Chapter 35 - "Her Greatest Downfall"

28.8K 424 26
                                    

Maki's POV

8:00pm

"Bilisan mo magdrive Dude!", sigaw sakin ni Dale habang papunta kami sa ospital. Nasa passenger seat siya at nasa backseat naman sila Enzo, Demi at si Chester na hanggang ngayon ay walang tigil ang pagdurugo ng kanang braso.

"Oo na eto na!", sagot ko naman na tarantang taranta dahil sa pagmamadali ni Dale.

Hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa simbahan pagkatapos nun. Pati na rin ang mama ni Chester hindi namin alam kung nasaan at kung ano na ang ginagawa.

"Please hold on honey!", mangiyak ngiyak namang sabi ni Demi.

"Tssss. Kasalanan mo to!", bulong ni Enzo.

"What? This isn't my fault okay?", maarteng sigaw naman ni Demi.

"Nyenyenye, this isn't my fault.", parang bata siyang ginaya ni Enzo. Kitang kita ko naman sa rear view mirror ang pag-irap ni Demi at halatang inis na inis na. Naramdaman ko rin ang mahinang pagtawa ni Dale sa gilid ko.  Si Chester, hindi pa rin kumikibo pero mukhang okay naman siya.

Nang makarating kami sa ospital, dineretso si Chester sa emergency room habang kami naman ay pinaghintay lang ng mga nurse sa lobby. Bawal daw kasi ang maraming tao sa loob ng ER. Kabadong kabado si Demi pero kaming tatlo, kalmadong kalmado.

"Dude, sure ka bang daplis lang yun?", kami lang pala ni Enzo ang kalmado -_- Paulit ulit akong binubulungan at tinatanong ni Dale kung sigurado daw ba kong daplis lang ang pagkakabaril ko kay Chester.

"Oo nga, kulit!", eto lang naman ang laging sagot ko.

*krriiiiiiiiiiing.... kriiiiiiiiiiiing...*

Napatingin kaming tatlo sa tumunog na cellphone ni Demi. Kinuha nya ang cellphone niya sa bag, pagkatapos ay lumayo sa amin ng konti para masagot niya ang tawag.

"Hello? Papa! Si Chester *sniff* ko nasa ER. I don't know if he's okay. Huhuhu", tssss, kahit kelan talaga nakakainis kaartehan nito. Ang OA e.

"I don't know what to do na papa! If something masama happens to him, I'll never forgive these three idiots.". sabay tingin saming tatlo. -_-

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon