Chapter 17 - "Boy Next Door"

38.7K 543 14
                                    

Yuri's POV

"So, I guess you're the famous Chester Adriano.", narinig kong sabi ni Lester habang nakapatong yung ulo ko sa balikat ni Chad.

Magkakilala ba sila? Bakit biglang naiba kinikilos ng Chad ko? OMG, nagseselos ba siya? Hahahaha! Possessive pala ang Chad ko ha. Hahaha! Echos! Asa naman akong nagseselos nga to.

"Ako nga, may problema?", sagot ni Chad. ANG TARAY! Pinag aagawan ako ng dalawang cutipie! Iba na talaga pag mala dyosa ang kagandahan! Hahahaha! Chos lang ulet.

"Wala naman pare, nag uusap lang kami ni Kiana, pero bigla kang sumingit, yun lang naman.", sagot naman ni Lester habang deretso ang tingin.

"Ah, ganun ba? Pasensya na pare, pero kami lang naman ang magkasamang nagbakasyon kaya siguro naman may karapatan akong kausapin din siya.", ANO BANG NANGYAYARE!

"Humahaba lang ang usapan na to wala namang katuturan, dederetsahin na kita, gusto ko si Kiana, baket, ikaw ba gusto mo siya?"

Seryoso ba talaga si Lester? Biglang natahimik si Chad, hindi siya nakasagot. Hindi rin ako makapagsalita kahit gusto ko silang pigilan sa sagutan nila, dahil umaasa at naghihintay pa rin ako na sasagot si Chad, na gusto din niya ko. Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya, hay buhay.. Ano pa nga ba kasi ang inaasahan ko.

"See? Oo o hindi lang di mo pa masagot. Hahaha! Ganyan pala kaduwag ang sikat na sikat na Chester Adriano."

"Ano ba Lester, hindi mo kilala si Chad kaya wag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan.", grabe ha, hindi na ko makapagpigil. May kakapalan din pala ng mukha tong lalaking to. Feeling close?

"Ooops, I'm sorry my dear Kiana. Hindi ko lang maisip na kahit dinedeny ka na ng Chester mo, eh nagagawa mo pa rin siyang ipagtanggol. If I were you, ibang lalaki nalang ang gustuhin mo. Excuse me, punta lang ako sa restroom.", tapos tumayo na si Lester at naiwan kaming dalawang nakaupo at naghihintay na magtake off yung plane.

Pag tingin ko kay Chad, nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Hindi ko na muna siguro siya kakausapin, bad mood to ngayon. Alam kong mali si Lester sa ginawa niya, pero sa kabilang banda, tama rin naman siya eh. Bakit nga ba si Chad pa yung hinahabol habol ko, e ayaw naman niya saken? Ang dami namang lalaking humahabol saken, nanjan naman si Eyd, na mukang nagsisi na sa ginawa niya saken nun.

Buong byahe, wala nang nagsalita saming tatlo. Si Chad, binalik na yung earphones sa tenga niya, pati na rin yung eye mask. Si Lester naman, may binabasa na magazine about sa photography. Ako? Naglalaro lang ng zombie tsunami sa tablet ni Chad. Lumang tablet niya to na nandun sa townhouse na tinuluyan namin.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon