Chapter 6 - "Contest Jitters"

47.8K 659 23
                                    

Dedicated this chapter to her dahil sa ginawa niyang FAN SIGN para saken... YIKEEEEEEEEE!!!!... Sobrang naappreciate ko talaga kaya eto oh, sayo na tong chapter na to.. hohoho! :)))

*******************************

Third Person's POV

Wednesday Night....

"FUCK YOU ASSHOLE!", sigaw ng lalaking may tato na napaupo sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ni Hunter sa kanya.

Laking gulat lang ng grupo nila kanina nang biglang pumasok ang dalawang miyembro ng Mischievous Four sa private room ng isang club na tinatambayan nila lagi. Wala silang kamalay-malay kung ano ang pakay ng mga ito sa kanila.

Hindi na makatayo ang mga lalaki dahil bugbog sarado na ang mga ito. Anim lang ang kalaban ng Mischievous Four ngayon kaya walang kahirap hirap at saglit lang ay tapos na ang laban. Tumingin pa si Hunter at Commander sa paligid ng private room kung may natitira pang nakatayo sa anim, pero wala na talaga. Sila Rider at Deceiver naman ay nasa labas lang at naghihintay. Madali nilang natunton kung saan laging nakatambay ang kalaban dahil malapit lang ito sa sariling hideout nila. Few blocks away, I guess.

"You deserve this.", seryosong sabi ni Commander bago pa ito tumalikod at lumabas ng pinto na parang wala lang nangyari. Agad namang sumunod si Hunter sa kanya. Bumaba sila ng hagdan dahil nasa second floor ang private room at sa baba naman ang maraming tao na nagsasayawan at nag-iinuman. Dito nila nakita sina Rider at Deceiver na nag-aabang kung ano man ang pwedeng mangyari.

"Should I call the police?", tanong ni Deceiver kay Commander nang magkalapit-lapit na sila.

"No need. Let's go.", derederetso lang lumabas si Commander kaya sumunod na rin ang tatlo. Sumakay silang apat sa kotse ni Rider at katulad ng dati ay dumeretso lang sila sa hideout.

"Commander, matanong ko lang, sino ba yung anim na yun? Bakit natin binugbog?", tanong ni Hunter nang makapasok na sila sa hideout.

"May atraso saken yung isa dun. Jan na muna kayo.", tipid na sagot ni Commander tsaka lumabas ng hideout nila. Alam naman ng lahat ang tungkol sa "ritual" niya di ba?

"Hoy, wala ka bang alam tungkol dun?", tanong ni Rider kay Hunter

"Magtatanong ba ko kung may alam ako? Bobo lang?", sagot niya habang hinuhubad ang leather jacket pagkatapos ay humiga sa sofa.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon