XXVIII ~ Capitulo Ventiocho

1K 39 4
                                    

XXVIII ~ Capitulo Ventiocho

Hindi pa ganap na naghihilom ang lahat ng bakas ng nagdaang trahedya matapos ang limang linggo, subalit wala namang sapat na dahilan para huwag matuloy ang pagdiriwang ng kasiyahan ng mga Villegas.

Ika-2 ng Abril, 1938 ang siyang petsa para sa dalawang selebrasyon. Una, ang ika-apat na anibersaryo ng kasal nina Aurelia at Miguel. Ikalawa, ang ikadalawampu't apat na kaarawan i Aurelia. Kagaya ng nakagawian nila sa mga naunang beses, pinagsabay na nila ang pagdiriwang ng mga naturang okasyon.

Sa Faustina nakatakdang ganapin ang mga pagdiriwang sa ganap na alas seis y media ng gabi. Ipinareserba ng mag-asawa ang maliit na bulwagan sa loob ng restawran para sa okasyong 'yon. Mas pinili nilang doon muna uli magdaos, tutal ay hindi karamihan ang mga inimbita nilang panauhin. Sapat na ang gayak na napili nilang lugar para sa kanilang selebrasyon. Bukod pa riyan, itinuturing din nilang espesyal ang Faustina. Doon ba naman nagsalo sina Aurelia ang kanilang unang pananghalian bilng mag-asawa, sa petsa rin ng kaarawan ni Aurelia, apat na taon na ang nakakaraan.

Halos kumpleto na ang lahat ilang minuto pagkatapos ang takdang oras ng selebrasyon. Naroon na ang mga panauhin maging ang ibang mga miyembro ng kanilang pamilya. Buhay na buhay na ang atmospera dulot ng napapanahong tugtuging jazz mula sa banda, kasabay ng mahinahong usapan ng mga taong nasa bulwagan.

Sa wakas ay nagsidating na ang pinakahihintay ng lahat. Hayun na sa kani-kanilang mga pormal na kasuotan ang mag-asawang Aurelia at Miguel. Akay ng batang ginoo ang kanilang unico hijong si Julian, kagaya ng karamihan sa mga nakababatang panauhin, moderno at Kanluranin ang disenyo ng kasuotan nilang tatlo. Halos magkaparehas pa ang hitsura ng kulay asul na tela ng kanilang mga damit. Bagaman ay simple na ang kanilang ayos, sadyang magarbo ang dating ng mag-anak dahil sa ngiting kanilang ipinamalas.

Kasunod ng tatlong Villegas ay ang pagpasok ni Mang Emil. Naroon ito hindi lamang bilang gampanan ang dating gawain nito. Nararapat lamang na magkaroon ito ng lugar para sa pagdiriwang na 'yon. Napakalaki ng tulong na nai-ambag ng presensya ng nito sa pamilya ni Miguel, lalo na sa mga naganap noong nakalipas na buwan. At dahil doon, nakatanggap pa ito ng regalo mula sa mga amo—panibagong relos at pares ng kasuotan na parehas nitong ginamit para sa okasyon.

Sila na lamang ang hinihintay para tuluyang mag-umpisa ang isang gabing punung-puno ng salu-salo, sayawan at kasiyahan.

Naroon ang iba pang mga Villegas at ang kanilang mga kaanak, gaya na lang ng kambal na Anita at Cornelio kapiling ang kani-kanilang mga katipan. Siyempre, naroon din si Doña Consuelo na katulad ng ibang kahenerasyon nito ay mas komportable sa kasuotang tradisyunal na Filipiñana. Kausap ng matriarka ang panauhing mag-asawang Lucero.

Matapos ang mga paunang pagbati, nagpaalam muna si Miguel sa pamilya sa pamilya at ibang panauhin. Kailangan niyang mahanap ang isa pang Lucero, si Serafin. Nangako itong dadalo sa selebrasyon, ngunit hindi na ito magtatagal pa. Nais lang daw nitong makausap si Miguel sa kahit anong masinsinang paraan.

Natagpuan na ni Miguel ang hinahanap nang mapadpad siya sa palikurang panlalaki. Nasa labas 'yon ng bulwagan. Doon na sila nakapag-usap tutal ay wala nang ibang kustomer doon.

"Ano naman ang pag-uusapan natin ngayon, Serafin?" Hindi pa talaga sila muling nagkaka-usap nang maigi mula nang huli silang nagkasama sa Culiat.

"Gusto ko lang na magkalinawan tayo, bago ako tuliyang lumisan uli pansamantala."

Parehong nakaharap sa salamin ang dalawa, nagkatinginan sa kani-kanilang repleksyon habang nag-uusap.

"Lumisan muli, pansamantala?" Kumunot ang noo ni Miguel.

"Oo. Bueno, bago pa malihis ang ating usapan. Nais ko sanang mabigyan ng nararapat na konklusyon ang dati nang ini-alok kosa iyo na pakikipagsosyo," pormal na saad ni Serafin. Pinatag pa nito ang nakapomadang buhok saka inareglo ang kuwelyo ng polo nito. "Kung talagang hindi mo ako mabibigyan ng direktang kasagutan eh hindi ko na rin itutuloy ang pag-alok sa iyo."

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon