XXII ~ Capitulo Ventidos

1K 30 11
                                    

XXII ~ Capitulo Ventidos

Madaling lumipas ang tatlong araw ng konferensya. Dinaluhan ni Miguel ang bawat aktibidades. Pinilit niyang makinig nang maigi sa mga seminar kahit may mga oras na ninanais ng isipan niyang lumutang sa ere. Nakikihalubilo naman siya sa ibang mga nagsipagdalo doon. Minsan pa nga ay may batang biyudang bahagi ng delegasyon na nagpakita kaagad ng maiging interes sa kanya. Mabuti na lang ay madali niya itong napigilan. Marikit at kaakit-akit ang ginang ngunit hindi si Miguel ang tipong papatol sa batang biyuda.

"¿Como estas, Señor Miguel? Kamusta naman ang buhay-buhay natin ngayon?" tanong ni Doña Norma viuda de Nakpil sa batang ginoo. Nagpamalas pa man din ito ng tila nang-aakit na ngiti.

Ya estoy bien, Doña Norma! Maligayang-maligaya ang buhay sa piling ng aking mag-ina."

Ang ngiti ni Doña Norma ay napalitan ng banayad na ngiwi. Pinilit nitong ibalik ang ngiti matapos ng saglit na pagkakatigil. "Pamilyado ka na pala. Ilan na ang iyong supling?"

"Isa. Isang napakasiglang batang lalaki. Ikaw naman, Doña, kamusta?"

"Mabuti naman. Salamat sa pagtatanong."

"Halatang nabawasan na ang interes na naunang kinakitaan ni Miguel sa biyuda. Pabor naman 'yon sa kanya.

May nakikita rin si Miguel na pamilyar na mga mukha. Madalas ay ibang mga miyembro ng kasosyong kumpanya sa negosyo ang ang mga nakakasaluboong niya. Nagkakabatian sila ng mga ito; malas na lang kung halos malimutan na ng batang ginoo ang kanilang mga pangalan.

Buenos tardes, Señor Villegas!" bati ng isang nakatatandang lalaki. Nakasalubong niya ito nang minsang nilisan niya ang restawran ng hotel. Kabilang ang ginoong 'yon sa mga pamilyar ngunit 'di-mapangalanang mukha na nakikita roon ni Miguel.

Hindi na lang niya ipinahalatang nalimutan na niya ang pangalan nitio. "¡Buenos tardes, Señor!" Mukhang 'di rin 'yon napuna ng ginoo. Nginitian siya nito bago patuloy na pumasok sa loob ng restawran.

Basta na lamang napatda si Miguel nang mahagip ng mga mata niya ang mas malapitang imahe ng ginoo. Nilingon niya ito at nakitang nakahanap agad ito ng mauupuan. Sa huling beses, sinulyapan ni Miguel ang mukha ng nakatatandang lalaki. Saka siya nakadama ng kakaibang pagtataka.

Oo nga, pamilyar na sa kanya ang mukhang 'yon. Bukod doon ay parang may dating sa tingin ng mga mata nito na nakita na ni Miguel sa iba pang napakaraming pagkakataon bukod sa paghaharap nilang 'yon. Na siya namang lalung nakapagtataka dahil sa pagkakatanda niya ay iilang beses pa lang niyang nakaharap ang señor na nakasalubong lamang niya. Doon pa nga lang niya napagtanto ang kanyang pamilyaridad sa hitsura nito.

Bumuntong-hininga si Miguel at nagpatuloy sa paglakad niya. Wala pa siya sa edad na treinta años pero parang napakatanda na niya para maging ganoon ka-ulyanin.

════

Sa pangalawang pagkakataon, dinala ni Serafin sa kanilang usapan ang tungkol sa alok nitong dati nang naipaalam kay Miguel.

"Nakapagdesisyon ka na ba sa ini-alok ko sa iyo dati?" marahang itinanong ni Serafin kay Miguel. Naghahapunan sila noon. Katatapos lamang ng ikalawang haraw ng konferensya.

Huminto si Miguel sa kanyang pagkain. "Alam mo Serafin, sa totoo lang eh... Hindi ko pa napapag-isipan uli nang maigi ang tungkol dito. Marami lang akong inaasikaso nitong nakaraan. Pasensya ka na."

"Naiintindihan ko, Miguel. Basta kapag nakapagdesisyon ka na, sabihin mo lang sa akin."

"Wala ka bang ibang pinag-alukan na?" Naiintriga si Miguel kaya niya 'yon natanong.

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon