Chapter 29 - "Torn Between Two Lovers"

29.9K 455 16
                                    

Yuri's POV

"Kiana.....", sabay kaming napalingon ni Chad sa pagtawag ni Lester bago pa kami makapasok sa loob ng gate ng apartment namin. As usual, todo nanaman ang ngiti na makikita mo sa mukha niya. Nakatayo lang siya sa may tindahan sa tapat ng bahay namin at umiinom ng softdrinks.

"L-lester.", nauutal pang sabi ko sabay tingin pa kay Chad. Naramdaman ko naman bigla ang paghawak niya sa kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya. Hawak kasi ng kanang kamay niya ang mga pinamili namin.

Kitang kita ko ang pagbabago ng reaction niya mula sa todo ngiti hanggang sa pagtataka nang bumaba ang paningin niya sa magkahawak na kamay namin ni Chad.

HINDI PA NGA PALA NIYA ALAM NA KAMI NA!

Matagal-tagal na ring nanliligaw sakin si Lester kahit na sinasabi ko lagi na itigil na niya. Sobrang dalas din kasi naming magkasama dahil sa trabaho kaya kahit pano ay napalapit na ang loob ko sa kanya.

Saglit pa akong tumingin sa mukha ni Chad para makita kung ano ang reaction niya na kaharap namin si Lester ngayon. Pero blangkong ekspresyon lang ang pinakita niya.

Ilang sandali pa ay tumawid siya sa kalsada para makalapit sa gate namin kung saan nakatayo kami ni Chad. INHALE.. EXHALE! Walang nagsasalita saming tatlo. Ang awkward ng situation! Bakit ba ang hirap maging maganda?? Tssss.... 

"Aaaah, Kiana, kanina pa kita hinihintay.", pilit na ngiting pagbasag ni Lester sa katahimikan namin kaya nakahinga ako ng maluwag kahit pano.

"Pare.", sabay baling naman niya kay Chad at pumorma pa na makikipagkamay ngunit tinanguan lang siya ni Chad kaya agad niyang binawi ang kamay niya.

"Hindi ka ba pumasok kanina?", pagbasag ko naman sa namumuong tensyon sa kanilang dalawa.

"Hindi e, nakipagmeeting ako sa manager ng Vintage Mag. Pero sabi naman ni Lian, suspended ang klase diba?", pagtukoy niya sa isa sa classmates namin.

"V-vintage m-mag?", nauutal pang tanong ko. Hindi ko namalayan ang kusa kong pagtingin kay Chad na kinagulat ko naman dahil nakatingin siya sa akin na parang nagtataka.

"Aaah, pare kase, yung Vintage Mag, isa yun sa mga pinakasikat na magazin-----"

"I know.", pagputol naman ni Chad sa sinasabe ni Lester. Hindi ko alam kung napaparanoid lang ako pero tingin ko ay nagkatinginan pa sila ng masama.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon