Paunawa Para sa mga Mambabasa ng Tú Es Mi Amor

909 15 0
                                    

Gusto ko lang pong humingi ng dispensa kung hanggang ngayon ay natatagalan pa rin ang pagdating ng updates ng mga capitulo para sa kuwentong ito. Marahil, ang iba sa inyo ay naka-abang na, hindi lang umaalma (sabihin na lang ninyong “Oo” para hindi naman ako magmukhang echuserang froglet neto. Hahaha). Pasensya na pong talaga. Hanggang ngayon kasi ay may hang-over pa ako sa summer kamp na dinaluhan ko lang kaya hindi ko pa rin magawang makapag-return of the comeback nang lubusan. Charot lang ule. Hehehe.

Eto, seryoso nang talaga. Sa kasalukuyan po kasi ay kinakaharap ng inyong abang-lingkod ang dalawang major, major ― I mean ― problems  at apektado ng mga major, major ― I mean ― problems  na ito ang progreso ng pag-usad ng kuwento.

Unang-una sa lahat ay may technicalities lang po na na-encounter ang inyong abang-lingkod. Parang ayaw talaga sa akin ng gadgets na napapasakamay ko. :( May sira lang po ‘yung computer na ginagamit ko sa pagsave ng docs na siyang ina-upload ko para sa updates. Hindi tuloy ako makapagconnect sa Internet gamit ang broadband. Wish ko lang may malapit na WiFi spot dito sa amin sa probinsya, ‘yung tipong hindi ka masisita kapag nahuli kang nakikisagap ng signal? HOHOHO (Kung naiisip ninyong i-suggest ang internet cafés para sa pag-update, well, naisip ko na rin naman ‘yun. But I’d rather not resort to that. Hassle kasi ‘yun masyado para sa akin. Not to mention, magastos pa masyado. Fix me, I’m BROKE ang drama ko ngayon, wahaha).

BTW, sino ba sa inyo ang marunong magreformat ng laptop computer? ‘Yun daw ang isang last resort para ma-restore ang USB ports na nagloloko. :| Sabay ganun talaga, e nuh?

Pangalawa naman... Ay, mali. Joke na lang pala ‘yung pangalawa. Weeks ago, akala ko kasi e nawawala na ‘yung iba sa original drafts ng kuwento, na kailangan ko para sa pagpapatuloy ng mga capitulo. As it turns out, hindi pala talaga nawawala ang mga ito. Nagkamali lang pala ako ng lugar na pinaghanapan (ang hirap talaga ng NPA ka na, tapos lutang ka pa. XD). Saktong habang sinusulat ko mismo ang paunawang chorvang ito, nagpakita ‘yung mga drafts na ‘yun. AS IN. Pang-asar lang, e nuh? Pwede namang mag-share, ‘di ba? Hahaha. At least, hindi ko na kailangan pang gumawa ng panibagong capitulo para sa nalalabing bahagi ng Tú Es Mi Amor (buti na lang at HINDI AKO NAGTULUY-TULOY SA PLANO KONG ‘YUN!).

So, in conclusion, isa na lang pala ang major, major ― I mean ― problem na ikakakunsume ko hanggang sa puntong ito. Sana ay maresolbahan na ito agad sa lalung madaling panahon. Meanwhile, pipilitin ko na ring matapos ang mga capitulong bumubuo sa nalalabing bahagi ng Tú Es Mi Amor.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa... At maraming salamat din po sa pagtangkilik ninyo sa kuwento nina Aurelia at Miguel. Enjoy-enjoy na lang muna! :)

- May-Akda

mula sa Presidential Hometown

05.10.2012 [2:19 AM]

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon