Segunda Parte (Ikalawang Bahagi): VI ~ Capitulo Seis

2.3K 66 59
                                    

Segunda Parte

(Ikalawang Bahagi)

***

VI ~ Capitulo Seis

San Gabriel, 1934.

Iyon na nga ang unang gabi nina Miguel at Aurelia bilang mag-asawa.

Hindi pa rin nila magawa na maging ganap na komportable sa piling ng bawat isa, lalu na’t silang dalawa lamang ang magkasama. Naroon pa rin ang pagka-ilang ni Aurelia at ang pang-uusig ng konsensiya ni Miguel; pagka-ilang sa una, dahil na rin siguro sa paghalik dito ng napangasawa; pang-uusig ng konsensiya para sa pangalawa, dahil sa pagdudulot sa dalaga ng kalungkutan sa pag-iisip na siya ang nagsangkot dito sa sitwasyong ‘yon.

Gayun pa man, naging pursigido si Miguel Villegas na pagaanin ang kalooban ni Aurelia Galvez-Villegas, at nang makapagtaguyod ng isang maayos na relasyon sa pagitan nilang dalawa. kahit na ba bilang mabuting magkaibigan na lamang sila. Sa tingin ni Miguel, magiging mas maayos ang takbo ng mga bagay-bagay sa ganoong paraan.

Nasa malaking silid-tulugan ang dalawang bagong-kasal. Naguguluhan pa rin sila sa pagsasaayos kung paano nga ba sila matutulog para sa gabing ‘yon, hanggang sa magbigay na ng suhestiyon si Aurelia.

“Miguel, kung hindi mo naman mamasamain, sa sofa na lamang ako matutulog,” sitsit ni Aurelia, nagbaba pa ng tingin. “Hindi din kasi ako sanay na may katabi sa pagtulog, eh.” Inabot nito ang isang unan at kumot mula sa malaking kama, akmang magtutungo na sa kabilang bahagi ng silid kung nasaan ang sofang tinutukoy ng dalaga.

Si Miguel naman ay nakaupo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang napangasawa.

Napahinto si Aurelia sa paglalakad nang mapagtanto nitong nakamasid na pala ang binata.

Nagtagpo na ang kanilang mga mata. Wala munang umimik, ni kumilos man lang. Pagkakataon na ‘yon ni Miguel upang tingnan nang mabuti si Aurelia.

Kagaya ng dati, nakalugay lamang ang mahaba at alun-along buhok nito. Yari sa kulay berdeng seda ang bestidang pantulog nito; lampas-tuhod ang sukat at bahagyang ipinapakita ang hubog ng balingkinitang pangangatawan ng dalaga. Wala din palang suot na sapin sa paa si Aurelia.

Iba ang imaheng nasa harapan niya kaysa Aureliang nakagisnan niya noong piging at seremonya ng kasalan. Nagawang maging glamorosa ng kanyang napangasawa sa mga okasyong ‘yon. Bagaman minsan na niyang nakita ang dalaga sa simpleng pananamit nito, ngayon na lamang tuluyang nasabi ni Miguel sa kanyang sarili na may angkin ding tunay na kagandahan itong si Aurelia, dulot na rin ng kombinasyon ng inosenteng aura sa presensya nito, na lalung pumukaw sa atensyon ni Miguel.

“Ay.” Nagbaba muli ng tingin itong si Aurelia. Kung hindi nagkakamali si Miguel sa nasilayan, namumula na ang mga pisngi ng dalaga. “Kung hindi mo lang naman mamasamain...”

“Ayos lang sa akin ‘yon, Aurelia,” wika ni Miguel. Napatingin na naman sa kanya ang napangasawa. Muntik na siyang mapahinto sa pananalita nang muling magkita ang kanilang mga mata.

Kumurap-kurap muna si Aurelia. Pagkatapos, humablot ito ng isang pares ng kumot at unan. Tuluyan na siyang lumisan, bitbit ang mga kagamitang pantulog nito.

“Sandali lang, Aurelia.” Napatayo ni si Miguel mula sa kanyang kinauupuan.

Huminto ito sa paglalakad at lumingon sa kanya.

Nag-umpisa nang magsalita si Miguel kasabay ng mabagal na paglapit kay Aurelia. “Gusto mo bang sa ibang silid ka na lamang matulog? Parang hindi yata komportable kung sa sofa ka lang mahihiga.”

Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon