanahunan pa po nila Miguel at Aurelia (dekada '30) ang kantang ito. Totoong tao nga rin si Maestro Miguel "Mike" Velarde, Jr. (siya rin po ang kompositor ng tanyag at pang-1930s ding kundiman na "Dahil sa Iyo"). Pero nalaman na lang ng may-akda ang tungkol sa mga ito nang naumpisahan na ang pagpapaskil niya ng kuwento dito sa Wattpad.

6. TEMA: Isang Timeline

Setyembre 2006

            ~Dumating ang mga ideya para sa buod ng kuwento. Pansamantala itong naisantabi dahil nasa kalagitnaan pa ang may-akda sa ibang kuwento.

Enero 2009

            ~ Matapos ang matagalang hiatus mula sa pagsusulat, naumpisahan na ang pagsasapapel ng unang kumpletong draft ng Tu Es Mon Amour.

May 2009

            ~Nabuo ang unang draft. Nakibakasyon muna ito gaya ng may-akda (summer eh). :)

Hunyo 2009

            ~Naisipan ng adik na may-akda na isagawa ang rebisyon ng unang draft kasi busy siyang magpakapetix este magsunog ng kilay sa kolehiyo. Panaka-naka ang progreso ng bawat Capitulo.

            ~Nagtangka rin ang may-akda na isapubliko ito sa sari-saring websites (TeentalkCreative Corner, Invisionfree, Tumblr, atbp.) ngunit epic fail lahat ang mga tangkang 'yon.

Hulyo 2011

            ~Limang buwan matapos madiskubre ng may-akda ang Wattpad, naumpisahan na ang ganap na pagpapaskil ng kuwentong ito. Manaka-naka pa rin ang pagrevise ultimo ang kinahinatnan ng bawat update.

            ~Tinagurian na ang kuwento bilang Tú Es Mi Amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw].

Oktubre 2013

            ~Dalawang salita: THE END! :D

Kaya naman naging big deal na para sa may-akda ang kuwento nina Aurelia at Miguel dahil halos kasabay na ng pagtanda niya ang mga pinagdaanan nito. Matuturingan na itong sumakop sa pangkalahatan ng [biological] teenage years ng may-akda na siyang pinagkaiba nito sa mga kuwentong naisulat niya. Bagaman pare-pareho niyang binibigyan ng importansya ang bawat isa sa kanyang mga naisulat, hindi maipagkakailang may something fishy este may naiiba pa rin sa TEMA. Go figurine.

Ayan na ang lahat. Sa ngayon. Balitaan ko kayo 'pag may nahanap akong pwedeng maisingit dito. :)

🎉 Tapos mo nang basahin ang Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin) 🎉
Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon