Chapter 42 - "Grand Ball - Part 1"

31.1K 497 23
                                    

Jasmine's POV

"MUDRA! San mo ba kasi nilagay yung guantes ko!", hay nako! Naloloka na ko dito kay mudra. Nilabhan yung gown at guantes ko pero di malaman kung nasan na yung guantes.

Sobrang ganda ng gown ko ngayon. Isang black multi layered organza gown na pag tinamaan ng ilaw ay makikita ang maliliit na kumikinang na parang glitters pero di naman. Basta kumikinang ng bongga! May guantes pa sana na lagpas siko kaso nga eto, hindi maibigay saken ni mudra!

"E nak, sinukat ko kasi kanina, ang ganda kasi e, parang yung suot ni Princess Sarah. Kaya lang nakalimutan ko kung saan ko nalagay.", pakamot kamot pa siya ng ulo niya habang nagpapaliwanag.

"Mudra naman, bakit mo sinukat e alam mo namang isusuot ko yun ngayon. Ibalik mo na saken."

"Anong karapatan mong humiling sa isang bagay na ipinagdamot mo. I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason.", ginaya pa niya si Piolo!

*FACEPALM!

Juskoday. Mukhang hindi na ko makakapagsuot ng guantes ngayon. Darating na si EX para sunduin ako e. Oo, EX pa din dahil di pa rin kami nagkakabalikan. Ang torpe kasi ng kumag na yun. Sabe ko manligaw muna, kaso hanggang ngayon, wala pa din! Konting konti nalang, ako na manliligaw dun! Naiinip na ko ng bonggang bongga!

"Bestfriend.", habang kaharap ko si mudra na nagdadrama pa din hanggang ngayon, bigla akong napatingin sa tawag ni bestfriend.

O___________O

"B-BESTFRIEND I-IKAW BA YAN?!", WHAT THE FU----FOX SAY! ANG GANDA NI BESTFRIEND!

Shemay overload! Am I a lesbian?! Okay, OA na to. Pero ang ganda talaga niya! Makalaglag panga! Suot nya ang dark red na strapless quinceanera gown na may silver appliques na lalong bumagay sa fair complexion niya. Tinernuhan pa to ng black guantes na lagpas siko din plus yung maliit na koronang kumikinang sa ulo niya. GRABE LANG! Literal na napanganga talaga kami ni mudra!

"What?", tanong niya.

"Ang ganda ganda mo bestfriend!"

"Alam ko.", *facepalm* hindi manlang mag effort magdeny -__-

"Oh.", napatingin ako sa inaabot niya. WAAAH! Yung guantes ko!

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon