XVI ~ Capitulo Dieciseis

1.2K 40 2
                                    

XVI ~ Capitulo Dieciseis

Bahagyang nagka-iwasan ang mag-asawa matapos ang kanilang pinakahuling usapan. Isa ‘yon sa mga pagkakataon kung kailang kahit parang wala namang nangyaring iringan, halos hindi naman magkapansinsan ang dalawa. Hindi ‘yon ang unang beses na nagkaganoon ang lagay ng mga pangyayari subalit malayu-layo pa ‘yon sa pinakahuling beses na maaaring dumating. Kung tutuusin, umpisa pa lamang ‘yon ng mga serye ng iringan at pag-iiwasan ng mag-asawang Villegas.

Nag-umpisa na ring bumalik sa normal ang mga bagay sa pagdaan ng oras―ganyan naman ang nagiging takbo sa mga naunang hindi-pagkakaintindihan nina Aurelia at Miguel. Kahit paano ay gumanda na ang aura sa paligid nilang dalawa bagaman hindi sila ganap na nagkaayos.

Kakasimula ng siesta ni Julian sa hapong ‘yon. Sina Aurelia at Miguel mismo ang nag-asikaso sa bata. Magpapahinga na sana ang dalawa nang nag-umpisa na si Miguel sa paglalambing nito sa kabiyak.

“Aurelia,” sitsit ni Miguel. Sinamyo pa niya ang halimuyak ng buhok ng asawa sabay palupot ng mga braso sa baywang nito. “Masyado ka naman yatang nawiwili sa pagmamasid kay Julian; nalilimutan mo nang ikaw din ay may sariling siesta.”

“Oo nga, eh. Kay bilis lang talaga ng panahon. Parng kailan lang nang bagong-panganak pa itong si Julian. Ngayon, nakakatakbo’t nakakapagsalita na rin siya.” May bakas ng pagkamangha sa boses ng batang ginang.

Niyakap ito ni Miguel. Ilang beses din niya itong hinalikan sa tenga bago bumulong, “At mamayang kaunti ay mabibigyan na rin siya ng kanyang kapatid...”

“Miguel,” wika naman ni Aurelia. Dahil doon, napurnada na ang isang halik na ibibigay sana ni Miguel dito. Nagtungo na sila sa sarili nilang silid, sa tabi ng kanilang higaan. Pagkarating ay muli itong niyakap at hinalikan ng kabiyak.

Ipinalibot na rin ni Aurelia ang mga braso nito sa katawan ni Miguel. Gumaganti din ito sa bawat hagod na ipinapamalas ng batang ginoo.

“Aurelia... Aurelia... Kailan ba ang huling beses na nayakap kita nang ganito?”

“Dalawang linggo?” mahinang sagot ni Aurelia.

“Ha?” dagling huminto si Miguel. Bumalik din siya sa pagsakop ng mga halik sa leeg pati balikat ng asawa. “Bakit parang dalawang buwan na...”

Nagpatuloy lamang sila nang walang imik hanggang sa muling nagsalita ang batang ginoo. “Mahal ko, may isa pa din sana akong katanungan.”

“Oh... Kailangan mo na ba talaga ang kasagutan ngayon din?”

“Kung pwede sana.”

“Kung gayon, ano ang katanungan mo?”

Panandaliang dinala ni Miguel ang kanyang halik sa labi ng asawa habang ito nama’y mahina nang umuungol. Marahan pa niyang kinagat-kagat ang mga gilid nito saka na nagtanong. “Maaari na ba nating sundan ng isa pa si Julian?” Naunsyami pa ang pagresponde ni Aurelia nang itinuloy pa niya ang pagsiil ng mga halik dito.

Pagkarinig na pagkarinig sa tanong ni Miguel, madaling nanlamig si Aurelia. Tila ba natigilan ito. Medyo lumuwang ang mahigpit na sanang kapit nito sa asawa. “Hindi ba’t sinasabi ko naman sa iyo na huwag muna ngayon? Hindi dahil sa ayokong talaga. Ngunit, hindi pa rin ako handa pagkatapos ng mga nangyari.”

Noong nakaraang taon lamang ay nakunan si Aurelia sa ipinagbubuntis nitong ikalawang supling na sana nila ni Miguel. Halos limang buwan na ang pagdadalantao ng batang ginang nang maganap ang trahedyang ‘yon. Sadya silang naapektuhan sa nangyari, lalu naman ang batang ginang. Pagkatapos noon ay hindi muna nito hinangad na minsan pa’y magbuntis. Naroon na kasi ang takot sa kalooban nito na baka maulit lang ang insidenteng dinanas na nito.

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon