III ~ Capitulo Tres

2.4K 69 37
                                    

III ~ Capitulo Tres

Hilung-hilo na si Aurelia. Napakasakit na ng kanyang ulo pati ng kanyang pangangatawan. Napakabigat ng nararamdaman niya. Para ding gusto niyang maduwal.

Idinilat niya ang kanyang mga mata. Anong oras na ba? Nasaan na ba ako? Tila nawalan siya ng malay kaya't hindi niya maalala ang mga nangyari sa mga oras na nakalipas.

Laking gulat niya nang kanyang mapagtantong nakahiga siya sa isang kama. Suot pa rin niya ang kulay asul na bestida na ibinigay ni Doña Sofia. Ngunit hindi lamang siya ang nag-iisang nakahiga sa kama. Sa katunayan pa niyan ay may katawan ding nakadagan sa kanya. Inatake ng nerbyos ang dalaga nang malamang katawan ito ng isang lalaki.

Bagaman may kadiliman ang silid na kinaroroonan ni Aurelia at ng di-pa nakikilalang binata, medyo nakaka-aninag siya dahil sa liwanag na nagmula sa labas ng mansyon. Doon na niya nasilayan kung sino ang binatang nakadagan sa kanya. Ito ay si Miguel Villegas, isa sa mga panauhin sa idinaos na piging. Wala itong suot na pang-itaas, at wala ding malay-tao.

Naku po! Pero... Papaano nangyari ito? Nataranta na si Aurelia saka nagpumilit na kumawala mula sa pagkadagan ni Miguel. Kaya lang ay sadyang napakabigat nito para mai-tulak niya. Hirap pa man ding kumilos ang dalaga. Hindi naman niya basta-basta magigising ang panauhin dahil mukhang napakalalim ng tulog nito—kung natutulog man ito.

Paano ba kami napadpad dito?

Doon na naalala ni Aurelia ang mga kaganapan.

Nag-iinuman na sila Serafin, Miguel, at isa pang dumating na panauhing si Arsenio, kamag-aral din ni Serafin mula sa unibersidad. "Señorito, este Serafin," sitsit ni Aurelia sa kasintahan, "hindi ba't ipinagbilin sa iyo ng iyong Mamá na huwag masyadong uminom ng maraming alak?" Nag-uumpisa nang mabalisa si Aurelia. Abalang-abala ang sangkatutak na mga bisita sa pag-uusap, pagkain, at pagsasayaw sa pagdiriwang na 'yon. Ni hindi na mahagilap ng kanyang paningin ang mga magulang ni Serafin.

Nahihilo na rin ang dalaga. Pinilit kasi siya ni Serafin na uminom ng matapang na alak, samantalang sa tanang buhay ni Aurelia ay hinding-hindi pa siya nakakainom ng alak.

"Huwag kang mag-alala, Au-Aurelia," nauutal na responde ng binata sabay hawak sa braso niya. "Hindi naman ako gaanong nalalasing nito."

Ngunit base sa obserbasyon ni Aurelia, sa hitsura at pananalitang 'yon ng kanyang kasintahan ay halatang lasing na rin ito.

"Tara, Serafin, Arsenio. Heto ang alak; tayo na't magsi-inom pa!" yaya ni Miguel. Mukhang nababangag na rin ito ng alak. Naglagay ito ng alak sa kopita ng bawat isa, pati na rin sa kopitang nasa harap ni Aurelia. "Ikaw din, magandang binibini."

Bago pa makapalag si Aurelia ay napunan na ang kopita niya.

Sabay na nagsi-inuman saka nagsitawanan ang tatlong kalalakihan. Muling pinilit ni Serafin si Aurelia na uminom, pero ayaw na talaga ng dalaga. Hindi siya umiinom ng alak, at lalu siyang hindi naghahangad na muling matikman ang mapaklang lasa nito.

Ngunit balewala din ang pagtanggi ni Aurelia. Nagpumilit pa ang kanyang kasintahan at ininom na niya sa isang tunggaan ang alak na ibinigay sa kanya. Napakasama talaga ng  lasa noon, at marahil ay naluwa na niya iyon kung hindi lang siya nakapagpigil. Pinilit niyang malunok ang likido habang ipinangako sa sariling 'yon na rin ang huling beses na iinom siya ng alak.

Basta na lamang nagyayang magsayaw itong si Serafin. Sa pangalawang beses ay balewala ang pagtanggi ng dalaga dahil na rin sa pangungulit ng kasintahan. Hindi din naman karunungang sumayaw si Aurelia ngunit may magagawa pa ba siya? Nagkataong mabilis ang tempo ng tugtugin ng mga musikero, kaya kinailangang maging maliksi ang kilos ng magkasintahan upang makibagay sa tunog. Dumating ang puntong nagpaikut-ikot silang dalawa sa palibot ng sayawan hanggang sa hindi na makaya ni Aurelia ang  pagkahilo niya. Pilit siyang kumalas mula kay Serafin at tumakbo papalayo dito.

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon