XIV ~ Capitulo Catorce (Huling Kabanata - Segunda Parte)

1.5K 49 10
                                    

XIV ~ Capitulo Catorce

(Huling Kabanata - Segunda Parte)

“Aurelia, bakit ba kung makalayo ka sa akin ay para bang may malala akong sakit at ayaw mong mahawahan ka?” pabirong tanong ni Miguel sa kabiyak. Sa pangalawang beses, hinila nito si Aurelia mula sa gilid ng kanilang higaan. Halos mahulog na naman kasi ang dalaga galing sa kamang ‘yon; kung hindi ba naman siya paulit-ulit na lumalayo sa kanyang asawa.

“Alam mo namang hindi ako sanay sa ganito―na may katabi sa pagtulog.” Umupo si Aurelia sa kama nila ni Miguel. “Isa pa, nahihirapan din akong matulog. Namamahay na yata ako.” ‘Yon ang unang gabi ni Aurelia sa tahanan sa Isla de las Villegas.

‘Yon din ang pinakaunang pagkakataon na pumayag na si Aurelia na mahiga kasama sa iisang kama ang kanyang asawa. Naisip niya kasing baka tuluyan na siyang maging komportable na gawin ‘yon, matapos na rin ang mga panlalambing at pagsuyo sa kanya ni Miguel.

Lalu naman ang mga naganap lamang sa may baybayin sa hapong nagdaan.

Tumayo ang dalaga. Nagtungo na siya sa azotea ng kanilang silid na nasa ikalawang palapag na ng bahay. Pagkarating doon, dinungaw niya ang kalangitan at karagatan habang dinadama ang pag-ihip ng hangin mula sa dalampasigan.

Napatingala din si Aurelia. Pagkatapos, napansin niya ang buwan. Kabilugan nito kaya na rin matindi ang liwanag na nagmumula dito. Bahagya siyang napangiti nang masilayan ang kariktan niyon.

Nakarinig siya ng mga marahang paghakbang, saka niya nadama ang presensya ni Miguel. Nanatili si Aurelia sa kanyang posisyon. Nakahawak pa rin siya sa pasamano ng azoteang ‘yon samantalang nakahilig pa nang kaunti ang kanyang katawan patungo dito.

Tahimik lamang ang mag-asawa kahit nang ipinalibot ni Miguel ang mga bisig nito sa baywang ni Aurelia. Yumakap ang binata mula sa kanyang likuran. Hinayaan niya ang asawa kahit nang madama naman niya ang paghawak ng isang kamay nito sa kanyang kanang balikat. Naramdaman din ni Aurelia ang paghalik ng kanyang kabiyak sa likod ng uluhan niya. Nagawa pa nitong amuyin ang kanyang buhok.

“Kailan ka ba masasanay na may katabi sa iyong pagtulog sa kama?” sitsit ni Miguel sa isang tenga ni Aurelia. Nagbigay ‘yon sa huli ng pangingilabot o anu mang dulot ng pagkasensitibo ng parteng ‘yon ng tenga niya.

Kasunod ay idinampi ng binata ang labi nito sa panga ng asawa bago ito nagpatuloy. “Baka mapagalitan pa tayo―lalu na ikaw―kay Mamá kapag nalaman niya ang tungkol dito.” Inilipat nito ang mga labi sa leeg ni Aurelia. “Ha, mahal kong asawa?”

“Paano mo naman nasabing...malalaman ‘yon ni...Doña Consuelo?” Kaunti na lamang at hindi na magawang makasagot ng dalaga nang ipinagpatuloy ng kanyang asawa ang nasimulan nito. Kanyang napuna ang panghihina ng sariling boses habang nagsasalita siya. Nagsisimula na siyang nerbyusin. Kung dulot ba ‘yon sa paraan ng pagtawag sa kanya ni Miguel o sa panibagong panlalambing nito sa kanya, hindi na niya ‘yon matiyak.

Gayun pa man, isang bagay ang sigurado na: Sa kabila ng pagbalik ng nerbyos sa kanyang kalooban, para bang ayaw na ni Aurelia na huminto pa si Miguel sa mga panlalambing nito.

Ano ba itong nerbyos na ito? tanong ni Aurelia sa sarili. Damang-dama niya ang isa-isang pagdaplis ng mga halik ni Miguel sa kabilang gilid ng kanyang leeg. Samantalang kaninang hinalikan niya ako, hindi naman ako ninerbyos nang ganito...

Panandaliang huminto si Miguel saka bumitaw sa asawa. Inikot nito ang katawan ni Aurelia upang makaharap siya nito. Agad din nitong ikinulong si Aurelia sa mahigpit na yakap. Tinitigan din nitong maigi ang dalaga.

“Maraming paraan para malaman ni Mamá ang bagay na ito. Marahil nga ay alam na niyang talaga ‘yon.”

“Ano, Miguel... May―may kailangan ka ba?” pabulong na kuwestyon ni Aurelia. Wala a siyang kamalay-malay kung saan pa nagmula ang kanyang katanungan; kung may katuturan pa ba ito sa kanilang usapan; unti-unti na siyang nalulunod sa mga titig na ibinabalik sa kanya ng kanyang asawa.

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon