XI ~ Capitulo Once

1.4K 44 6
                                    

XI ~ Capitulo Once

Linggo. ‘Yon ang mismong araw pagkatapos ng pista ng San Gabriel. Nagbalik na sa normal ang lagay ng bayan. Bagaman hindi pa ganap na nai-alis ang mga palamuting bakas ng nagdaang kapistahan, maging mapayapa na ang kapaligiran dito.

Gaya ng dati, tahimik na naman ang halos bawat sulok ng mansyon ng mga Villegas. Ganoon talaga sa tahanang ‘yon lalu na’t oras ng siesta.

Palibhasa’y mapag-isa at walang makausap si Aurelia kaya nagpalakad-lakad lamang siya sa bakuran ng tirahang ‘yon. Napag-isipan din niyang dumiretso na sa may patio malapit sa hardin, kung saan presko ang ihip ng hangin. Imbes na magsiesta, magpapalipas na lang siya ng oras doon.

Mapag-isa na muna ang dalaga para sa hapong ‘yon. Umalis kasi si Miguel dahil may pinaasikaso dito si Doña Consuelo ukol sa mga trabahador sa knailang mga taniman; nag-umpisa na ang kanyang asawa sa pagtulong sa pag-aasikaso ng mga kabuhayan nila. Samantala, marahil ay nagsisiesta pa ang kambal bago muling lumisan ang mga ito pabalik sa kanilang mga inuupahang tirahan; may klase na ang dalawa pagdating ng Lunes. Ayaw namang mang-istorbo ni Aurelia sa mga utusan―kaya nga’t hayun na siya, nagsasarili na muna.

Pagkarating sa patio, natanaw ni Aurelia ang kanyang bayaw na si Cornelio. Nag-iisa lang din itong nakatayo sa may hardin. Nilapitan na ito ng dalaga. Mukhang may makakausap na rin pala siya kaysa maging mapag-isa.

“Cornelio, nariyan ka pala,” bati ni Aurelia sa kanyang bayaw.

Hinarap siya nito. “Hola, Aurelia,” nakangiting wika ng binata. Inilibot nito ang tingin sa kinaroroonan nila. “Naparito ka? Bakit hindi mo kasama si Kuya Miguel?”

Kung anu mang meron sa huling tanong ni Cornelio, basta na lang kinabahan si Aurelia pagkarinig sa ngalan ng kanyang asawa. Sinagot niya ang katanungan ni Cornelio. “Wala ang Kuya mo. May pinaasikaso lang sa kanya ni Doña Consuelo doon sa taniman ninyo sa may kabilang bayan. Tumutulong na rin si Miguel sa pag-aayos ng mga bagay-bagay doon. Ikaw, bakit nag-iisa ka naman dito?”

“Nagpapahangin lang. Nilulubos ang nalalabing mga minuto ko dito sa mansyon bago bumyahe uli papabalik sa escuela.”

Wala munang umimik sa kanilang dalawa. Nanatili lamang silang nakatayo sa gitna ng halamanan. Hanggang sa:

“Ahm... May gusto sana akong itanong sa iyo,” pambungad naman ni Cornelio.

“Tungkol saan?”

“Tungkol sa inyo ni Kuya Miguel.”

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon