Chapter 4 - "First Day - Part Two"

52.4K 736 30
                                    

[a/n: Dedicated to sayo dahil sa walang sawa mong pagcocomment at pag vote sa story ko. Sobrang thank you girl! :))) Lovelots! Hope we could be friends...] 

Yuri's POV

"Anjan na si sir!", sigaw nung wangwang ng klase namen. Siya yung nakaupo malapit sa pinto ng classroom. At dahil nga palapit na si sir, umayos na kami ng pwesto sa kanya kanyang upuan.

Prof pala namin tong nababalitang bago daw. Infairness, ang gwapo niya ha. SWEAR! Ang bata pa ng itsura, parang kaedad lang namin.

"Okay class, let me introduce myself. I'm Gio Madrigal and I'll be your professor for this subject, Software Engineering. Blah.... Blah... Blah...", hindi na ko nakinig, intro lang naman to sa subject. mas makakabuti pa saken kung tititigan ko nalang ang sexyng likod ni Chad my loves. WAAAAAH! parang ang sarap singhutin nung batok niya! HAHAHAHA!! Ang puti kasi eh. Umaabot pa sakin yung amoy nung cologne niya.

*Knock Knock!

Natigil naman ang pagde-daydream ko about Chad my loves nang may kumatok na isa pang officer ng student council. Nakalimutan ko pangalan eh. Pasenya naman, sadyang makakalimutin lang ako pagdating sa pangalan. Lumapit si sir dun sa babae, tapos nag-usap sila saglit.

Hindi na ko makapagpigil! kasi naman, napakaHOT ng nasa harap ko eh. This is it... INHALE, EXHALE... Nilapit ko yung bibig ko sa tenga niya habang nakatalikod siya...

"Hi Chad!", bulong ko SABAY SINGHOT! hahaha!. Siniguro ko munang mabango hininga ko. Mahirap na baka maTurn off! Hahahaha! Halata namang nagulat siya kasi nailayo niya yung tenga niya sa akin.

Pero ano pa nga ba aasahan ko dito? EDI WALA! NO COMMENT! NO REACTION! halikan ko kaya to bigla para magreact? Hahaha!

"Okay, class. Listen..", napatingin naman kami kay sir na nasa harap na pala ulit ng klase. Umayos na din ako ng upo. lahat naman kami ay tumahimik at naghihitay ng sasabihin ni sir.

"This might be too early, but the school administrators announced that we need some representatives for the upcoming interschool competition that will be held next week. Alam kong masyadong madalian to, pero maraming events ang kailangang salihan."

Ayan po yung sinabi niya. At dahil nga bago siya, hindi niya pa siguro alam na every year talaga nagaganap ang interschool competition na to at MADALIAN talaga. As in first week ng pasukan. Swerte pa nga ngayon dahil 2nd week pa gagawin eh. Teka lang, BAKIT KO NAKALIMUTAN NA MAY EVENT NGA PALA NA GANITO! Sasali ako sa cheering competition. BWAHAHAHA! Dun syempre ako s pangBITCH na event.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon