~Bago ang Lahat, Luma ang Iba (Panimula Para sa Intermedio)~

1.3K 37 16
                                    

Bago ang lahat, luma ang iba

Isa na namang paningit mula sa May-Akda.

ATSAWAKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAS.

Pagkatapos ng chorvaloong panahon, mabibigyan na rin ng update ang Tú Es Mi Amor!

Naku... Kung nalalaman lamang ninyo ang wagas na pagka-atat ko nitong mga nakaraang araw upang maipagpatuloy na ang pagpapaskil ng kwento dito sa Wattpad. Kasenamanehhhh, napurnada na nga nang husto ang mga plano ko para dito; dahil na rin ‘yon sa pagdagsa ng mga gawain ko sa paaralan (ano pa nga ba?!). Naturalmente, kailangang magsakripisyo para sa ibang mas mabigat na prioridad. Alangan namang ganap kong antalain ang pagtapos ng school requirements ko? Ayoko namang pati mga marka ko ay masakripisyo pang lalu. ‘Wag ganun, men.

ENIHUWEY.

Gusto ko lang ding ipa-alam na hindi talaga kasama ang bahaging ito sa mga naunang balangkas at drafts ng kuwento. Bagu-bago lang ang Intermedio, hindi gaya ng mga naunang kabanatang nai-paskil at mga susunod pang ipapaskil ko dito sa WP. Napagnilayan ko lang kasi, pagkatapos ng mga taong lumipas, kapos pa rin sa detalye ang kuwentong ito (Kung anu man ‘yon, abangan na lang ninyo!). Kaya para mas masaya, nilagyan ko na muna ito ng dagdag-sangkap. ‘Yon na nga ang Intermedio: Isang Liham Mula sa Nakalipas. Ito rin mismo ang isang dahilan, i.e. palusot kung bakit natatagalan din ang pagpapatuloy ng pagkaka-update nito.

Sana’y mapagtripan din ninyo ang espesyal na kabanata ng kuwentong ito. Kung tutuusin, maituturing na ito bilang ika-walong kabanata ng Tú Es Mi Amor; dagdag ‘yon sa pagiging espesyal nito sapagkat natapat ang pagkakapaskil nito sa pag-uumpisa ng ika-walong buwan ko dito sa Wattpad. (Feelingera ever ang lula ninyo, ‘di ba? Siguro naman hindi lang sarili ko ang kausap ko dine, anuh?)

Oh siya, sapat na ito.

Ispeysyal mensyown para sa mga silent readers *daw*: Wala naman po tayo sa LIBRARY. Hindi din po uso dito ang listahan at singilan ng mga NOISY, kaya okay lang ang mag-ingay. Pramises. Try ninyo?! Huweeehehehehe.

Hanubayan. Handaldalita ko talaga. (Anakdal-Dalita).

Hasta la vista, mi amigos y amigas.

¡Vamos!

- May-Akda

Sa Sister City ng JoSeon, SK

10.11.2011

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon