Chapter 8 - "Who is he?"

42.8K 650 42
                                    

Yuri's POV

O___________________O

D-did he just kiss me? SA LIPS? He did the first move right? Hindi ako ang nauna di ba? P-pero wala to sa plano ng performance namin. His lips are so, so.... basta sana hindi nalang matapos to.. Ten seconds, it was just ten seconds but it felt like eternity. Then are lips parted, hindi pa rin nawawala ang titig namin sa mata ng isa't isa... Hanggang sa mamatay na ang spotlight na nakatutok sa amin. Pumapalakpak ang mga tao pero mas naririnig ko ang malakas na tibok na puso ko, ng puso naming dalawa... Ibig sabihin ba nito............

"I.. I did that for the sake of winning", sabi niya sabay lakad papunta sa backstage, naiwan ako sa gitna ng madilim na stage, nakatulala.

Bakit ganon? Di ba dapat maging masaya ako? Pangarap ko nga yun di ba? Pero mali pala ko, mas higit pa pala dun ang pangarap ko, na sana yung halik na yun, may kasamang pagmamahal. Habang kumakanta kami kanina, naramdaman ko yun eh, naramdaman ko na mahal niya ko. Pero lahat pala yun, palabas lang.

Haaaay, oo alam kong maganda ako, sexy at pangarap ako ng lahat ng mga lalaki, pero yung nag-iisang pinapangarap ko, wapakels saken. Haaay buhay, parang life... Tssss. Well, enough for these dramas, napapatagal na masyado eh. Back to reality.

Rumampa na ako papunta sa dressing room, para makapagpalit na din ng damit. Di ako komportable dito sa suot ko, masyadong manang! Haha! Sinuot ko na yung maong shorts ko with suspender, tska isang white na racerback. There! Comfortable and sexy as ever! Pagkabihis ko, sumilip ako sa labas ng dressing room.

"Yuri!", may bigang tumawag sakin, kilala ko yung boses na yun ah! Teka.....

"Waaaahhh! Eyd nakarating ka pala!", oh, naalala niyo pa si Eyd the great ex of mine? Hihihi. Last na nagkita kami, nung first day pa ng pasukan last week. Kasi pinapunta siya bigla ng papa niya sa Japan, as usual, business ek, ek.

"Siyempre naman, kailangan mapanood ko mahal k---- ARAY!", batukan ko nga.

"Mahal ka jan, gagu! O ano, humanga ka nanaman saken.", sabay smirk ko. Ganyan lang talaga kami mag-usap, masanay na kayo :)

"Naman! Lalo tuloy akong naiinlove, pa-hug nga!", tapos umakma siya na yayakapin ako.

"Hep! Hep! Tsansing ka pare! Hmmmmm, pero dahil malayo pa binyahe mo para manood dito, sige na nga!", tapos tinaas ko yung dalawang kamay ko, at ayun, parang batang natuwa na niyakap ako kaya magkayakap kami dito ngayon sa backstage.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon