06.12.2012: Viva Las Islas Filipinas (Pasasalamat)

1.3K 25 13
                                    

I.

Sapagkat ika-isang daan at labing-apat na anibersaryo ng kasarinlan ng bansang PIlipinas, MALAYA AKONG MAGING ECHUSERA ULI. XD

Halos katatapos lang ng nth draft ng mga pinakahuling Capitulo ng Tú Es Mi Amor; subject for revision pa ang lahat ng mga 'di pa naipapaskil na Capitulo nito (Hashtag: MedyoOcOc). Ngunit sadyang napakadakilang echusera ng inyong abang-lingkod, at kahit naninigas na ang kamay ko sa kakasulat, napagtripan kong idagdag na rin ang ka-echusang ito.

Hayaan ninyo akong magpaabot ng taos sa puso't balun-balunang pasasalamat sa inyong lahat na tumangkilik at sumuporta ng Tú Es Mi Amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw]. Naipahayag man o hindi ang pagsuporta, 'di bale; maraming salamat pa rin! Sa bawat numerong nadagdag sa bilang ng reads at votes ay napapatumbling na ako sa kaligayahan. Sa mga mensaheng naiwan sa comment box o message board, lalo naman akong napapa-somersault sa kagalakan. Ganyan kababaw ang kasiyahan ko e. Haha. :D

Gusto ko na ring idamay dito si Maestro Miguel "Mike" Velarde, Jr.―'yung kompositor noong araw, hindi ibang tao po. Maraming salamat sa kanya, nagkaroon na pala ng paksang-himig (theme song) ang kuwentong ito.

Sa wakas, may natapos na uli akong kuwento. Ang dami-daming dagdag-bawas na nangyari dito, sa paniniwala kong makakatulong 'yon sa takbo ng kuwento. Sana, makapagdala ng positibong resulta ang dagdag-bawas na nabanggit.

Sanay ay nagustuhan ninyo ang naging kuwento nin Aurelia at Miguel Villegas. Para sa mga nag-aabang diyan (wish ko talaga eh meron, lolz), ito pa lang ang simula ng yugto ng mga panibagong kuwento mula sa inyong abang-lingkod. Excited na ako, matagal na. Sana hindi lang ako ang mag-isang nae-excite ngayon. XD

Muli't muli, MARAMING SALAMAT PO! Ad majorem Dei gloriam!

-Ang Echuserang Froglet na May-Akda

Sa Sister City ng Joseon, SK

06.12.2012

═════

II.

Ilang araw bago ko maipaskil ang pinakahuling kabanata ng kuwentong ito, paulit-ulit ko nang naiisip kung ano pa ba ang dapat kong idagdag sa mensaheng nasa itaas. Pakiramdam ko, kailangang may maidagdag ako. Kaya lang, kahit ilang ulit ko yatang ulit-ulitin ang pag-iisip tungkol dito, hindi ko pa rin malalaman kung ano pa ba ang dapat kong ichika sa inyo.

Sigur, naba-blangko lang ako; nawala na sa isip ko 'yung mga gusto ko pang idaldal sa inyo sa itinagal-tagal ng pagdating ng araw na ito. O, baka umiiral lang uli ang trademark kong delayed reaction kaya ganito.

May chance.

Kaya hayaan na ninyo akong maging REDUNDANT.

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!

Maraming salamat sa bawat isang nag-ambag ng numerong nakalaan sa reads, votes at comments.

Maraming salamat sa mga nanatiling nakasubaybay hanggang ngayon, sa kabila ng matagalang panahong lumipas bago madugtungan ang bawat capitulo.

Maraming salamat kahit na iilan lang ang ganap na nagpahayag ng kanilang appreciation sa kuwentong ito.

At maraming salamat dahil hindi kayo naging demanding para sa darating na mga capitulo. Haha, sabay ganun, eh.

Maraming salamat sa pagpapakita sa akin kung bakit, sa kabila ng kung anuanong gulong umeeksena dito sa Wattpad, dapat pa rin akong magpatuloy sa pamamahagi ng kaechusan ko dito. Oh ha. Meganon? Saan pa kayo? Dito na kayo! :D

Unlimited ito to all networks pa, kaya MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT! Muchas gracias, amigos y amigas. ¡Vaya con Dios!

-Ang Echosera pa ring May Akda

Mula sa Presidential Hometown

10.19.2013

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon