Chapter 1 - "The Flashback Starts"

102K 1.1K 36
                                    

HINDI MO MAIINTINDIHAN ANG MGA MANGYAYARI KUNG HINDI MO BABASAHIN TO.. Nagkakaintindihan ba tayo? Hahaha! Choz lang yang init ng ulo.

Yung prologue po ay ang nangyari sa PRESENT TIME at ang mga susunod na chapters ay puro flashback muna kung paano dumating yung situation na yun kay Yuri... okayzzzz??? :)) Malalaman niyo naman kung nasa present na ulit :) SALAMAT :)))

*******************************

*4 Months Ago.... June (First Friday)

Yuri's POV

"Sorry miss, hindi na kami tumatanggap ng late enrollees. Matagal nang rule yan dito, dapat alam mo na. Incoming fourth year ka na diba?", sabi nung babaeng paling ang drawing sa kilay sa registrar's office.

"Eh miss, kung matagal na pong rule yan dito, edi sana PO hindi na ko nakapag-enroll last year.", pilit kong nagpapakabaet kaya may "PO". Tssss, YURI MAGANDA KA...... INHALE, EXHALE!!!

Pasukan na kasi sa Monday, kaya lang, ngayon lang ako nagkapera dahil matumal ang raket ko these past few days.

"Pwede ko PO bang makausap si Mr. Henares?", ahem, si Mr. Henares ang isa sa mga head dito sa Fairmont University. Alam niyo na siguro ang plano ko. Ano pa nga ba, edi ang MISSION BITCHY WITCH. Ginawa ko na to last year kaya nakapasok ako dito.

"Ang kulit mo naman miss eh, busy si Sir.", at talagang iniinis ako ng babaeng to ha! If i know, insecured lang to sa beauty ko.

Magtataas na sana ako ng isang kilay para tarayan tong si Ms. Paling-Kilay nang makita kong papalapit dito si Mr. Henares na galing sa may Accounting Office at may kasamang............... OW MY GAAAAAAAD!!!! SI CHAD!!!! Si Chad na super hunk, cute, handsome, genius, model student, president ng student council, president ng BS Information Technology Class A, in short, si MR. PERFECT na THREE YEARS, ONE MONTH AND SIX AND A HALF DAYS KO NANG CRUSH!

"Ah, ate matagal ka pa ba jan? Humahaba na pila dahil sayo eh.", umbagan ko kaya tong nasa likod ko? Panira ng kilig momentum eh. AZAR!!! Inhale... Exhale.... Sabay harap kay Ms. Paling-Kilay...

"Busy pala PO ha? *smirk-tayo-hawi ng hair-irap-RAMPA*", pigil na pigil akong tumakbo dahil todo rampa ako papunta kay love of my life! :) Kembot dito, kembot dun and Boom! Sexy Yuri style!

"HI CHAAAAAD!", todo smile at kaway pa ko niyan ha. And yes, magkakilala kami dahil mula First Year College ay kaklase ko siya, kaya hindi ako papayag na hindi ako makaenroll sa University na to kahit saksakan at ubod ng mahal ang tuition.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon