Chapter 39 - "The Bitch is Back"

32.4K 513 17
                                    

Jasmine's POV

"AYOKO NGANG PUMASOK! ANG KULIT NAMAN E", sigaw ni bestfriend habang nasa loob ng kwarto niya, nakadapa sa kama at nakatalukbong ng kumot.

Lumabas ako sandali dahil kailangan ko ring maghanda sa pagpasok sa school dahil Lunes na naman ngayon at finals na namin. Isang linggo na siyang ganyan, nakakulong sa kwarto, hindi pumapasok sa school, hindi nagsasalita masyado at kumakain lang minsan pag nagutom na talaga siya.

*BLAAAAAAAG!

Napatakbo ako nang wala sa oras papunta sa kwarto ni bestfriend nang makarinig ako ng malakas nga kalabog sa may pinto. Pag bukas na pag bukas ko ng pinto..........

"SINABI NANG AYOKO! UMALIS KA NA!", at may nakita pa kong lumilipad na picture frame! Buti nalang kalahi ko si darna kaya nakailag ako sa flying saucer.

"Pero Kiana finals natin ngayon. Kung hindi ka papasok, hindi ka makakapag enrol sa 2nd sem. At hindi ka makakagraduate!", paliwanag naman ng damuhong to sabay lapit ulit sa kama ni bestfriend.

Oo, araw-araw nandito si Lester. Araw-araw niyang pinupuntahan si Yuri bago siya pumasok at nagbabakasakaling mapilit nya to. Si Eyd kasi, sa hapon naman laging dumederetso dito, kasabay kong umuwi galing school. Hinayaan ko nalang din si Lester na pumunta dito dahil nag-iingay lang siya sa labas pag hindi ko pinapasok. At isa pa, halatang nagsisi na talaga siya sa nangyari. Siya rin ang gumawa ng paraan para mawala ang video sa internet. Hindi ko alam kung pano, baka kinausap niya si Mark Zuckerberg para alisin sa facebook ang video. Chos!

"E ANO BANG PAKEALAM MO!", muling sigaw ni bestfriend sabay talukbong ulit ng kumot.

Napatingin saken si Lester na parang humihingi na ng tulong.

"Ay nako! Bahala ka na jan!", pagkasagot na pagkasagot ko ay tinanggal niya ang kumot na nakabalot kay Yuri na nakadapa pa rin sa kama hanggang ngayon. Hinatak niya ang paa nito sabay buhat. Alam niyo ba yung buhat na nakapatong sa balikat nya yung tyan ni bestfriend tapos nasa likod ni Lester yung katawan ni Yuri at nasa harap ang paa. Ay nako, ang hirap iexplain. Basta yun na yun!

"ANO BA! BITAWAN MO KO!", paulit ulit na sigaw ni Yuri habang walang tigil na hinahampas ang likod ni Lester.

Pinanood ko lang kung ano ang susunod na gagawin niya. Syempre naman binabantayan ko pa rin tong damuhong to noh! Baka kung ano nanaman gawin sa bestfriend ko. At ayun nga, naalarma ako nang bonggang bongga na ideretso niya sa banyo si bestfriend kaya patakbo akong sumunod. Naabutan ko namang pinagpapapalo pa rin ni Yuri si Lester habang binababa siya sa bath tub.

"LECHE KAYO! IWANAN NIYO NA KO!", sabay hampas.

"LUMAYAS KA DITO!", sabay tulak.

"HAYOP KA!", sabay sampal.

Pero hindi naman natitinag si Lester. Ang sakit kaya manakit nitong si bestfriend. Pag nga ako ginugulpi niyan bugbog sarado ako e. Tsk tsk. Kawawang Lester. Pero okay lang yan! Sa bigat ng kasalanan niya kay bestfriend, parang gusto ko na ring makisali sa pananakit pag naiisip ko e. Hoooooo!

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon