XXV ~ Capitulo Venticinco

885 31 11
                                    

XXV ~ Capitulo Venticinco

 Kumikirut-kirot pa ang mga tama ni MIguel nang nilisan na niya ang silid sa hotel. Dala-dala na niya ang mga bagong-labang damit na nadatnan niyang nakalapag sa tapat ng pintuan niya pagkagising. Matapos ang lahat ng mga naganap, tuluyan na siyang nawalan ng interes na manatili pa doon sa Hotel de Sta. Victoria. Nakakasigurado na siyang may nananadya talaga para sa mga dinaranas niya. Kung si Marietta man 'yon, kung sino pa man ang may kinalaman doon, at kung paano pa man nito naisagawa ang mga kaganapan, halos mabilib na rin si Miguel sa nakaka-alibadbad na klase ng utak na mayroon ang taong 'yon.

Palagay niya'y wala na ring silbi kung iuulit pa niya sa awtoridad ang mga pangyayari. Sinigurado na lang niyang 'yon na ang huling beses na tatapak siya sa hotel na 'yon. Mas kailangan na niyang makauwai dahil mas kailangan niyang asikasuhin ang kanyang mag-ina.

Tanging ang paglisan ni Miguel sa hotel an gpakay niya sa reception area. Katatapos lang niyang magcheck-out. Madali na sana siyang lalabas ng hotel nang maulinigan pa niya ang pagtawag sa kanyang pangalan.

"Telegrama po para kay Señor Miguel Villegas," wika ng karterong lumapit kay Elsa.

"Ah, kakaalis lang po niya, eh," panimula ni Elsa.

Nakabalik agad si Miguel sa puwesto ng dalaga. "Narito pa ako, Elsa. Akin na ang telegrama," dire-diretsong sinabi ni Miguel.

Pagkakuha'y binuklat agad ni Miguel ang telegrama. Mula 'yon kay Mang Emil.

Hindi daw ito makatawag sa telepono. Nadukot sina Aurelia at Julian...

Napahampas pa si Miguel sa pasamano ng counter na siyang gumulat kay Elsa.

"Ah, Señor,  okey lang po ba kayo?"

Pinagmasdan lang ni Miguel si Elsa. Nanginginig na sa nerbyos at galit ang batang ginoo. Pasitsit siyang nagsalita uli. "Maaari ba akong makitawag uli, Elsa? Huli na ito, pakiusap."

Pinaunlakan naman siya ng receptionist.

Tinawagan ni Miguel ang kanilang tirahan sa San Gabriel. Mukhang walang kaalam-alam ang utusang nakausap niya dahil kampante lang itong nagtanong kung ano ang kailangan ng batang ginoo. Ipinatawag niya agad si Mang Emil.

"Señor Miguel." Halata ang pagkabalisa sa boses nito.

"Kailan pa sila nadukot?"

"Kahapon po. Minabuti ko pong hindi muna ipaalam sa lahat ang tungkol sa nangyari habang hindi pa po kayo nakakabalik."

"Bien. Mabuti po kung ganoon. Sige po, pauwi na po ako riyan. Hintayin na lang po ninyo ang pagdating ko. Saka po tayo kikilos. Pero mabuti po'y iulat na po ninyo ito sa pulisya."

"Ngunit, Señor—"

"Sige na po, Mang Emil."

Ganoon na natapos ang usapan. Nagpasalamat muli si Miguel kay Elsa. Saka siya humayo. Hindi na siya dapat magpapatumpik pa; nasa peligro na ang kanyang mag-ina.

"Miguel," tawag ng isang pamilyar na boses bago siya makalabas ng hotel.

Si Serafin 'yon.

Lumingon lang si Miguel.

"Uuwi ka na?" tanong pa nito habang nakahabol sa batang ginoo.

Tumuloy si Miguel sa paglalakad. "Oo."

"Sabay na tayo. Mamaya na rin sana ako uuwi eh."

"Pasensya ka na, Serafin. Kailangan ko nang makauwi agad. Dinukot lang kahapon sina Aurelia at Julian." Huminto sila sa harap ng hotel para makapag-abang si Miguel ng masasakyang taksi papunta sa istasyon ng tren.

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon